Chapter 5: This Is What Dreams Are Made Of

141 2 0
  • Dedicated kay Kirsten Conde Pineda
                                    

CHAPTER 5: This Is What Dreams Are Made Of

                OKAY. Tapos na ang sinabi ko pero bakit hindi pa rin gumagalaw ang dalawang ‘to? Hello???

                Narito ako sa church naming ngayon. It’s Sunday and it’s time to bless the Lord after the six days that He has blessed me so much. Lunch time naming mga youth workers and I’m with my best buddies, Kitten and Genevieve.

                Buffering siguro sila. I told them that I am chosen to be the representative of the Philippines for the Cosplay Department of Yumesaka Modeling Agency. Mukhang hindi sila makapaniwala kaya hanggang ngayon hindi pa rin sila nag-r-react.

                Kuryentehin ko kaya silang dalawa.

                “Nagpapatawa si Sari Manok.” Hirit ni Kitten.

                “Masyado ka na yatang stress Sari. Magpahinga ka naman kahit konti. Nagiging delusional ka na eh.” Alalang wika ni Genevieve.

                Dapat talaga siguro kinuryente ko sila nung hindi pa sila gumagalaw kanina. Thanks girls! I was right when I said you are my best buddies.

                Kinuha ko ang cellphone ko at pinakita ko sa kanila ang pictures na kinuha ko dun sa loob ng workshop. Hindi pa rin sila kumbinsido.

                “Madali naman mag-download na ganiyan sa internet eh.”

                “Hindi na talaga maganda ang nangyayari sa’yo. Samahan na kaya kita sa psychiatrist.”

                Wow. Nakakatuwang mga reaksyon. Sunod kong ipinakita sa kanila ang pictures ko kasama si Matt at si Yoshiro. Sumunod ‘yung kasama si Miki at huli ‘yung kasama ko si Philip.

                “Totoo ‘to. Maniwala kayo. Nung una hindi rin ako makapaniwala eh. Pero, nag-sink in na rin sa’kin. Especially, bukas na magsisimula ang training namin.”

                Downloading….. Please Wait……

                “T-TOTOO NGA!!!!!”

                Napailing na lang ako at napabuntong hininga na rin.

                “Paano na ‘yan, Sari? Magiging artista na ba talaga ang dakilang fashionista ng barkadang ito?” Tanong ni Kitten na parang alangan pa rin. “Hindi pa rin ako makapaniwala. Paano kang na-discover ng mga taong ‘yun? Nagmula ka pa sa liblib na lupain ng Bulacan!”

                Hmm… Paano nga ba? Ako rin hindi makapaniwala. Paano nga kaya napadpad ang mga ‘yun dito sa Bulacan? Ano ‘yun? Trip lang nila tapos hindi sadyang nakita nila ako? Hmm… Marami namang mga matagal na sa cosplaying sa bansa. Bakit ako na wala pang experience ang nakuha nila? Ewan ko ba.

                “Huwag muna kayong maingay ah? I-sikreto muna natin ang lahat. Ayaw ko muna na may makaalam nito. Mamaya kasi maudlot. Sayang naman.” Bilin ko ng pabulong.

                “Okay, sabi mo eh.” They assured. I believe that we are investing riches in the heavens pero I also believe that God also wants to prosper us here on earth. Tulad nga ng sabi ng marami, hindi kasalanan ang mabuhay ng mahirap, kasalanan ang mamatay ka nang nananatiling mahirap.

                “Uy Sari,” Tawag sa’kin ni Genevieve. “Bakit naman nandito ang lalaking malahigad ang kilay?” sabay nguso sa kinaroroonan ni Harry. Kasama niya ang ibang boys ng church na kumakain. Mukhang madali naman siyang nakisama sa kanila.

Unreal Yet AuthenticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon