Chapter 26

13.2K 815 301
                                    

Chapter 26:

The Morning Sleep


"NAME Kuya JJ's past girlfriends in order!"

"Blair, Venice, Blair, Thalia, Blair, Molly, Blair!" tumatawang pagsagot ni Kuya Izaak kay Raqi.

Napahikab si Jack dahil katatapos niya lang makipag-Skype meeting sa boss niya sa New York. It's seven in the morning and he wanted to go to sleep. But his siblings barged into his room and started teasing him, again. Yes, this early in the morning.

"Please, wala pa 'kong tulog," mahinang pakiusap niya sa mga kapatid. Jack laid face flat on his bead, burying his head against his pillow.

Tumabi pa talaga sa kanya si Raqi. Sadyang nagpaparinig. "Name Kuya JJ's past girlfriend na dapat fiancee niya pero friends na lang muna ulit sila bago magpakasal."

"Blair!" sagot na naman ng panganay na kapatid.

Tinakpan niya ang magkabilang tainga.

"Balik friends ba talaga ulit? Baka friends with benefits!"

"Raqi!" saway ni Kuya Izaak pero tumatawa. "Parang hindi naman gano'n. Masyado lang talagang mabait 'tong si JJ kaya nakikipag-friends pa rin sa babeng ilang beses na siyang sinaktan." Ginugulo pa nito ang buhok niya.

"Can you let me sleep, please?" Malumanay na pakiusap ni Jack sa mga kapatid. Gusto niya na munang makapagpahinga dahil mamayang gabi ulit ay may trabaho siya. "Tease me later. Patulugin niyo muna ako."

"Kumain ka daw muna," sabi ng kuya niya. "Nakahanda na si Mommy ng breakfast."

"And Daddy just arrived from the hospital!" Raqi excitedly said. Niyugyog pa ang braso niya. "Parehas kayong walang tulog ni Daddy pero kakain siyang breakfast kasi si Mommy nag-prepare. At para complete tayo! Kaya huwag ka munang matulog, Kuya JJ!"

Dinilat niya ang isang mata at tinignan ito. "Gusto niyo lang akong makasabay sa breakfast pero bakit kailangan niyong mang-asar?"

Humagikgik si Raqi at tinuro si Kuya Izaak. "His idea!"

Bumaling siya kay Kuya Izaak. "Kuya..."

Ngumisi ito. Kinindatan siya. "Akala ko, mawawala ang antok mo kapag naririnig mo ang pangalan niya. Naks!" sabay pabirong suntok sa braso niya.

"Get up, Kuya JJ!" Hinila na siya ni Raqi. "Come on, come on!"

Walang nagawa si Jack kundi ang sumunod sa mga kapatid. Nilabanan niya na lang ang antok. Tutal, gusto niya ring makasabay sa pagkain ang kumpletong pamilya. Sa New York ay mag-isa lang siya palagi sa pagkain. Although he loved his independence, he kind of missed eating with his whole family.

Nauna nang bumaba si Raqi. Si Kuya Izaak naman ay inakbayan siya sa leeg. "Kumusta na? Isang linggo na nakalipas, ah? Hindi pa din tumatawag sa'yo 'yung friend mo?"

Umiling siya. "I'm still waiting for her call."

"Tsk, tsk! Hindi na siguro tatawag 'yon. Baka tinakasan ka na naman. Magaling siyang iwan ka, hindi ba?"

Tila nasa gitna ng pang-aasar at pagkainis ang tono ng kuya niya. Tinignan niya ito. "Kuya, Blair's not like that. I mean, she have done that but—"

"And she can do it again."

"We've talked already. Just let me handle this."

"So, your marriage is not off the plate?"

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon