Chapter 21

11.3K 751 224
                                    

Chapter 21:

The Handsome One

Frankfurt, Germany.

May 2000.


"GOING BACK? To the Philippines?"

"Are you sure, apo?"

Tumango si Blair at binigyan ng tamang ngiti ang grandparents niya. "I was not able to finish high school. Isang taon na lang sana. Doon ko na lang tatapusin. But I want to go to a different school. Preferably not in Manila, but perhaps in the neighbor provinces, whatever. I also want to have my own place. I think you could do that for me, right, Mamita? Lolo?"

Puno ng kumbiksyon ang mga salita ni Blair. Hindi naman ganoon katigas, pero madidinig sa tinig na wala nang makakapagpabago ng mga naisip niya.

Nagkatinginan ang dalawa. Tumikhim ang lolo niya. "Of course. But, again, we've told you that you can finish your studies here and build a new life."

Hindi niya magagawa ang mga plinano niya kung wala siya sa Pilipinas. Hindi niya masisingil ang mga magulang sa kasalanan ng mga ito kung nandito lang siya sa Germany at nagtatago.

"There's no place like home," Blair said, subtle sarcasm in her voice. Kinuha niya ang red wine at marahang sumimsim doon.

"Mamita, can you search a good school for me in the Philippines? Ayoko ng sikat at masyadong malaki. But still can give the best education fit for our status."

Napabuntong-hininga ang Mamita niya. Bumaling na ito sa hinihiwang steak. "May amiga ako. She owns this very exclusive high school and college in Bulacan."

"Perfect." Sumubo na rin siya ng pagkain. Napangiti. "I believe you can buy me a place there as well?"

"Anything for you, sweetheart."

Matagumpay ang mga ngiti ni Blair. "And you'll support me, right? Give me some allowance?"

"I have no problem with that," her grandfather said. "Lalo na't nabanggit mo noong isang araw sa'kin na may plano kang mag-invest? I think I can trust you with money."

"Of course, Lolo." Tinignan niya ang mga ito. "It's a deal, then? Uuwi ako ng Pilipinas next month, sa pasukan. I hope my own place is ready by that time."

"Do you want a driver and helpers with you?"

"That would be lovely, Mamita." Sinadya ni Blair na lambingan ang boses. "Thank you so much!" Yumakap pa siya sa mga ito.

No wonder Bridgette was spoiled rotten. Mabilis lang pumayag sa kahit anong bagay ang grandparents niya. But, well, she won't frown about it dahil siya naman ang nakikinabang ngayon.

Pagkatapos ng hapunan, dumiretso na agad si Blair sa sariling kuwarto. Inilabas niya ang notebook kung saan niya sinulat ang mga kailangan niyang gawin.

First to tick off is to finish her studies. She got to earn whatever degree possible para mabuo ang mga plano niya. This will take years... but no problem. She has her whole lifetime to...

Umangat ang gilid ng labi ni Blair. She got to turn the tables now. Sayang naman kung anak siya ng dalawang pinaka-masamang tao at hindi niya gagamitin ang mga "namana" niyang katangian laban din sa mga ito.

***

June 2000.

WHEN the next month came, everything was prepared for Blair's comeback.

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon