PROLOGUE

448 12 10
  • Dedicated kay Cherry Faith Porras
                                    

Some sort of a PROLOGUE

“AYOKONG mawala si Danny sa’kin. ‘Di ko kaya! ‘DI KO KAYA!!!”

                Nakakairita na. Nakakainis. Ang sakit na ng tenga ko dito               sa pagwawala ni Cherish. Minsan na nga lang kami magkita ganito pa ang eksena. Pwede bang mag- back out na lang. Aish.

                “Pwede ba na huminahon ka Cherish? Nothing can be resolved if you continue acting like that!”

                Oo, tama. Kailangan niya ng huminahon dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa restaurant. Baka akalain ng mga tao na bagong takas kami sa mental hospital. Tss. Ang sarap talaga batukan.

                Huminahon si Cherish at tumingin sa’kin. Kalat na ang eye liner niya dahil sa kaiiyak. “Ayokong mawala sa’kin si Danny. Ayoko.”

                “You know, you’ve been telling that to us since we met. Pwede ba na magsaya lang tayo dahil nagkita-kita tayo ngayong tatlo ngayon?” Ayan na. Levi starts to react. Mas matindi magsermon ‘tong babaeng kulot ang buhok.

                It’s been two years since we graduated from high school and ngayon lang uli kami nagkitang tatlo. Well, it was just a coincidence that I saw them at this restaurant while wandering in the mall. Buti na lang naaalala pa nila ako. Masaya naman ako na nakita ko sila pero, anobanamanyan, ganitong moment pa ang maabutan ko. Iyakan!

                Cherish is dealing with her self-inflicted pain. ‘Yung Danny na sinasabi niya ay classmate din naming nung high school. Never thought that they will have this “something” going on. They are not in a relationship but they have mutual feelings. It’s just that Cherish acts like she is already Danny’s girlfriend. Parang naasiwa tuloy si Danny.. Ayun, iniiwasan na siya.

                I took a sip of my iced tea and listened sa homily ni Levi while watching the strangers outside.

                 “You know, if Danny sees you right now, he will surely say, ‘Gosh, Cherish! You look so pathetic!’ o kaya ‘Cherish, you look perfect. ‘Yan ba ang bagong way ng paglalagay ng eyeliner?”

                Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong tea. Buti na lang at nakapagpigil ako at nailunok ko muna bago ako tuluyang tumawa. Hinampas ako ni Cherish sa balikat.

                “Nakakainis kayo.” Sa wakas, tumigil na rin siya sa pag-iyak at maya-maya’y minantakan na ang pizza na nasa harapan niya. Cherish is a pretty girl. It’s just that she’s a little chubby.

                Narinig kong bumuntong hininga si Levi. “So, Sari, kumusta naman ang buhay natin ngayon?”

                I gave out a faint smile. Ito talaga ang nakakahiyang parte eh.

                “I’m still in my first year in college. I bet you’ve already heard that.” Sabi ko habang nakangiti, trying to hide the embarrassment with my tone.

                “Oo, narinig ko na nga. Laking panghihinayang ko nga nung narinig ko ‘yun eh. Imagine? You are the valedictorian when we graduated from elementary tapos consistent kang top 1 simula first year to third year then maririnig kong nahinto ka sa pag-aaral.”

                Nangiti na lang ako sa itsura ni Levi habang nagk-kwento. Bakas na bakas sa mukha niya ang panghihinayang. Napabuntong hininga na lang din ako.

                “Well, ganun talaga. May mga bagay na hindi natin inaasahan. May plano naman ang Diyos para sa’ting lahat.” Wika ko sabay kagat sa pizza.

Unreal Yet AuthenticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon