Chapter 19: Erase... Erase...

46 1 0
                                    

Chapter 19: Erase… Erase…

WPOV

                “ANONG nangyayari?” tanong ni Harry sa isang kasamahan niya. Hindi na rin siya mapakali. Nasa main garden kasi ang mga cosplayers at ramdam niya ang tension nang mga oras na ‘yun. Hindi naman siya mabigyan ng matinong sagot ng mga taong tinatanong niya. Dahil hindi na niya matiis ang mga pangyayari, pumunta na siya sa mismong lugar kung nasaan sila Miki at iba pa.

                “Why did you let Philip go alone?” tanong ni Sang-hyun. “We should have followed him.”

                “But, he just ran after hearing the news. He doesn’t even know where that place is. This whole area is like a maze!” Nag-aalalang wika ni Matt. Tumingin siya kay Yoshiro na busy sa hawak niyang cellphone. “Have you contacted the teachers? We’ve been looking for them the whole time but they are nowhere to be found!”

                “Robert-sensei is not answering his phone. Even the other teachers.” Halos maiyak na si Yoshiro habang nagbabalita.

                Matt bit his lower-lip. Alam niya na masama na ang nangyayari pero wala pa rin silang mahingian ng tulong. Nakacostume pa sila para sana sa welcome party. Matt is currently Light Yagami of Death Note while Yoshiro is Ichigo Kurosaki of Bleach. They are perfect in their costumes but they cannot copy the power the characters have. Nagsisimula na siyang ma-frustrate. Lahat sila.

                Hindi pa rin mapigil sa pag-iyak si Miki at Li Mei. Isinuot na nila ang costumes para sa kanila para mabawasan ang stress level pero halos wala pa ring epekto. Si Miki si Enma Ai ng Jigoku Shoujo habang si Chun-li naman ng Street Fighter si Li Mei.

                “If something bad happened to Sari-chan, what are we going to do?” Tanong ni Miki sa katabi niyang si Li Mei. “That guy sure likes her a lot for him to kidnap her.”

                “KIDNAP?!!”

                Natahimik ang lahat nang marinig nila ang sigaw na ‘yun. All eyes darted to Harry’s direction na hindi naman maipinta ang mukha. Harry started walking towards Miki with his eyes questioning.

                “A-Anong nangyari?” Tanong niya. “What happened to Sari?” He held Miki onto her shoulders which made her surprised. “What happened to Sari?! Where is she?!”

                Sasawayin na sana ni Matt si Harry sa ginagawa niya dahil nasasaktan na si Miki at stressed na rin ito nang bigla na lang may pamilyar na boses na nauna sa kaniya.

                “Okay na ang lahat. ‘Wag ka ng mag-alala, Harry.”

                Harry’s heart skipped a beat. His hands automatically lose grasp of Miki’s shoulders as he looked at the owner of the voice. There he saw Sari smiling at her… being carried by Philip on his back.

                “Sari-chan!!!” Lahat sila ay nagulat sa biglang pagdating nila Philip at Sari. Sinalubong nila ang mga ito at nakahinga na sila ng maluwag sa wakas. Harry just stood there looking at the scene. Nakidnap si Sari ng kung sino man at nakabalik na siya, ligtas at mukha naming walang nangyari sa kaniyang ‘di maganda. ‘Di ba dapat maging masaya siya pero bakit ang sikip ng dibdib niya?

Naiinis siya… Naiinis siya dahil wala siyang nagawa… Wala na siyang nagawa, si Philip pa ang nakapagligtas sa prinsesa niya. Kahit pa nakakatawa ang itsura ni Philip ngayon, hindi niya magawang tumawa.

=================================

A while ago…

                “Ako ang tagapagtanggol ng mga naaapi! Ako si--- Teka, nakakahiya talaga eh.”

Unreal Yet AuthenticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon