Content Warning: May contain sensitive lines, dialogues, or scenes. Please be guided. Thank you!
*****
CHAPTER 54:
The Favored
"HELLO, Mommy! Nagwe-wait kami ni Daddy ng boat now. And then, after the boat ride, we will ride an airplane. We will go to Manila. May meeting daw si Daddy."
Natawa si Blair sa agad na bungad sa kanya ng anak pagkasagot nito ng video call. "Wow! That's a long greeting, baby. Good morning from here!"
"Good morning, Mommy! Night na dito."
"Yes, yes. Gabi pala kayo aalis. Matagal mag-stay kayo sa Manila?"
Nilayo ni Santino ang phone sa mukha nito. The background looks like a waiting area. "Yes, Mommy. Maraming meeting si Daddy sa work. We will visit Tito Sandro and Tito Bari tomorrow, too! Tapos meeting sila lahat tatlo."
Napangiti siya at mas niyakap pa ang unan. Kagigising niya lang kaya't nakahiga pa siya sa kama. "Okay. You behave, anak, ha. Huwag kang malikot at saka lagi kang susunod kay Daddy. Are you a good boy naman there?"
Mabilis na tumango si Santino. "I'm a good boy, Mommy! Sa birthday party ni Daddy, hindi ako magulo. Nag-dance lang ako at saka nag-sing."
"Yes, I saw the live videos! You're so galing! You made Daddy happy on his birthday. And I'm so proud of you! Pag-uwi ko, I will kiss you a lot!"
Humagikgik ito. "Si Daddy din, Mommy? You will kiss him a lot?"
"Hindi lang kiss! More than kiss!"
"Christeena Blair," mahinang saway ni Jack sa background.
"Ay, nandyan pala si Daddy." Natawa siya. "You give the phone to Daddy muna, anak. I will tell him something."
"Daddy! Talk ka po with Mommy!" Lumitaw ang mukha ni Jack sa screen nang tinapat ni Santino ang front camera ng phone rito.
Pumungay ang mga mata ni Blair habang nakangiti. "Hi, babe. Ang guwapo mo naman."
"Kagigising mo lang ba?" kunot-noong tanong nito nang makita siguro ang ayos niya.
"Yes. I just woke up." Humikab siya. "Medyo napuyat ako kagabi kasi sinumpong si Mama. Nahirapan kami ng mga helpers na pakalmahin siya."
Tumango ito. "Please, try to sleep early next time para sa baby. Kaya nga kumuha tayo ng makakatulong mo sa pag-aalaga kay Mama para hindi nako-compromise ang kalusugan niyo ng bata."
"Yes... Sorry... Mahirap lang kagabi dahil ang tagal ng sumpong ni Mama. Anyway, did you get my birthday gift? And 'yung love letter ko?"
Marahan itong tumango.
"Did you like my gift, babe?"
"Sakto lang."
She giggled. "How about my love letter? Kinilig ka ba nang binasa mo?"
Inalis nito ang tingin sa screen, bumaling sa anak nila. "Ayos lang..."
Napangiti siya. "You just turned 40. Ako naman, next month na! Ang tanda na natin, Jack. But I can still remember the first time we met when we were 15 turning 16. So, 24 years na pala tayong nagmamahalan!" tukso niya pa rito.
"24 years na kitang pinagpa-pasensyahan."
Napahagalpak siya ng tawa. "Ah, yes! You're the best! Thank you so much. I love you!"
BINABASA MO ANG
Good Riddance (DS #2)
General FictionThe two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Christeena Blair Delos Santos just wanted to come, to play, and... to crash every man's heart. No one can stop her. No one can tame her. Not even with love. Because she c...