Chapter 23

13.9K 753 467
                                    

Chapter 23:

Blair and Vengeance

HINDI mapigilan ni Blair ang paghikab habang nagdi-discuss ang isang professor para isang mass lecture.

Napabaling sa kanya si Venice. "Puyat ka na naman?"

Ngumisi siya rito. "You know. I got a date."

"Ganoon ba talaga ang itinatagal ng date?" inosenteng tanong nito. "I thought a dinner date just usually takes two to three hours."

If it's a normal dinner date, sure. "Madami kasi kaming pinag-uusapan ng ka-date ko."

"So, interesting pala kausap si Hank?"

Naisip niya ang lahat ng ginawa nila kagabi. "Yeah. He's interesting." Blair yawned again. "Anyway, the lecture bores me. Nasaan na pala 'yung papabasa mo sa'king bagong novel mo? Pabasa na lang ako. Just to keep me awake."

Inirapan siya ni Venice pero kinuha nito ang isang folder. Sa loob niyon ay naka-fasten na ang ilang pahina ng papel. Hindi na ito sa notebook nagsusulat ngayon. She's typing and printing afterwards. Para diretsong pasa na rin ni Venice sa publisher nito.

Binuklat ni Blair ang folder at sinimulang magbasa. Tumakas muna siya sa ibang mundo. Blair was very hooked with her friend's piece when the class ended.

"You're so good! I can't wait for this to be published," puri niya sa kaibigan, sabay pabirong hampas ng folder dito. "I wish I can write like you. Pero reader lang talaga ako, eh."

"Our course is teaching us to write. Puwede mo namang gawing stepping stone 'yon kung gusto mo magsulat, Chrisee."

Nagkibit-balikat siya at isinukbit ang shoulder bag sa balikat. "No, thanks! Morbid lang ang masusulat ko." Naalala niya ang mga nakasulat sa notebook niya. All the details that she has written to perfectly execute all of her "plans" in life.

"O, bakit ka nakangisi diyan?"

Umiling si Blair at sinundan na si Venice palabas ng multi-purpose hall.

"Papasok ka ba bukas, Chrisee?" tanong nito bigla.

"Sa morning class lang." Bridgette invited her over lunch to celebrate her birthday. Tatanggi sana si Blair but Hank and Wade promised her something...

"Okay, maibibigay ko ang gift ko sa'yo!"

That day went normal as usual for Blair. Wala namang something interesting talaga sa pagpasok niya ng college. Sila lang lagi ni Venice magkasama, and most of the time, tungkol lang sa nagsisimulang writing career nito ang pinag-uusapan nila. Para na rin walang way para mapag-usapan ang buhay niya masyado.

Sumapit ang uwian at nauna na ulit umuwi si Venice. Naglalakad na si Blair papunta sa gate nang magkasalubong sila ni Jack.

Their eyes instantly met. But she's the first one to look away. Ganoon na din siguro ang ginawa nito.

They passed by each other without any greetings. Pero nang palabas na siya ng gate ay tumigil lang basta ang paa ni Blair sa paghakbang.

At parang may sariling isip ang katawan na lumingon siya.

Jack had the same position. Malayo na ang distansya nila pero nakahinto ito at nakalingon din sa kanya. The only difference now was that, slowly, Jack moved towards her.

He smiled. "Happy birthday for tomorrow."

Tumalikod siya dito. "Why are you greeting me?"

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon