Chapter 2: Hisashiburi (Long Time No See)

194 4 2
                                    

CHAPTER 2: LONG TIME NO SEE

NATULALA ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Anobanamanyan? Hanggang ngayon ba kinakabahan pa rin ako 'pag nandiyan siya?

Harry let go of my hand. Dun na ako bumalik sa ulirat.

"Para ka namang nakakita ng multo." Nakangiti nyang sabi. Pinakalma ko ang sarili ko bago ako magsalita uli.

"Hisashiburi, Harry." Komportable kong wika. Natawa na lang siya sa'kin at sa ginawa kong pagbati na may kasama pang bow.

"Ikaw talaga, Sari. Lalo ka yatang gumaganda ngayon ah. May inspirisyon ka na ba ngayon?"

Yun agad ang tanong? Anobanamanyan? Lalong gumanda? Alam ko na kaya 'yan. Echos.

Ngumiti na lang ako. Haay. Ginawa kong komportable ang sarili ko sa upuan at sumandal. Grabe, inaantok ako at gusto ng pumikit ng mga mata ko. At iyon na nga ang ginawa ko.

"Kumusta ka naman ngayon, Harry?" Tanong ko habang nakapikit.

"Heto, nakakahinga pa naman."

Napadilat ako bigla sa sagot niyang iyon. Kahit hindi ko nakita ang expression ng mukha niya, naramdaman ko talaga ang lungkot sa tono ng boses niya. Binalingan ko siya ng tingin. Nakadungaw lang siya sa may bintana at nakapangalumbaba.

Pakiramdam ko may problema siya.

"Sari." Mahina niyang tawag. Ipinikit ko na lang muli ang mga mata ko para iwas distraction.

"Mmm..."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Sana maging close tayo tulad ng dati. Sana maibalik natin 'yung pagkakaibigan na nawala sa'ting dalawa."

"Hindi naman 'yun nawala, Harry. 'Kaw naman. Ang emo ah. Grumaduate lang tayo at nag-iba ng mga schools na pinapasukan. Hindi naman tayo grumaduate sa friendship natin"

And there came Mr. Silence. Mahaba haba rin 'yun hanggang sa...

"Sari, nakacontact lens ka, di ba?"

Ang totoo naalimpungatan na lang ako sa tanong na 'yun ni Harry. Pakiramdam ko kasi nakatulog na talaga ako.

"Mmm? Oo, nakacontact lens nga ako."

"Huwag kang matulog nang suot-suot mo 'yan. 'Di ba bawal 'yun?"

Bigla na lang ako napadilat. Oo nga pala. Baka mawalan na lang ako bigla ng paningin.

"Aish!" That was really irritating and embarrassing at the same time. Anobanamanyan?

Natawa na lang sa'kin si Harry. Nakoo... Bakit ba ang gwapo mo?

"Ano ka ba? Korean o Japanese. Naguguluhan na ako sa'yo eh."

Nagulat na lang uli ako nang biglang sumigaw si Manong Konduktor. Nandito na kami agad sa destinasyon namin! Ang bilis naman! For the first time I got annoyed with the speed of this bus.

"Tara na, Sari." Yaya ni Harry. Dito rin sya bumababa. Around the vicinity lang din naman kasi 'yung bahay namin. Pareho kami ng barabgay kaya nga lang, sobrang lawak ng barangay namin.

Tumayo na'ko at agad-agad bumaba. Kasunod ko lang siya. Grabe! Nakakatense lang!!!

"Pasok na ko, Harry. Ingat ka ha?" Paalam ko. Ayos na rin sa akin ang Makita siya paminsan minsan. Sapat na 'yon. Ito na ang huling beses na ma-t-tense ako sa presence niya. Ito na ang huli...

Unreal Yet AuthenticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon