Chapter 15: Getting To Know Each Other

89 2 0
  • Dedicated kay Elpidio Mangunlay
                                    

                Chapter 15: Getting To Know Each Other

                PHILIP’s POV

                PAPUNTA na kami ngayon sa resort na paggaganapan ng aming team building activity. Woah! Masaya ‘to! Beach! Haha. Siguradong iitim ako nito! Haha.

                Maaga kaming umalis. Around 4AM ay nakaalis na kami ng hotel. Isang bus din kami. As usual, magkakatabi ang mag-k-kapartner. Buti na lang talaga at may dumating ng partner si Matt. Baka mamaya isiksik na naman siya sa’min eh. Haha!

                Natutulog ngayon si Sari. Kagabi lang siya lumipat dun sa hotel at nagkagulo ang mga boys. Magaganap na rin ang pinlano namin kasama ang management. Kaya kami pinatawag last week ay para pagplanuhan ang welcome party kay Sari. Ngayon na ‘yun magaganap sa team building na ‘to. Ewan ko ba. Marami ang na-excite sa’ming mga boys nung malaman namin na lilipat na siya… Kasama na ako run.

                Kinalabit ako ni Yoshiro na nasa likod lang namin. Agad ko naman siyang hinarap.

                “What’s it?” I asked.

                Nakasimangot siya at mukhang naiirita siya. Tinuro niya bigla si Sari na tulog na tulog.

                “She keeps bumping her head to the window.” Nag-aalala niyang wika. “I’m afraid she might get memory loss and ask who she is when she awakes. Could you please be more of a gentleman and give her a shoulder to lean on?”

                Shoulder to lean on?!

                Ramdam ko ang biglang pag-init ng pisngi ko. Bumalik na si Yoshiro sa pagkakasandal sa upuan niya. Napalunok na lang ako bigla. Napatingin din ako kay Sari na panay nga ang pagkauntog sa bintana pero hindi naman nagigising. Ang tindi lang matulog ng babaeng ‘to.

                Dahan-dahan kong inihilig ang ulo niya patungo sa balikat ko. Bawal ang chancing. Ako ay sadyang gwapong gentleman lang. Kahit ganon ang nasa isip ko, hindi ko mapigilan ang mapatingin kay Sari. She is just as beautiful as a wild rose.

                She is not the typical beauty that you would see in televisions and magazines. She has this charm that no one could resist. She might not pass the absolute standard of beauty of this world but the charisma and appeal are just too extravagant that whenever she’s around, my heart would just automatically run wild out of my ribcage.

                She is just… oh so lovely! Her eyes look so innocent but determined at the same time. Her lips are too sensual that you would really love to kiss them. Whenever she smiles, it feels like the room grows brighter and then your blood will instantly rise up on your cheeks just because of it.

                Ano ba ‘yan? Napapa-english ako ng todo sa babaeng ‘to eh.

                Nagulat na lang ako nang may isang crumpled na papel na tumama sa mismong mukha ko. Gusto ko sanang sumigaw at magwala para tanungin kung sino ‘yun kaya lang, naalala kong mat natutulog pala na prinsesa sa tabi ko. Grr… Tinignan ko ang pinagmulan ng papel, kay Matt pala na nakaupo sa pinakaunahan.

                “Sorry. Kindly read it.” He mouthed then he went back to his seat.

                Ano bang meron sa mga lalakeng ‘to? Nakakainis lang ah. Pero, kailangang maging mabait ako. Hindi na ako ‘yung dating ako ngayon at nagsisimula ng magbago ang buhay ko.

                Binuksan ko ang papel at binasa ang nakasulat.

                Don’t forget about your role later. Have a rigid rehearsal and make Sari smile! Be prepared for the welcome party. Good luck! :p

                Napailing na lang ako. May maganda kasi silang role na in-assign sa’kin. Kinakabahan tuloy ako. Sa kamay ko halos nakasalalay ang lahat.

                Maya-maya pa ay dumating na kami sa destinasyon. We are on a very nice resort on Bulacan. The Agency didn’t say anything about the destination. Grabe, it is a nice private resort. ‘Yung tipong months before the desired date ay dapat magpa-schedule ka na in order to get accommodated dahil ganun ‘yun kaganda. Wala rin kasamang kasamang iba. As in kami lang talaga ang nasa lugar na’to ngayon.

                Automatic naman na nagising si Sari. Parang may sariling alarm clock lang ah. Her hair was ruined yet she’s still so beautiful. Nag-inat-inat pa siya at kinusot-kusot ang mga mata niya. Ang cute talaga. :3

                “Nakatulog pala ako.” Naghihikab pa niyang wika tapos ay hinarap niya ako. “May panis na laway ba ako?”

                Hindi ko alam kung anong klaseng reaksyon ang gagawin ko nang mga oras na ‘yun. Tinanong niya ako ng walang arte-arte o halong pagkahiya kahit medyo nakakahiyang itanong ang bagay na ‘yun. I shook my head.

                “Eh muta? Meron ba ako?” Hirit niya pa.

                “W-Wala naman.” Sagot ko. Pinagkatitigan ko pa ang maganda niyang mukha para lang makita ko kung meron.

                Nangiti siya bigla. “Okay naman pala eh. Tara na at bumaba.” Tumayo na siya at inabot ang gamit niya sa compartment sa taas. Tumayo na rin ako at tinulungan siya sa pagbuhat. Agad naman siyang nagpasalamat sa’kin at bumaba na rin kami. Wala akong masabi. Ang ganda talaga ni Sari este nung lugar!

                “Wow! Nasa Malolos, Bulacan pala tayo.” Paghanga ni Sari nang makita ang signage nung resort. “Kahit na nasa Bulacan tayo, malayo pa rin ‘to sa mismong city kung saan ako nakatira.”

                Tumuloy na kami sa entrance nung engrandeng hotel ng resort. I bet it is a first class hotel. Hindi naman pipili ang Agency ng low class. Everything they offer us is the best. Agad kaming sinalubong ng mga attendants nila at kinuha ang mga gamit namin.

                Nagulat na lamang kami ni Sari nang biglang mapasigaw si Miki.

                “Sari no koibito?!!” Sigaw niya habang nakaturo sa isa sa mga lalakeng attendants. At dahil kaming lahat ay fan ng Japanese animation, halos lahat kami ay nakakaintindi ng simpleng Japanese. Ang sinabi nga pala ni Miki ay Boyfriend ni Sari.

                “ANO RAW?!” maang ni Sari at kumaripas ng takbo sa sinsabing boyfriend niya raw. Napapaligiran na ‘yung lalake ng mga kasama namin. Sinundan ko agad si Sari. Sino ba ang lalakeng ‘yun?! Boyfriend?! Weh?!

                “Excuse me, guys. Excuse me.” Agad naman kaming pinaraan ng mga kasama namin. Nakatingin silang lahat dun sa lalake at mukhang babanatan na nung mga co-cosplayers kong mga boys. Natulala na lamang si Sari nang makita niya kung sino ‘yun.

                It was the thick-eyebrowed, annoying guy.

Unreal Yet AuthenticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon