Chapter 3:
The Midnight Talks
NAPANGITI ng malaki si Blair nang makita si Jacquin na naglalakad palapit sa kanya.
"S-Sorry, I'm late," anito at saka inayos ang suot na salamin.
"No problem!" sabi naman niya. "Let's go?"
Bahagya itong tumango at nagpalinga-linga. "N-Nakatingin s-sila sa'tin."
"Who?" Napalinga-linga din si Blair at nakita ngang may ilang estudyante ang tingin nang tingin sa direksyon nila. "Oh, don't mind them. Nagagandahan lang sila sa'kin."
Jacquin shyly smiled and scratched his head. "Hindi yata sila naniniwala na k-kinakausap mo 'ko."
Umirap siya. "'Ayan ka na naman. Bahala sila sa buhay nila. At ikaw, mind me instead."
Nag-iwas ito ng tingin sa kanya.
She giggled and pulled his hand. "Come! Let's eat at my favorite junction. They serve the best pasta and fries!!!" she excitedly said.
Nagpahila na lang sa kanya si Jacquin hanggang sa makatawid sila sa sinasabi niyang kainan.
"Give Grace," basa nito sa pangalan ng kainan na sinasabi niya.
Mabilis silang nakapasok sa loob at dahil laging nandoon si Blair ay kilala na siya ng ilang staff.
Pinaupo agad sila sa usual spot niya sa tuwing kumakain doon.
"Can I have the Pinoy Spaghetti and potato fries, please? Water lang for my drink. And for dessert, New York cheesecake!"
"How about you, Sir?" baling dito ng waiter pagkatapos ilista ang order niya.
"Uhhh..." Tumingin sa menu si Jacquin at halos isubsob na nito ang mukha doon. "I-I will just h-have a quarter pounder, no dressing. Then, i-iced tea, p-please."
"How about for dessert, Sir?"
"Ahm..." Tumingin ulit ito sa menu. "Mmm..."
Nangalumbaba si Blair at pinanood lang ito habang pumipili ng pagkain. Maybe smart people are really like this—'yung kahit sa pagpili ng pagkain, focused na focused at pinag-iisipan pa rin talaga.
"L-Leche flan, please," sa wakas ay nakapili na si Jacquin ng dessert nito.
Tumango ang waiter at kinuha ang menu. Sinabihan sila na maghintay ng ten to fifteen minutes.
"Akala ko kanina, hindi ka darating," sabi niya at medyo napalabi. "I was worried that you got bullied somewhere or... you don't want to have lunch with me talaga."
Sumandal si Jacquin si kinauupuan. Nakatungo ito at hindi na naman makatingin sa kanya. "I-I'm really sorry for keeping you waiting. Our English teacher asked me to check the papers with her. Kaya medyo natagalan. P-Pasensya na talaga, B-Blair. Hindi ko nga inaasahan na maghihintay ka sa'kin."
"Maagang natapos ang period before the lunch kaya pumunta ako agad sa gate. Hindi ako sumama sa mga kaibigan ko kumain sa isang mall malapit. I was really looking forward to have lunch with you."
Sandali itong sumulyap sa kanya. "Alam ba ng mga kaibigan mo na ako ang kasama mo?"
"Yes." And her friends laughed at her. Bakit daw siya makikipag-"lunch date" sa isang nerd? Magpapalit na talaga siya ng mga kaibigan!
![](https://img.wattpad.com/cover/58288826-288-k372312.jpg)
BINABASA MO ANG
Good Riddance (DS #2)
General FictionThe two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Christeena Blair Delos Santos just wanted to come, to play, and... to crash every man's heart. No one can stop her. No one can tame her. Not even with love. Because she c...