Chapter 28 (Part 2)

20K 947 669
                                    

Chapter 28:

The Validation

(Part 2)

JACK decided to change his plans.

"Mommy!!! Si JJ, aalis na yata ng bahay! Doon na titira sa friend niya!"

Kunot-noong napalingon si Jack. Sa nakabukas na pintuan ng kuwarto niya ay nakangisi ang Kuya Izaak niya habang nakatingin sa kanya. Pagkatapos ay biglang lumitaw ang ulo ni Raqi mula sa gilid.

"Magtatanan na kayo, Kuya JJ?"

"I'm not moving anywhere," sagot niya at napailing-iling na lang sa mga kapatid. Binalik niya ang pansin sa pag-aayos ng maleta. Tinupi niya ng maayos ang ilang damit, ni-rolyo, at saka isinilid ng mabuti doon.

"Why are you packing your things, then?" Lumapit na si Raqi at umupo sa gilid ng kama niya.

Inakbayan naman siya ng Kuya niya. "Akala mo hindi namin napapansin na araw-araw sa loob ng dalawang linggo, kay Blair ka na umuuwi, ha?"

"True!" segunda pa ni Raqi na kinuha ang ilang damit at inilabas mula sa maleta. "After your work na natatapos na sa umaga, pumupunta ka na sa kanya. Tapos uuwi ka na lang dito kapag oras na ulit ng work mo."

Tinignan lang niya ang paglabas nito ng mga natupi niya na. Hindi ba nito napansin kung anong klaseng damit ang in-e-empake niya?

"Ginawa mo naman kaming office mo, baby bro! Aba! For two weeks—fourteen days straight, iyon lang ang ginagawa mo. Uwi dito para magtrabaho, tapos aalis ka agad kinaumagahan. Umamin ka na! Kay Blair ka na nakatira!"

"Nagpakasal ba kayo in secret?" malisyosong tanong pa ni Raqi. "Or... Don't say you started living together na?!"

"Nasumpa ka na naman ba ng friend mo? Under her spell ka na naman niya?"

"Hindi ka na talaga natututo, Kuya! Nakalimutan mo na ba 'yung mga tears na iniyak mo dati? Dami kaya niyon!" tukso ni Raqi, tuloy-tuloy pa rin na nilalabas ang mga damit.

Malakas na napabuga ng hangin si Jack. Tumigil sa pagsasalita ang panganay at bunsong kapatid.

Tahimik na ibinalik niya sa maleta ang mga inilabas ni Raqi, isinilid ulit ng mabuti doon. "Sinasamahan ko lang si Blair. It's not good for her to be alone right now."

After that day he read those small notes of Blair for her late father, Jack was deeply bothered. He knew Blair's suffering from something but he didn't know how deep it was...

"She's planning to take her own life," mahinahon niyang dagdag. Nakuwento niya na sa mga kapatid ang tungkol sa nabasa niya—except for the "baby" part.

"The fact na iniisip na niya 'yon, she could do it anytime. Anytime that she's very sad and alone. She could be depressed at ayaw niya lang ipakita iyon." Sinara niya na ang maleta. After zipping, he looked at his siblings. They were very quiet now.

"I cannot take away the pain, the sorrow, the grief, the sadness... It's beyond my control. But I can do something and that's staying by her side as much as I can."

Kahit pa pinaparamdam sa kanya lagi ni Blair na hindi siya welcome sa bahay nito. Walang problema iyon kay Jack. A part of him just wanted to guard her closely. Kaya kahit nasa sala lang siya at nagkukulong si Blair sa kuwarto nito, the fact that he can check her every five minutes and the relief that she's still alive—means a lot. Ibig sabihin may epekto ang presensiya niya kahit hindi aminin ni Blair. The fact that she knows she's literally not alone, maybe and hopefully, gave her the push to continue living one day at a time.

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon