Chapter 37

12.8K 858 411
                                    

Chapter 37:

Never Changing

MUKHANG masaya at komportableng nakahalubilo agad si Jack sa mga empleyado. Habang sabay-sabay na kumakain ang mga tao ay nagbibigay ito ng atensyon sa mga kumakausap dito.

Si Blair naman, habang naglalagay ng spaghetti sa paper plate niya ay pasulyap-sulyap siya kung nasaan si Jack. Katabi ito ni Kuya Bari at napapalibutan ang dalawa ng mga empleyado mula sa iba't ibang team. Babae at lalaki.

May mga tinatanong ang mga ito at naririnig niyang sinasagot naman ng diretso ni Jack, minsan sa pabirong paraan. Nagtatawanan ang nagkumpulang grupo habang pangisi-ngisi lang ang kapatid niya sa tabi.

"Ang cool naman ni Mr. Valleroso! Kanina pa niya ina-accommodate lahat ng lumalapit sa kanya. Hindi pa nga yata nakakakain."

"He's very friendly and approachable, sis! Hindi rin madamot sa ngiti!"

"Napansin mo rin? Grabe, 'no? Ngumingiti rin naman si Sir Bari pero halata mong professional lang. Si Mr. Valleroso, all out! Lumiliwanag ang buhay!"

"Ang ganda pa ng mga mata. Sarap matitigan niyan!"

"Lapitan natin mamaya?"

"Sige, sige! Sama-sama tayo, ha? Walang mauuna!"

Mahinang naghagikgikan sa kilig ang mga babae sa tabi niya. Mukhang mga taga-accounting department ang mga ito. Kasi mas tamed.

Iniikot-ikot ni Blair ang tinidor sa spaghetti noodles bago iyon sinubo. Bakit ba parang sadyang ipinaparinig sa kanya sa tuwing pinagkakaguluhan si Jack ng mga babae?

Humila siya ng isang upuan at inilapag ang kinakain sa lamesa. Dahan-dahan siyang ngumunguya, kasabay na rin nang pagpapakalma ng dibdib niya. After Jack spoke to her, her heart just won't calm down.

Nararamdaman niya pa rin hanggang ngayon ang mainit nitong hininga sa tainga niya nang bumulong, pagkatapos ay inaya na siyang kumain kasama ng iba pang empleyado.

Good thing pagkapasok nila ng conference room kung saan nakahanda ang buffet ay nilapitan agad si Jack ng mga tao. Blair quietly kept a distance, and now she's alone eating her spaghetti.

Napalingon siya kung nasaan si Jack. Mas dumami na ang mga empleyadong nakapaligid dito. People flock around him, and she can't help but remember their high school days...

Pinagmasdan niya si Jack. Hindi nito suot ang eyeglasses nito; ang buhok ay naka-ayos sa magandang style na akma sa gupit niyon; ang mukha ay sobrang kinis; mamasa-masa ang mga nakangiting labi, at ang dimples nitong taga-aya yata ng mga tao para lapitan ito...

Ibinalik niya ang tingin sa spaghetti. Jack grew up more handsome and confident as the years passed by. Nang nagpakasal sila ay malaki na ang naiba sa itsura nito. Lalo na ngayon! It was like, Jack will always be more handsome day after day.

Suddenly, Blair missed the days that Jack couldn't even make long eye contact and talk straight to her. Lagi itong nakayuko, nakaiwas ng tingin, pautal-utal... Dati, siya lang ang kumakausap rito... Solong-solo niya ito.

Noon din, si Jack iyong tahimik lang sa isang tabi at matiyaga siyang hinihintay na matapos makipag-usap sa mga taong lumalapit sa kanya. Ngayon, siya na ang tahimik at mag-isa sa isang tabi habang ito na ang pinagkakaguluhan.

And Blair has no problem with that. Tapos na siya sa phase na kailangan niya ng pansin. As much as possible, she avoids too much attention so she could keep her peace.

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon