Chapter 24

12.9K 791 430
                                    

Chapter 24:

Mr. Jasiel Jacquin Valleroso

7 years later...

Year 2008.

WHEN Jack saw the seat belt sign turned off, he easily unbuckled himself from his plane seat. Nakita niyang agad na nagtayuan ang ibang pasahero at nagkanya-kanyang kuha ng gamit ng mga ito sa overhead cabin. He remained seated and observed the people quietly.

Tila nagmamadali ang mga ito. Siguro ang iba'y may hinahabol na connecting flight, ang iba'y sabik nang makalabas para unang makita ang pamilya sa Pilipinas.

Well, who would not get excited to finally be home? Kahit siya'y nasasabik ding makababa at salubungin si Kuya Izaak at Raqi. Pero naisip ni Jack na wala naman siyang hinahabol na oras...

Babae lang.

He quietly chucked at his own thought. It's not that he's chasing after her... well, it sounds and looks like that.

"Excuse me, young man? Can you help me reach my baggage?" Ara—an old American lady asked kindly. Katabi niya ito buong flight at nakuwentuhan na rin siya nito tungkol sa pagiging proud grandmother nito.

Jack likes listening to stories... Lalo na kapag kuwento galing sa mga matatanda. He's very fond of their life journey. Na minsan naiisip niya, sa pagtanda niya rin kaya ay ganoong karaming kuwento din ang makukuwento niya?

Because it looks like a life well-lived when you got a hundred stories to tell—whether happy or sad, exciting or depressing, sweet or hurting...

Agad na ngumiti si Jack sa matandang babae. She kind of reminds him of his late grandmother. "No problem, Ma'am." Well, all old fellas reminded him of his grandparents.

Eksaktong pagtayo niya ay nag-umpisa nang maglabasan ang mga pasahero, bitbit ang gamit ng mga ito. Tumayo si Jack at binuksan ang overhead cabin. Kinuha niya ang maliit na bagahe ng matandang babae. Inabot niya iyon dito nang nakangiti.

"Thank you so much. You're a a very kind man. Are you sure you don't want me to set you up with one of my granddaughters?" natatawang alok nito, na pang-ilang beses na rin.

Tawa ang sinagot ni Jack. "If I weren't committed, Ma'am, I would want to meet your Athena," tukoy niya sa apo na paborito daw nito.

"Looks like you're a loyal man, too. How lucky your girl is!"

Jack just smiled. Napansin niyang mabilis na kumonti ang mga tao. Inalok niya ang matandang babae na sabayan na lang ito sa pagbaba. Agad na pumayag naman ito. Pagkakuha ng laptop bag ay isinukbit niya ang strap niyon sa kaliwang balikat. Pagkatapos ay malakas na binuhat sa isang kamay ang maleta ng matandang babae.

Nang makalabas na sila ng eroplano, may ilang staff na ang tumulong sa matanda at doon na sila nagpaalaman.

"It's wonderful to meet you, Jacquin," huling sabi nito. "If ever your girl says no to your marriage proposal, my granddaughters are available."

Tawa lang ang sinagot ni Jack at magalang na niyuko ang ulo upang magpaalam rito.

Mabilis siyang nakalabas sa arrival area dahil wala naman siyang inuwing gamit mula sa New York—kung saan siya nagta-trabaho bilang Senior Editor-in-chief ng isang sikat na publishing company. Jack works under the company's business magazine and academic book section.

He only has his laptop with him so that he can still work while on vacation here in the Philippines. Pasimple siyang luminga at hinanap ang mga kapatid.

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon