Chapter 1

32.7K 1.1K 456
                                    

Chapter 1:

The Ugly

Year 1999.

"IN JESUS, we can be pure, again!"

Napahikab si Blair at pinigilan ang pagpikit ng mga mata. Gaano pa ba katagal 'tong pagsisimba nila?

"Tita Bella," she whispered to her father's wife. "I want to go home."

Bumaling ito sa kanya. Ngumiti. "Sandali na lang, hija. Patapos na ang message ng pastor." Hinaplos nito ang buhok niya. "Do you want to take a quick nap?"

Lumabi siya at nilingon ang Kuya Bari niya na kinukurot siya sa tuwing nakakatulog siya sa kalagitnaan ng pagsisimba. Minsan lang siya sumama sa mga ito sa pagsisimba, like once a month? Depende kung papayag ang Mama niya na pahiramin siya sa pamilya ng Papa niya.

Nakatingin ng diretso ang panganay na kapatid sa harap, pero sinalubong nito ang tingin niya nang lingunin niya ito. Blanko ang mukha nito, ngunit nananaway ang mga mata.

She stuck her tongue out. "Bleh."

Ngumisi ito at umiling-iling.

Humarap ulit siya kay Tita Bella. "This is boring, Tita. I can't understand what the pastor is preaching. Nakakaantok ang boses niya!"

Mahina itong natawa. "Just rest on my shoulder. Baka makatulong ang five-minute nap para mawala ang antok mo."

Akala niya ay pagagalitan siya! Ang Mama niya kasi, kapag nagsisimba sila sa simbahan, pinagagalitan siya kapag nakakatulog siya.

"Kukurutin ako ni Kuya Bari," natatakot niyang sabi.

"I'll protect you." Kinindatan pa siya nito.

Napangiti siya at dinantay ang ulo sa balikat nito. Yumakap pa siya sa braso nito dahil malamig sa buong auditorium.

Pumikit siya. Ang alam ni Blair, iba ang religion nina Tita Bella.

Ang tawag ng mga ito sa "misa" o "mass" ay "Sunday Service". Imbes na "pari" ay "pastor" ang nagsasalita sa harap. At wala ang mga traditional ceremonies katulad ng monotonous na pagkanta sa pagitan ng pagbabasa ng "good news", wala ding rosary, at walang lumilibot para mag-ipon ng tithes! Pero bago mag-umpisa sa pagsasalita ang pastor, may mala-concert na kantahan. "Praise and Worship" daw ang tawag doon.

Imbes din na sa isang "classic church" nagsisimba, nasa isang auditorium sila na pinupuntahan yata kapag may mga concert or theatre plays.

Nagulat pa siya noong una siyang dinala dito. Sumama siya noon dahil akala niya kasama ang Papa niya. Blair wants to be with her father. But unfortunately, hindi daw nagsisimba ang Papa niya! Never ever.

Hindi ito naniniwala kay God?

That explains his coldness towards me. And he's kind of scary.

But between her Mama or Papa? Mas tolerable pa rin ang Papa niya kasama kahit hindi siya pinapansin. Her mother... is just plain crazy!

Napahikab siya at mas bumigat ang ulo niya sa balikat ni Tita Bella.

So far, when she met her father's legal wife, Tita Bella was always nice and sweet to her. Ang sabi ng Mama niya, "nagkukunwari" lang daw si Tita Bella. "Facade" lang daw nito iyon at ang totoong kulay ay nakatago.

Kaya huwag daw siyang masyadong magtitiwala.

Parang hindi naman? Kahit kailan, hindi siya nakatanggap ng pagmamalupit mula sa madrasta. Hindi katulad sa Mama niya, na laging in-e-expect na dapat "perfect daughter" siya.

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon