Chapter 17:
The Unavoidable
TAPOS NA agad ang first grading na hindi masyado namamalayan ni Blair. Maybe because it's the first time that she felt studying wasn't boring after all. Matiyaga siyang tinutulungan ni Jack sa lahat ng assignments at projects niya. Kahit ang hectic din ng schedule nito dahil sa pagiging editor-in-chief ng school magazine.
"I already checked your papers. And I'm impressed with your scores, class," sabi ng Math teacher nila na hindi masyadong napapansin ni Blair.
Nakatingin siya sa labas ng bintana ng classroom. Maya-maya ay dadaan si Jack para kunin ang susi ng locker niya. Naiwan kasi nito kahapon ang Physics book sa apartment niya. Dinala niya iyon at inilagay sa locker niya kaninang umaga. Nakalimutan niya kunin kaninang lunch kaya mismong susi na lang niya ang ibibigay kay Jack.
"Our highest score, fifty-five correct points over sixty."
"Ang taas naman!"
"Who's the highest scorer, Miss?"
"Delos Santos."
"Huh?" Napatingin si Blair sa harap habang ang mga kaklase niya ay napalingon sa kanya at nagpalakpakan.
"You did it, Blair!" Summer cheered. "You got the highest score!"
"What? What?" gulong-gulo si Blair. Siya? Highest score? Sa Math?! Joke ba 'yon?
"Please, stand up, Miss Delos Santos. Get your paper," nakangiting sabi ng teacher.
Siya talaga? Hindi lang panaginip?!
Hindi pa ring makapaniwalang napatayo si Blair at saka naglakad papunta sa harap. Todo palakpak ang mga kaklase niya. Kabi-kabila ang pagbati.
"Congratulations, Blair!"
"Ang galing mo, Blair!"
"Nakaka-inspired pala kapag may boyfriend!" tukso ng isang kaklaseng lalaki at umulan ng mga panunukso.
Napangiti lang siya at masayang kinuha ang test paper. Does this mean mataas ang magiging grade niya sa Math for the first grading?
"Good job, Miss Delos Santos," nakangiting bati ng babaeng teacher sa kanya. She shook her hands. "Keep it up, okay? Ikaw lang ang naka-perfect ng chain rule problem."
"Thank you, Miss!"
"Paki-regards na lang ako kay Mr. Valleroso," pakikisama ng teacher sa tukso. Lalo tuloy nag-ingay ang buong klase.
Napahagikgik lang si Blair. Well, Jack did teach her well during reviews. Dahil mabait nga ngayon ang Mama niya, hindi nito pinilit ang pinsan niyang si Celest para i-tutor siya. Instead, Jack volunteered to review her during the periodic exam last week.
Madami ngang nasagutan si Blair sa lahat ng exams niya! Na-retain lahat ng tinuro ni Jack. Siguro kasi may kasamang kiss sa cheeks sa tuwing mataas ang points niya sa reviewer na ginagawa nito!
Kinilig siya sa alaala. Parang excited na siya agad para sa second grading na exam. Para magre-review na ulit sila ni Jack nang magkasama hanggang gabi!
"Congrats, Blair!" bati ni Faye nang madaanan niya ang row kung saan ito nakaupo.
Nginitian niya lang ito. Hindi sinasadyang napasulyap siya sa katabi nitong si Chanel na inirapan lang siya.
Umirap lang din siya at saka masayang bumalik sa tabi ni Summer. Tatlong buwan na pero wala talaga siyang planong makipagbati sa mga ito. Mas okay na si Blair na silang dalawa na lang ni Summer ang close. At least, wala na siyang naririnig na panlalait tungkol sa itsura ni Jack. At saka wala nang kung ano-anong pumapasok sa isip niya.
BINABASA MO ANG
Good Riddance (DS #2)
General FictionThe two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Christeena Blair Delos Santos just wanted to come, to play, and... to crash every man's heart. No one can stop her. No one can tame her. Not even with love. Because she c...