Chapter 48:
Silence and Signs
"MA'AM Blair, magpahinga muna kayo. Kanina pa po kayo nagbabalat ng mais. Baka po mag-alala na naman ang senyorito."
Nilingon ni Blair ang nagsalita. "I'm okay, Manang. Nakaka-87 na corns pa lang naman ako."
Nanlaki ang mata ng matandang namamahala sa mga bagong tabas na mais. Tinuro ang kamay niyang nagsisimula nang mamula. "Ma'am!"
Blair just chuckled and continued peeling the newly harvested corns. Masyado lang maingat ang mga tauhan sa kanya dahil alam ng mga itong asawa siya ng "senyorito". Pero araw-araw naman niyang ginagawa iyon.
For the past three months she's living in Monte Amor—specifically in Hacienda Salamanca, she got bored eventually. Wala siyang mahanap na pagkakaabalahan. Kaya minsan, nang makita niya sa tapat ng bahay ang mga dalagang nagbabalat ng mais, naisip niya, kaya niya rin sigurong gawin iyon.
And yes, she could! Nakaka-arm exercise pa siya dahil may kasamang puwersa ang paghihiwalay ng mais sa balat. Pagkatapos ay tatanggalan nila ng mga hibla. Ibebenta ang mga iyon sa merkado o kalapit na mga bayan ng Monte Amor. Kung maramihan at malakihang export, iba naman ang process para roon.
"Kapag naka-200 ako today, may 400 pesos ako," nakangiting sabi ni Blair kay Manang.
"Ma'am, ano naman pong gagawin niyo sa 400 pesos?" singit ng dalagang katabi niya.
Nagkibit-balikat lang si Blair at pinagpatuloy ang pagbabalat ng mga mais. Nangangati at medyo mahapdi na nga ang mga kamay pero nasanay na yata siya. Okay na 'tong pampalipas ng buong maghapon kaysa hihintayin niya si Jacquin na matapos sa trabaho.
"Hindi ka ba binibigyan ng pera ng senyorito, Madam?" singit ng isa namang dalagita, na katorse pa lang pero nagtatrabaho na para sa pamilya nito at pag-aaral.
"Hindi," ngisi niya.
Pero bakit naman kasi ito magbibigay kung lahat ng kailangan at ipabili niya ay binibili na nito? Sobra pa sa kumpleto ang mga gamit at pagkain nila sa bahay. Tuwing Linggo rin, pagkatapos nilang magsimba, pupunta sila sa country mall sa kabilang bayan at hinahayaan siya nitong mag-shopping ng kahit ano.
"Pero hindi naman po madamot ang senyorito, hindi ba po?"
"Of course not. He provides in a different way. He's very generous."
"Lagi ngang bago ang damit niyo, Madam! Ang ganda-ganda niyo po palagi. Bagay kahit ano..."
"Thank you," ngiti niya sa mga kasamang dalaga.
"Baka hindi kayo binibigyan ng pera, Ma'am, kasi baka gamitin niyo para umalis-alis nang wala ang senyorito," biro ni Manang na tinawanan ng mga nakarinig.
Nakitawa si Blair sa mga ito. Exactly!
But anyway, Blair has access to her personal money online. Ibinigay naman ni Jack sa kanya ang karapatan sa perang namana niya. At may iba-iba pa siyang resources ng pera. Marami talaga siyang pera, wala lang cash!
Nang naka-100 na mais na si Blair ay huminto muna siya saglit at uminom ng tubig. Tumitig siya sa ekta-ektaryang maisan. Malapit nang lumubog ang araw at nakikita niyang ang ibang tauhan ay naghahanda na sa pag-uwi.
Si Jack din siguro pauwi na. Sa munisipyo pa ito pumupunta para makapagtrabaho ng maayos araw-araw. Kamag-anak ni Jack ang Mayor ng Monte Amor. Kaya't nakapag-renta ito ng maliit na opisina roon.

BINABASA MO ANG
Good Riddance (DS #2)
General FictionThe two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Christeena Blair Delos Santos just wanted to come, to play, and... to crash every man's heart. No one can stop her. No one can tame her. Not even with love. Because she c...