Chapter 18

13K 685 227
                                    

Chapter 18:

Foamy

TULALANG nakatitig lang si Blair sa kisame ng kuwarto niya. Mas nauna pa siyang nagising kaysa sa pagtunog ng alarm clock niya.

She breathed deeply and closed her eyes. Nandoon pa rin ang sakit ng ginawa ng Mama niya sa kanya. Although, she doesn't feel worst now. Parang naiyak niya na yata lahat kagabi...

Kagabi...

Napalunok siya at bumangon ng kama. Dumiretso siya sa banyo para maligo. Under the hot shower, she can feel her sensitive parts throbbing because of last night, too. Hindi naman na ganoon kahapdi, pero nadadama niya pa rin ang resulta ng mga nangyari sa kanila ni...

"Jack..." nasambit niya. Now, she's bothered with a different thing. Jack succeeded in taking her away... Far, far away...

Napabuga ulit siya ng hangin bago nagtuwalya at tinuyo ang sarili. Mabilis nang kumilos si Blair para ayusin ang sarili. She wore her school uniform and combed her hair in front of the mirror. Pagkatapos ay kinabit niya ang daisy hair clip sa kanang bahagi ng buhok. Naglagay din siya ng kaunting pulbo sa mukha at lip balm sa mga labi.

Eksaktong dumating ang taga-linis at handa na si Blair sa pag-alis.

"Miss Blair, hindi na po kayo kakain ng breakfast?"

Umiling lang siya. "I'll just grab a snack at school. Bye, Manang..." Kinuha niya ang school bag at lumabas na ng apartment.

She walked and walked until she entered the school gate. Wala pang masyadong estudyante sa paligid.

Imbes na dumaan sa locker room, pumunta agad siya sa special flower house ng school garden.

Doon siya umupo at tinitigan ang mas namumukadkad pang mga bulaklak, lalo na ang daisies. Sa paglipas ng mga araw, mas dumadami na iyon. Ibig sabihin, malapit na ding pitasin...

"Hey, daisy..." bulong niya sa bulaklak habang nilalaro-laro ng daliri niya ang mga petals niyon. "Yesterday was messy. But today, I feel better. I just don't know with Jack... It's his birthday. Kagabi, after we made love, we can't look at each other. Nahihiya kami pareho sa nangyari. Hindi namin alam paano kami nakarating doon o bakit namin nagawa iyon. We're careful but still, we ended up doing something we should not. And I feel bad because I don't feel bad at all..."

Noong wala pa si Jack, ganito na talaga ang ginagawa ni Blair. Nakikipag-usap siya sa mga bulaklak tungkol sa mga problema niya sa magulang. She used to tell the daisies how she felt unloved, unappreciated...

At ngayon ulit, gustong-gusto ni Blair na may mapag-kuwentuhan. Pero wala naman siyang maisip na sabihan nang mga nangyari kagabi. Kahit kay Summer. It felt like what happened between her and Jack should be kept privately and very secretly. So here she is, talking again to a daisy.

"I'm worried about Jack. He didn't say anything. He just made sure that I'm okay and comfortable last night before he went home."

Nakatulog naman si Blair ilang oras pagkauwi ni Jack. Nawala na din sa isip niya ang Mama niya, at ayaw niya munang isipin kung paano ito haharapin sa mga susunod na araw. Basta ngayon, kalmado na siya. Iba na nga lang ang pinoproblema niya.

"I hope he's okay... I hope he does not feel bad." Napa-squat si Blair sa harap ng mga bulaklak. "Uhm, I don't know if we did the 'sex' thing right. But I felt really... loved. Taken care of... Really, really treasured."

"I don't know how Jack did it." Medyo napangiti na siya. "Although, physically, it's painful. It is far from the ones written in romance novels. Hindi comfortable. Pero, pero... ewan ko. Love ko pa rin si Jack. I really, really love him. Siya lang nakakaintindi sa'kin. He's the only person who knows how to love me."

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon