Chapter 11

11.3K 702 109
                                    

Chapter 11:

The Godfather

"GOOD MORNING, family!!!"

Napalingon sa kanya si Tita Bella at Kuya Bari pero hindi ang Papa ni Blair. As usual.

"Mukhang maganda ang gising mo ngayon, hija?" Tita Bella smilingly acknowledged her happy energy.

"Maganda naman ang gising ko araw-araw, Tita," ani Blair at saka lumapit dito. Hinalikan niya ito sa pisngi. "The skies are so bright outside!"

"It is, hija."

She smiled more happily and went to her brother's side. "Welcome back, Kuya Bari! I missed you!" Yumakap siya sa leeg nito at hinalikan ito nang mariin sa pisngi.

Nagtatakang tinignan lang siya nito. Kunot na kunot ang noo. "Why so ecstatic?"

Ngumiti lang si Blair at pagkatapos ay hinalikan niya rin sa pisngi ang Papa niya bago pa ito makaiwas sa kanya.

Hindi lang ito kumibo pero ang talim ng tingin sa kanya. Blair just smiled happily again and went to her seat.

"The morning is so beautiful! Can't you feel it? Ang liwanag ng lahat. Naririnig ko kaninang kumakanta ang mga birds!"

"Are you on drugs or what?"

"Ibarra," saway ni Tita Bella sa kapatid niya.

Blair giggled. Kahit anong sabihin ng kapatid o kahit hindi siya pansinin ng ama, nanatiling napakaganda ng umaga niya! Ang gaan ng pakiramdam niya, para siyang nasa clouds! And also, her heart was like, always dancing inside her chest.

Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya.

"But why so happy, anak?" malambing na tanong ng madrasta. "Can you share it to us?"

"I like to keep it to myself," nakangiti pa ring sagot niya.

"Are you happy you're free to go outside, again?" tanong ng kapatid niya.

"Sure, sure," aniya at saka umupo sa tabi ng madrasta. "Don't mind me, it's just a wonderful morning lang talaga! And can't I be this so happy?"

Ngumiti sa kanya si Tita Bella. "Of course, you can, anak. Masaya na rin akong nakikita kang ganito kasaya whatever the reason."

"Thanks, Tita! You're the best!" Kumuha na siya ng pagkain.

Nakatingin pa rin sa kanya si Kuya Bari. "You have a boyfriend."

Masarap batukan ang kuya niya. Pero good mood talaga siya. Blair just laughed and bit a bread. Bahala ang mga itong manghula. Basta masaya siya.

Simula nang maging boyfriend niya si Jack a week ago, lagi nang masaya ang mga araw ni Blair.

Hindi na lang sila hatinggabi nagtatawagan. Jack would always call her to check kung nakakain na siya. When she's bored, Jack always makes time to take her calls! Blair has this right to demand time and Jack never complained. They are so perfect together!!! Excited na siyang makalabas para matuloy na sila ni Jack sa pupuntahan nila!

Iniisip pa lang ni Blair na magkikita sila ni Jack ulit, parang kinikiliti ang tiyan niya. Hindi niya namamalayang napapangiti na siya habang kumakain.

"Blair's quiet and smiling all by herself," narinig niyang sabi ng kapatid. "May nobyo na iyan."

"And so?" Inirapan niya ang kapatid. "Inggit ka lang. I get to choose my boyfriend. But Papa should dictate who's gonna be your girlfriend!" Inilabas niya pa ang dila dito.

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon