Content Warning: Some lines/dialogues may cause triggers and discomfort. Please be guided. Thank you.
***
Chapter 49:
Apologies and Reasons
AKALA ni Blair, makapagtatago siya kay Jack. Pero hindi pala talaga.
Akala niya lang walang alam si Jack pero pinababayaan lang pala siya nitong manahimik at naghihintay kung kailan siya magsasabi. Nobody knows her like Jack does.
At nalaman niya ang tungkol kay Wade nang mag-usap sila tungkol sa mga nawala niyang bodyguards...
"Bakit ba kasi inalis ni Kuya Bari ang bodyguards ko totally? Bakit pumayag ka? Ganoon ba kayo kakampante na hindi ako masusundan nina Wade at Hank dito sa Monte Amor?"
What if those two are conniving against her? Lalo nang may kaunti siyang naalala at base sa kaunti niyang natandaan ay mukhang siya talaga ang may kasalanan—
"Can you tell me first if you some memories were triggered when you saw Wade, again, Blair?" maingat na balik-tanong ni Jack.
Nag-iwas siya ng tingin. "I just want my bodyguards back. Tignan mo nang inalis sila, nalapitan na 'ko ni Mama nung nagkasakit ako."
Jack sighed with patience. Tumitig ito nang matagal sa kanya. "Blair, before we left Manila, I already noticed you were trying to avoid something. Dra. Alicante confirmed that you lied from the last time we talked to her."
Parang nasukol na hayop si Blair, sinubukan niyang lumayo pero nahawakan na siya sa braso ni Jack.
"Please, Blair. You can't keep running away."
"I just want my bodyguards back!" she shouted.
"You don't need them because Wade surrendered to the police already!" Jack answered back, not shouting, but with louder emphasis.
Napatulala si Blair sa isiniwalat nito!
Pumikit si Jack saglit at saka muling tumitig ng diretso sa kanya.
"Blair, Wade admitted that he... he forced you. Na alam niya ang tunay na nangyari at sasabihin niyang lahat. Gusto ka rin niyang makita at makausap..."
Blair refused that time. She's so afraid she's being set up. Siguro mahirap lang din isipin na pagkatapos ng ilang taong akala niya ay patay na si Wade, biglang buhay pala ito at inaako ang kasalanan.
Sa ilang taong sinisira ni Hank ang pangalan niya at pinagbintangan siya, bigla itong tumigil at nanahimik. At binabalik pa ang kompanya sa kanya...
Pero tama si Jack. Tama na ang pagtakbo niya. Walang matatapos kahit isa, sa kahit anong problema niya, kung palagi na lang siyang tumatakbo.
Besides, Blair knew what she's been doing since then. Akala niya, sa pagtakas ay may kapayapaan. Pero hindi pala.
Kaya pala, hanggang sa ngayon, manahimik man sila ni Jack sa Monte Amor o kung saan pang lupalop ng mundo, babalik at babalikan siya ng mga bagay na kinatatakutan.
Kahit anong pagtakbo at pagtakas ang gawin niya, matatapos lang ang lahat kung matututo na siyang harapin ang lahat.
Kaya ngayon, nakatanaw si Blair sa dagat habang mabilis ang takbo ng fast boat na dadalhin sila ni Jack sa Dumaguete. At doong airport sila pupunta para makasakay ng eroplano pabalik ng Manila.
BINABASA MO ANG
Good Riddance (DS #2)
Ficción GeneralThe two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Christeena Blair Delos Santos just wanted to come, to play, and... to crash every man's heart. No one can stop her. No one can tame her. Not even with love. Because she c...