Chapter 5

12.5K 821 224
                                    

Chapter 5:

The Start

MABILIS na kumalat sa buong school ang nangyari kay Jack. Kaya naman pagdating ng morning break, ang daming silip nang silip sa Principal's Office.

Kakapasok lang sa loob ng mga magulang ng mga estudyanteng kasama sa insidente. Pagkatapos ay kasama ni Mr. Medina sina Walter, Tyrone, at Raul na pumasok na rin sa loob.

Sa clinic naman ay nagamot na ang mga natamong sugat ni Jack. Nakapag-shower na ito kanina at sinuot muna ang PE uniform nito pamalit sa regular uniform. Sa ngayon, nagpapahinga ito sa clinic bed at hinihintay na sunduin ng guardian nito bago tumuloy sa principal's office.

Blair already stopped crying, but she never left Jack. Kahit pa tinawag na siya ni Summer na bumalik sa klase dahil may mga quiz sila. But their homeroom teacher excused Blair to skip the class for today. Since kasama na siya sa insidente, siya ang magku-kuwento mamaya sa principal ng mga nakita niyang ginawa nina Walter kay Jack. Luckily, hindi na pinatawag ang guardians ni Blair dahil witness lang naman siya. She's indirectly involved, yet she's relevant to the case.

"S-Sa tingin ko, mas m-maganda pa rin kung... p-papasok ka sa klase ngayon, B-Blair. Ayos naman na 'ko..." mahinang sabi ni Jack habang bumabangon mula sa higaan.

Tumayo siya sa gilid niyon. Blair lightly touched Jack's hand. "Ayokong iwan ka, Jacquin..." mahinang bulong niya.

Humugot ito nang malalim na paghinga. Ngunit bahagyang napangiwi dahil sa sakit ng tagiliran nito.

"I hope they get expelled!" bulalas niya, nanggigil pa rin sa mga nangyari. "Sana ma-kick out silang tatlo at ma-ban na dito sa school!"

"W-We know that's impossible..."

Natahimik saglit si Blair. Tyrone and Raul are their school's famous varsities. Panlaban tuwing may sports competition sa ibang school. Si Walter naman ay laging nasa honor roll at panlaban din sa mga academic competitions. Imposible ngang bitawan agad ng school ang tatlo.

Nakuyom niya ang mga kamay. She'll make sure those three would pay so bad.

"Hayaan na lang natin sila, Blair..."

Napaangat siya ng tingin kay Jack. "Anong hayaan? Palalagpasin lang?!" medyo tumaas ang boses niya.

Napangiwi ito. "A-Ano ba kasing mangyayari? Lahat tayo menor-de-edad. Their parents will just surely tell us that we were just kids. Na magma-mature pa tayong lahat someday. That this is just a 'kid's fight'."

"Hindi lang immaturity ang rason bakit ka nila binu-bully, Jack. They are all gago!"

"H-Huminahon ka, Blair," Jacquin softly said. "You can get mad but don't let anger consume you. Kung hindi tayo ang mapapahamak, tayo ang makakahamak dahil sa galit."

Napalabi siya. "Jack, this is unfair to you if they won't get punished! Dapat ay ma-disregard na ang achievements ng tatlong iyon dahil sa pangit na pag-uugali nila! Sa tingin ko ay puwedeng magsampa ng kaso—"

Hinawakan ni Jack ang kamay niya at nilapit sa dibdib nito, sa tapat ng puso nito. Napahinto si Blair.

"It's going to be alright, wildflower." Nagsalubong ang mga tingin nila. Hindi nito suot ang salamin kaya kitang-kita niya ang magagandang mata nito. And they were calm.

He gently smiled. "Salamat sa pagtatanggol sa'kin. You are a true friend."

"Of course, I am!" She sighed. "Maybe I'm just afraid..."

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon