Chapter 21: Never Coming Back

46 2 1
                                    

Chapter 21: Never Coming Back

HARRY’s POV

                NAGKAKAGULO na naman sila. Mukhang may gagawin na naman silang kakaiba. Ito na ang huling araw nila Sari dito sa resort. Ang saya lang nila ngayon… Ramdam ko na unti-unti ng naglalayo ang mundo namin ni Sari.

                “Okay na ang lahat. ‘Wag ka ng mag-alala, Harry.”

                Sinong baliw naman ang hindi mag-aalala ngayong nakita mo ang taong mahal mo na pasan pasan ng isang taong alam mong may gusto rin sa kaniya? Tapos sasabihin niyang okay na ang lahat? Paano naman magiging okay ‘yun? Nakakainis. Nakakainis talaga!

                “Hoy, Samaniego! Nakatanaw ka na naman sa mga bisita nating foreigners!” Sita sa’kin ng overseer ko sa hotel. “Baka wala ka na namang magawa niyan! Tinatanaw mo na naman ‘yung kaibigan mo. Sayang naman ‘yung babaeng bumubuntot sa’yo. Maganda rin naman ‘yun ah? Nasaan na nga pala ‘yun?”

                Umuwi na si Charmaine. Nung pangatlong araw niya na akong sinusundan, bigla na lang siyang umuwi. Napagod na rin siguro siya at alam kong lubos siyang nasaktan. Nakakainis, hindi ko na alam ang gagawin ko. Naguguluhan na ako.

                Ayaw ko siyang saktan… Pero alam kong mas masasaktan siya kung susundan niya pa rin ako dahil ang mga mata ko… sa isang babae lang nakatingin…

                Pero sa mga oras na nakatingin ako sa kaniya… nasasaktan lang din ako.

                Lagi niya kasing kasama ‘yung lalaking makapal din ang kilay. Nung gabi ng welcome party para sa kaniya ay kitang-kita ko kung paano siya niyakap nito. ‘Yun din ang gabi na dinukot siya pero gawa-gawa lang naman pala. ‘Yun din ang gabi kung saan nakita ko ang kakaibang kislap sa mga mata niya.

                “Hoy, Samaniego! Mag-focus ka! Dun ka na nga sa kusina at tumulong sa paghahanda ng pagkain para sa kanila!” Napabuntong-hininga na lang ako. Ganun na ba ako kalutang para sigawan niya ako. Sumunod na lang ako sa utos niya at dumiretso sa kusina. ‘Di pa man din ako nakakalayo ay narinig ko siyang sumigaw.

                “Huwag mong lalagyan ng gayuma ‘yung pagkain nung kaibigan mo!”

                Phew! Hindi pa ako ganun kadesparado… Teka nga, may epekto ba talaga ‘yung gayuma?

======================================

WPOV

                KASAMA ni Sari ang mga kasama niyang girls na dumating sa cafeteria para mag-lunch na. Ang mga boys kasi ay katulong pa sa pagliligpit ng mga ginamit nila sa katatapos lang na relay. Mabuti na lang at hindi nila kinailangan na gumapang sa putik sa relay na ‘yun kundi mamamatay na sila sa gutom ay kailangan pa nila na nila mag-shower bago kumain.

                “Kakoii!!~” [Cool] Miki interjected after taking her seat. “I do not know that we are all good at sports!”

                Nanlumo naman bigla si Sari sa narinig. Hindi naman kasi siya magaling sa mga larong may karera. Kung sa mga virtual games nakakaya niyang tumakbo ng pagkabilis-bilis at pagkalayo-layo, sa totoong buhay hindi niya ‘yun nagagawa.

                “Are you kidding me, Miki-chan?” she asked with a faint smile. “I almost lost my breath during my run. How could it be that we are all good?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unreal Yet AuthenticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon