Chapter 18: Welcome... Hey, Where Is She?

107 4 2
                                    

Chapter 18: Welcome… Hey, Where Is She?

                HARRY’s POV

                Sari, I love you.

                Akalain mo ‘yun? Nasabi ko ang nararamdaman ko kay Sari in front of Charmaine. Para lang talaga akong demonyo sa ginagawa ko eh. Ang sama lang talaga ng ugali ko. Bakit ba kasi ako nagkakaganito?

                Kahit na nagawa ko ‘yun sa harap niya, heto pa rin si Charmaine at sunod ng sunod sa’kin.

                “Charmaine!” tila napuno na ang salok ko at hinarap ko na siya. “Pwede ba? Tumigil ka na sa kasususnod sa’kin!”

                Ngumiti siya at sa pagngiti niyang ‘yun, bakas ko pa rin kung gaano siya nasasaktan.

                “Masama bang sundan kita?” tanong niya habang pinipilit pa ring ngumiti.

                Napabuntong hininga na lang ako ng malakas at nasapo ang aking ulo.

                “I’m inlove with someone else!!! I’m not inlove with you anymore! I’m inlove with Sari---“

                “NO! I don’t believe you! I don’t believe you, Harry! I still… I still love you…”

                Natahimik na lang ako sa biglang pagsigaw niya at sa unti-unting paghina ng boses niya. I saw how tears well down from her eyes, making her beautiful face wet. I was suddenly stricken by my conscience.

                “LET GO OF ME!!! LET GO OF ME, YOU FREAKING SLAVES!!!”

                Bigla na lamang nabaling ang atensyon namin sa nagwawalang lalake na nanggaling sa hall. Anong ginawa niya run? Nandun sila Sari ah. Kinakaladkad siya ng mga gwardiya palabas, kasunod pala nila si manager na agad naman akong nakita ang sinenyasan na sumunod sa kaniya.

                “Huwag mo na akong susundan, Charmaine. Please. Huwag mo ng saktan ang sarili mo.”

                ‘Yun lang at umalis na ako. Ako na ang masama. Ako na. Pero, para rin naman ‘yun sa ikabubuti niya kundi lalo ko lang siyang masasaktan nang hindi sadya.

==============================================

                SARI’s POV

                “IN BEHALF of the management of this hotel, we are very sorry for the inconvenience that we have brought you. That guy is the son of the owner of this resort. He is Charles Erikson. This place is his former private villa but the Master ordered to make it a resort without his consent due to his stubbornness. We hope that you would understand the situation. Thank you very much.”

                ‘Yun ang animo’y telenobelang paliwanag ng manager ng resort. Grabe, hindi ko alam na may mga ganoong uri talaga nga tao na ginagawang private villa ng mga anak nila ang ganitong kalaking lugar. Hindi makatotohan, ‘di ba? Pero totoo…

                After that, Robert-sensei gave a few remarks and then he dismissed us. Bingyan niya kami ng two-hour break para daw maglibot sa paligid. Two hours talaga kasi ganun kalaki ang lugar! After daw nun, resume na raw sa gawain.

                Nagpapasalamat na rin ako sa lalakeng nagwala na ‘yun. Kundi dahil sa kaniya hindi ako babalik ang utak ko sa dating pwesto nito at magpapatuloy pa rin ito sa paglipad. Kailangan mag-focus ako sa ginagawa ko kundi baka mawala pa ang pangarap ko na within my reach na tulad ng pagkawala ng villa niya.

                Kahit na sinabihan niya pa ako ng ‘I love you’ , hindi ako dapat mawala sa focus! *eyes burning with passion*

                Naglibot na kami nila Li Mei at Miki. Himala ng mga himala at hindi sumama sa’min si Philip. Ewan ko ba, parang automatic na nagpunta sa’kin ang dalawang ito at kinaladkad ako palabas habang si Philip naman sumama sa iba.

                “That guy is really scary!” Wika ni Li Mei na mukha talagang natatakot. Halos hindi ko maipinta ang mukha niya.

                “But, we can’t deny that he is handsome!” sibat naman ni Miki tapos nun, tinitigan niya ako na may pagkamangha. “I wonder what’s with Sari-chan that even that guy liked her at first sight.”

                Nangiti na lang ako. “I’m also wondering why.”

                Nandito kami somewhere sa napakalaking resort at nakahiga sa damuhan. Maraming paru-paro sa paligid at ang gaganda nila. Sa talang buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng sandamakmak na butterflies. Nasa Paroa na ba ako? Pero, hindi ko talaga maikakaila ang kagandahan ng lugar.

                “Philip is so cool! I didn’t know that that cuddly guy can turn into a tiger at times.” That was Li Mei raising her hand to invite some butterflies to land on it.

                “He was like a hero in animes.” Saad naman ni Miki na nakatingin sa kamay ni Li Mei. Sabay sabay naman kaming sumang-ayon sa mga statements nila. I suddenly released a sigh.

                Philip was really amazing back then. Wala man ang utak ko nang mga panahong ‘yun, nasaksihan naman ng mga mata ko ang ginawa niya. He defended me from the pervert. That time, my heart rumbled more. Tss!

                Ang weird naman… Why am I feeling this way towards Philip?

“Excuse me. Do you have some free time?”

Bigla na lang kaming napatayo nang biglang may sumulpot na gwapong mukha sa langit na aming tinatanaw. Halos napasigaw pa ang dalawa kong kasama sa pagsulpot niya out of nowhere.

“S-Sari-chan, he’s the guy earlier.” Animo’y takot na takot na wika ni Miki. They were both clinging to my arms. Bigla namang natawa ang lalake sa reaksyon namin.

“What kind of reaction is that? It seems like you have seen a convicted murderer.”

Mukhang nahimasmasan na siya sa kalasingan niya. Straight na rin siya magsalita at tumayo. Ang bilis niya lang makarecover ah. Mukhang bihasa na siya sa inuman. Kahit na, kailangan pa ring mag-ingat.

Tumayo na ako at agad naman ding tumayo sila Li Mei at Miki. Hinarap ko siya with a poker face samantalang nakangisi lang siya sa’kin.

“I’m sorry but we still have things to do.” Wika ko sa kaniya at agad nag-excuse para makaalis na pero nagulat na lamang ako nang bigla na lang niya akong hatakin papalapit sa kaniya. Miki and Li Mei were as dumbfounded as me.

“Balita ko cosplayers daw kayo,” bulong sa’kin ni Charles habang pinipilit kong kumawala sa kaniya but, geez! He is too strong for me! “Would you mind being my cosplay slave?”

Hindi ko na alam ang nangayari kasunod. All I remember was he covered my mouth and nose with a handkerchief then everything around me turned like pictures inside a kaleidoscope and I fell asleep. I didn’t know what he did to my friends. Shocks… ganito ba talaga ako kaganda para maranasan ang mga pangyayari sa isang drama na napapanood sa t.v.?

“P-Philip…” Wait! That was my voice. The last line I heard came from me and what’s that for? Why did I utter Philip’s name?

=============================================

Chapter 18.5 Preview

                “Hindi pinto ang bintana, baliw!”

                “P-Philip! T-Teka, bakit ganiyan ang istura mo?”

                “Ako ang dakilang tagapagtanggol ng mga naapi! Ako si---teka, nakakahiya talaga eh.”

======================================

Unreal Yet AuthenticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon