Chapter 12: Letting Go

96 2 0
                                    

Chapter 12: Letting Go

                SARI’s POV

Hindi ko siya gusto… Gustong-gusto ko siya.

Those were Philip’s exact words nung sinagot niya ang tanong ni East kung may gusto raw siya sa’kin. Nakatitig siya sa’kin, diretso sa mga mata. Sobrang tahimik nang mga oras na iyon. Kahit ingay ng mga sasakyan wala akong narinig.

“Sabi ko na nga ba eh!!!” Pagkatapos ng litanyang ‘yun ni Cherish at East ay nagsimula ng mag-ingay ang mga kaklase ko. Napatingin ako pabalik kay Philip, nakangiti na siya. ‘Yung ngiti na gustong-gusto ko sa kaniya.

Ano ba ‘yun? Isang public declaration ng paghanga? Though I already experienced it once when I was in high school, iba ang naging dating sa’kin nang si Philip ang nagsabi. Something is just too weird.

Agad-agad nilang pinaikot ang bote. Mukhang very satisfied sila sa sagot ni Philip. Sila pa mismo ang kinikilig. Lalong tumindi ang ingay nila nang ituro si Harry ng bote.

                Napatingin ako kay Harry na halos katapat lang pala namin. Hindi ko maipinta ang mukha niya. Hindi ko alam kung sumasakit ang tiyan niya o bigla siyang nabungi kanina. Parang ayaw niya kasing magsalita, parang hindi niya nga ring magawang ngumiti. Ang alam ko lang, malungkot ang mga mata niya.

                What’s wrong?

                “Okay! Ako naman ang magtatanong!” Sigaw nung isa naming kaklaseng lalake. “Pare, bakit ba kayo naghiwalay nung girlfriend mo?”

                Katahimikan na naman. Walang sawa sa katahimikan? Napatingin ako bigla kay Philip. Anong problema? Bakit mukha siyang naging interesado sa isasagot ni Harry.

                “T-Teka,” pag-epal ko. “Bakit ba tinatanong niyo ‘yan? Kailan lang sila naghiwalay, fresh pa kay Harry ang lahat. Pwedeng ibahi---“

                “Don’t worry, Sari. Okay lang.” Natahimik ako sa sagot na ‘yun ni Harry. O sige, sabi mo ‘yan eh. Bahala ka.

                Pero… Bakit nga ba? Gusto ko rin naman malaman kaya lang inaalala ko lang naman ang nararamdaman niya. Haay nako.

                Huminga siya ng malalim at nagsimula ng magkwento.

                “Mahal na mahal ko si Charmaine. Siya ang pinakamatagal kong naging ka-relasyon. Akala ko rin siya na ang babaeng para sa’kin.” Napailing siya. Bakas ko sa tono niya ang lungkot. “Siguro, ganun lang talaga. Darating sa point na parang hindi niyo na missed ang isa’t isa at hindi na nag-w-work out ang lahat. Mas madalas na ang away kaysa sa lambingan hanggang sa nag-break na kami.”

                Binalingan niya ako ng tingin. Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko nang titigan ako ng malungkot niyang mga mata.

                “Pilit kong hinanap ang dahilan kung bakit nagkaganon. Hinanapan ko ng mali si Charmaine kaya lang halos wala akong makita. Nang tumingin ako sa sarili ko, na-realize ko na ako pala talaga ang may mali.”

                ‘Yun lang at tumigil na siya sa pagsasalita. Gusto ko pa sana siyang tanungin. Gusto ko siyang tanungin kung bakit kailangan niya pa akong titigan habang nagsasalita siya. What happened? Ano ang  nanging mali niya?

                Para maiwasan ang tension. Agad nang pinaikot ni Harry ang bote. Nagulat na lamang ang lahat nang sa’kin tumaro ang pasaway na bote. Bakit naman pagkatapos na pagkatapos ni Harry ay ako na agad? Pwede bang break muna? Pwede bang mag-CR?

Unreal Yet AuthenticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon