Chapter 1: Treat

252 4 4
                                    

CHAPTER 1

“WHAT?!”

Natawa na lang ako sa nakita ko sa Facebook. ‘Yung isa sa mga manliligaw ko ay may girlfriend na. Wala akong natatandaan na sumuko na siya sa panliligaw sa’kin. Ganun ganun na lang ba ‘yun.

I released a sigh. Ganun naman talaga ang mga lalaki, walang makapaghintay. Well, hindi ko naman sinabi na maghintay sila, sila na mismo ang nangako. Natatawa na lang ako.

Ilang beses na rin ‘tong nangyari sa’kin. Ilang lalaki na rin ang nagtangkang kunin ang puso ko pero wala kahit sinuman ang umubra. Hindi nila akong kayang mahintay. Ang tanging hiling ko lang naman ay hintayin akong makatapos ng pag-aaral. ‘Dun ko lang tunay na makikita kung sino ang tunay na nagmamahal sa’kin.

O, di ba? Drama lang ng PEG.

Pero, sa lahat ng lalaking nagtangka, meron talagang isang nagtagumpay na patibukin ang puso ko at hindi ko ikinakaila ‘yun… Kaya lang…

Hindi siya nakapaghintay…

“Harry…”

I sighed as I saw his picture again. Heto na naman ako at bumibisita sa kanyang account. Kaklase ko siya nung high school. Ang gwapo niya pa rin. His thick eyebrows really attract me. His Jew-like nose is perfect and those eyes of him… *sigh* whenever he looks at me, it seems that those eyes of him are penetrating my whole. He is every woman would love to have. Nanligaw siya sa’kin when he transferred to our school nung third year. Grabe, nagulat talaga ako nun. Pero hindi ko siya pinansin nung una. Bakit? Because every month, nagpapalit siya ng babaeng nililigawan.

“Mukhang masayang-masaya ka ngayon ah…”

Parang ewan lang ako na kumakausap sa picture. Tinignan ko ‘yung babaeng katabi niya sa picture. Sobrang ganda at pang-artista ang dating. Kung ikukumpara ako sa kaniya ay parang siya ang artista at ako ang P.A. gets? Ganun siya kaganda. They look perfect for each other. And, take note, almost three years na silang mag-on. Tumino sa kanya si Harry. Maybe, they are really meant for each other.

Maybe, just maybe… I should open my heart to someone else now that it has been so long. Haha. Paano naman? Eh nasa kanya nga ang puso ko. Paano ko mabubuksan? Haha. Tama na. Corny ka na, Sari.

                “’Nak.”

                Napabalikwas ako nang marinig kong magsalita si Mama. Akala ko pa naman ay tulog na siya.

                “Binibisita mo na naman ba ang account ni Harry?” She asked with a meaningful smile.

                At umakyat na nga ang dugo sa aking mga pisngi. Nakapatay naman ang mga ilaw kaya lang nasa harap ako ng monitor ng computer kaya kitang-kita ang mukha ko. I-d-deny ko sana kaya lang bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Mama.

                “Oops! Bawal magsinungaling Sari. Kristiyano kang tao.”

                Napakagat labi na lang ako. Huli na naman ako ni Mama. Napakamot pa ko ng ulo at humarap uli sa computer. I nodded as a yes.

                Tumabi sa’kin si Mama at nakitingin sa account ni Harry.

                “Kumusta na si Harry?” tanong niya sa’kin. Matagal na kasing botong-boto si Mama sa mokong na ‘to eh. Napailing na lang ako. ‘Yun lang ang itinugon ko.

                “Dapat kasi sinagot mo na siya dati.” Tss. Heto na naman po tayo.

                “Kasi naman po Ma, high school pa lang po ako nun at nag-aaral mabuti. Ayoko namang masayang ang paghihirap ni Papa sa ibang bansa. Kailangan palagi ko siyang pasasalubungan ng matataas na grades.” I tried to smile while saying those words. Totoo naman eh. Every effort that I am exerting is for my family. Ayokong manatili na lang sa ganitong kalagayan forever.

Unreal Yet AuthenticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon