Chapter 25

13.2K 751 160
                                    

Chapter 25:

The Compromise

JACK exactly knew what Blair was trying to do.

Hinuli niya ang mga kamay nitong kanina pa siya nililito sa paraan ng paghaplos sa dibdib niya. He patiently sighed and closed his eyes for a second. Pagdilat niya ay hindi naman naiba ang mapaglarong ngisi ni Blair. And her eyes, still blank.

"Why do you have to do this?" he softly asked, almost a whisper. Humigpit ng bahagya ang hawak niya sa mga kamay nito. "Why would you put all the pressure on me to back out from this engagement?"

Blair chuckled. Binawi nito ang mga kamay sa kanya. "So, so smart, Jack." Humakbang ito palagpas sa kanya, pumasok sa loob ng kusina.

Agad niya itong sinundan. "You don't really want to get married, do you? Bakit hindi ka na lang sumagot ng 'hindi' agad? I can accept a straight rejection, Blair."

Binuksan nito ang pinto ng refrigerator. Kumuha ng isang bote ng champagne. "It's too early for wine. But not for champagne, right? You might still have a jet lag and this drink will perfectly soothe you!"

Ganito palagi si Blair. Kapag tama siya ng hinala sa ginagawa nito, mabilis na ininiliko nito ang usapan. Hindi niya alam kung paano pang papangalanan ang "relasyon" na mayroon sila sa mga nakalipas na panahong nagdaan. Ngunit kung ano man ang mayroon sa pagitan nila, hindi naging hadlang 'yon para mapansin niya ang mga "hilig" at "ayaw" nito.

"My family's waiting for your answer, too, Blair."

"If I say 'no', will they give you to another... Salamanca?" she asked, casually. Nagsasalin na ito ng champagne sa tig-isang kopita ng baso.

Hindi agad nakasagot si Jack. The thing is, this all arranged marriage between Jack and Blair-although was a real tradition of the Valleroso clan for ages-was just a favor. Dapat ay sa Kuya Izaak niya na hihinto ang tradisyon.

Ngunit, "pinakausapan" silang ituloy niya. Para kay Blair.

At pumayag siya. But if she won't marry him in normal terms, then what's the use of marrying at all?

Lumapit si Jack kay Blair. Hanggang sa tapat nito, nakapagitan ang mahabang kitchen island sa kanila.

"It does not work that way," marahan niyang sagot. Humugot siya ng malalim na hiningi. "Hindi rin naman ako magpapakasal kung hindi ikaw ang Salamanca para sa'kin, Blair."

She giggled, like a lady flirting. "Oh, Jack. You could still marry in my terms. My answer depends if you could take it all." Sabay abot nito sa kanya ng isang kopita.

"You know I never view marriage that way." Kinuha niya ang inabot nitong kopita. Tinitigan lang ni Jack ang laman niyon. "What's wrong if we'll have a normal marriage and family together, Blair? Why need to complicate things?"

"What's complicated with my terms, Jacquin?" Tinikman nito ang champagne. "Gusto kong sa States tayo magpakasal dahil may divorce. Pero hindi ko sinabing magdi-divorce tayo. In case lang. Mas madali nating ma-protektahan ang assets ng isa't isa. At puwede kang magpakasal ulit kung sakali! Hindi katulad dito sa Pilipinas. Alam mo ba kung gaano kagastos at katagal magpa-annul?"

Tumingin ito sa kanya. Boredom all over her face. "At may issue ka ba with my decision in keeping my father's name? I am a Delos Santos. You know how much I love Papa. Although he's not here anymore, I want to honor him. I want to stay a Delos Santos.

"And my decision to have no kids is my right as a woman, Jack. Kaya kung ayos sa'yo lahat, eh di magpapakasal tayo. Kung hindi, ikaw ang nagdesisyon na hindi ako pakasalan dahil ayaw mo sa lahat ng gusto ko."

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon