Chapter 9: The Reunion

117 2 1
                                    

Chapter 9: The Reunion

============================================

I’m really having fun narrating this story. :)

Here’s CHAPTER 9

============================================

SARI’s POV         

“ALAS DOS daw magkikita-kita, pumunta ka, Sari. Bawal ang kill joy.”

Ano ba ‘yan? Saturday na nga lang ang araw ng pahinga ko eh. Kailangan ba talaga nila ako run? Magkakaroon kami na gathering ng mga kaklase ko nung high school. Nakakahiya namang pumunta. Nakakahiya kasi baka tanungin na naman nila ako kung anong year ko na.

                “Punta tayo, Sari!”

                Nagulat na lang ako nang biglang magsalita si Harry. Nasa likod ko lang pala siya at tinitignan ang ginagawa ko sa Facebook.

                “Anong ginagawa mo? Gusto mong kasuhan kita ng invasion of privacy?” Pagtataray ko sabay patay sa monitor ng computer.

                Tinulak niya ko pausog sa kinauupuan ko at tumabi sa’kin. Binuksan niya pa ang monitor. Ano ba ‘yan? Hindi pa kasi umuwi sa kanila nang mawala na ang panggulo sa bahay. Sa kaalaman ng lahat, almost one week na rito sa bahay si Harry. Nagpaalam pa siya kay Mama na mag-e-extend pa raw siya ng stay. As usual, pumayag na naman si Mama. Ano ba talagang problema nito?

                “Punta tayo para makita natin sila.”

                Inagaw pa niya sa’kin ang keyboard at nagreply sa kaklase kong nag-chat sa’kin sa FB.

                “Sige, pupunta ako… See you!”

                ENTER

                “Adik ka ba, Harry?” Sigaw ko sa kaniya. Akap-akap niya pa ang keyboard na parang kayamanan niya. “Saturday na nga lang ang tanging pahinga ko sa ka-busy-han ng buhay ko kukunin mo pa!”

                Nginitian niya lang ako at binalik sa pwesto ang keyboard. Ni-log-out niya ang account ko at ni-log-in ang kaniya. Aba, walang paa-paalam. Boarder ka lang dito ‘pre.

                Pinanood ko lang ang ginawa niya. Pinalitan niya ang display photo niya. Ginawa niyang picture na lang niya. Agad naman akong nagtaka sa ginawa niya. Anong meron? Hindi lang ‘yun, pinalitan niya pa ang status niya. From being in a relationship to being single. Hala.

                “Bakit mo pinalitan?” I asked. “Baka magalit ‘yung girlfriend mo.”

                Ngumiti lang siya tapos nag-out na siya. Tumayo na rin siya at inutusan akong mag-log-in uli.

                “Hindi na. Gabi na rin eh. Matutulog na’ko. Mag-Facebook ka muna Harry kung gusto mo.”

                Patayo na sana ako nang itulak niya ako pabalik sa upuan. Tumabi siya uli sa’kin. At dahil remembered na ng browser ko ang e-mail address ko at password, madali niya itong nai-log-in. Gusto ko sana siyang pagalitan at tarayan uli kaya lang mukha siyang seryoso. Hindi ko alam. Bigla na lang nawala ang katapangan ko.

                “Reply-an mo sila.” Utos niya sa’kin nung pumunta siya sa inbox ko. “Sabihin mo na hindi mo sila gusto at hindi mo sila kailangan para tumahimik na sila at tigilan na ang panggugulo sa’yo.”

                Ano raw? Natulala na lang ako sa utos niya. Marami kasi akong chats na hindi ni-reply-an kanina. Mga nagtatanong kung pwede raw manligaw at nanghihingi ng number ko.

                “B-Bakit?” Nauutal kong tanong. “Hayaan mo na lang sila at mapapagod din sila.”

                “Basta. Gawin mo na lang ang sinasabi ko.”

                I traced authority and frustration in his tone. Magkasalubong rin ang mga kilay niya. Mukhang galit. Kanina lang puro ngiti lang ang tugon niya sa’kin, ngayon bigla naman siyang nagalit.

                I heaved a sigh and shook my head. Tumayo na ako at naglakad palayo.

                “Kung may problema ka, Harry, ‘wag mo na akong idamay.”

                ‘Yun lang at umalis na ko. I don’t know if that was the right thing to do but I don’t feel following his orders. I have already decided to get rid of my feelings for him long ago. Siya lang naman ang bigla na namang nagkaroon ng appearance sa buhay ko. Ayaw ko na. Ayoko ng masaktan pa niya.

=======================================================

                HARRY’s POV

                NASA meeting place na kami at mahigpit akong binalaan ni Sari na huwag akong magsasalita tungkol sa kahit anong nalalaman ko tungkol sa kaniya. Huwag na huwag ko raw ipagsabi na she’s being trained to be a cosplayer pati na rin daw ‘yung pakikituloy ko sa kanila.

                Naiilang siya sa’kin. Halata naman eh. Simula nung ginawa ko kagabi bihira na lang niya ako kausapin. Ayoko lang naman kasi siyang masaktan. Ayoko lang na masaktan siya ng mga walang kwentang lalake na nagkalat. Ayoko ng maulit ‘yung ginawa ko sa kaniya dati.

                “Mauna kang dumating. Baka akalain pa nila na may something sa’tin.”

                Sinunod ko na lang ang sinabi niya. Nauna akong pumunta sa mismong venue. Marami na rin palang mga kaklase namin ang naroon. Nandun na ang mga close friends ni Sari na sila Cherish, Lois, East, Levi at Kitten.

                “Kumusta na, Harry?” Bati sa’kin ni Denver. Isa siya sa mga naging close ko nung high school. Siya ‘yung kasama ko nung kinausap ko si Sari para mag-sorry.  Nag-high five kaming dalawa. Binati ko na rin ang iba pang naroroon.

                Maya-maya pa ay dumating na si Sari. Sinalubong agad siya ng lahat at pinasalubungan naman niya kami ng kaniyang signature smile. Magaling talaga umarte ‘tong si Sari. Pati ako binati niya para hindi lang kami mapaghinalaan.

                Bago kami maglibot, kumain muna kami sa isang restaurant. Siyempre, kaniya-kaniya munang bili ng pagkain. Katabi ni Sari ang mga kaibigan niyang babae syempre sinamahan ko naman ‘yung mga kaibigan kong lalake. Nakakatuwang pagmasdan si Sar nang mga oras na ‘yon. Mukha siyang masayang-masaya. Buti na lang at napilit ko siya na sumama rito.

                Ang ingay ng table namin. Kaniya-kaniyang kwentuhan. Maya-maya pa’y may isang tanong na nagpatahimik sa lahat.

                “Harry, kumusta na kayo ng girlfriend mo?”

                Napatingin ang lahat sa’kin pati na rin si Sari. Hindi ko alam kung bakit mukhang sobrang interesado sila sa lovelife ko. Napabuntong hininga na lang ako. Heto na nga ba ang sinasabi ko eh.

                “Break na kami… Mga two weeks ago.”

                Silence ruled all-over us. Halata namang hindi nila alam kung anong klaseng pag-re-react ang dapat gawin. Kahit si Sari. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya. I smiled at her. Her eyes were clearly asking why and how.

Unreal Yet AuthenticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon