Chapter 13:
The Safe Place
SINUSUBAKAN ni Blair na tawagan ang Kuya Sandro niya. Pero wala namang sumasagot sa landline number na ibinigay nito sa kanya. Nakailang dial din siya bago niya sinukuan ang pagtawag sa kapatid. Baka busy pa rin talaga ito kung ano man ang ginagawa nito.
Napabuntong-hininga na lang siya. Gusto niyang tawagan si Jack pero abala din ito buong araw dahil tumutulong nga ito sa pet clinic ng Mommy nito.
"Blair," pagkatok ni Kuya Bari sa pinto niyo. "Blair, it's time for breakfast."
"I'm not hungry," sagot niya, nilakasan ang boses. "Matutulog pa 'ko."
"Hindi ka sasama sa'min ni Mama magsimba?"
"Puyat ako. I don't want to go."
"Are you sure?"
"Yes! Alis ka na!"
Hindi na sumagot ang kapatid niya. Narinig niya na lang ang paglalakad nito paalis. Humiga na lang si Blair sa kama at nanood ng TV. Ayaw niyang lumabas ng kuwarto.
Ayaw niyang makita ang Papa niya. Ayaw niyang makasabay ito sa pagkain.
Bukas pa ang balik ni Blair sa bahay ng Mama niya. Gusto niya na sanang umuwi ngayon pa lang para magpa-practice driving na lang ulit siya kasama si Ninong Aalto, kaso ay magtataka ang Mama niya. Mag-uusisa ito at ayaw niya nang ikuwento pa dito ang narinig niyang sinabi sa kanya ng ama. Kaya magtitiis muna siya ng isa pang araw na nasa poder siya ni Santino.
Kinagabihan, pagkatapos magsawa ni Blair sa panonood ng mga TV shows, tumawag na sa kanya si Jack sa wakas.
"I just watched TV the whole day. Hindi ako lumabas ng kuwarto," pagkukuwento ni Blair nang kinumusta siya nito.
"Didn't you spend time with your family?"
"Wala namang difference kung mag-isa lang ako at kasama ko silang kumakain," monotonous na sagot niya. Nagpaakyat lang siya ng pagkain kahit na kinatok din siya ni Tita Bella for lunch at dinner. Hindi na din naman siya pinipilit ng madrasta sa tuwing sinasabi niyang gusto niya lang sa kuwarto kumain.
"You sound... off. May problema ba, Blair?"
Naalala naman niya ang narinig niyang sinabi ng Papa niya kagabi. Santino never wanted Blair to be his daughter.
Napahigpit ang hawak niya sa phone. "Why can't we choose our parents?" she casually asked. "Why did I end up with bad ones?"
"Napagalitan ka ba ng Papa mo ngayong araw?" kalmadong tanong ni Jack.
Inignora niya ang tanong nito. "Sometimes, Jack, I just want to be... lost. Sa bahay ni Mama, nasasakal ako. Kay Papa, ramdam kong hindi naman din ako ganoon kahalaga. Dalawa na ang bahay na tinitirhan ko, pero walang comfort pareho..."
Napapikit siya. "I never felt secured whether I'm with Mama or with Papa. And it's sad, Jacquin. There's no place where I can be at home. Gusto kong umalis... tumakas... maghanap ng tamang lugar para sa'kin."
Hindi nagsalita si Jack, ngunit narinig niya ang paghinga naman nito sa kabilang linya. Kaya't alam niyang nakikinig ito ng mabuti sa kanya.
"I don't want to be dramatic," she tried to laugh. "Pero bakit ang tagal naman nating tumanda? Once I'm old enough, I'll be free. Hindi ko kailangang magtiis sa kulungan na 'to." She paused and opened her eyes. Tumagilid siya ng higa at kinuha ang daisy hairclip sa bedside table.
BINABASA MO ANG
Good Riddance (DS #2)
General FictionThe two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Christeena Blair Delos Santos just wanted to come, to play, and... to crash every man's heart. No one can stop her. No one can tame her. Not even with love. Because she c...