Chapter 20: From A Distance
Present time…
NAKAHINGA na ng maluwag ang mga cosplayers nang makabalik na sila Sari at Philip. Lumabas na rin mula sa pinagtataguan nilang lungga ang mga teachers. Everyone was surprised at their announcement.
“Well done, everyone.” Bati sa kanila ni Robert-sensei. “Everything was part of the team building activity we have for you. Everything is planned even the abduction. We are really sorry but you see? Your team’s foundation was strengthened. You learned to trust everyone and to depend on each other. You see the importance of everyone in the team. For that, we can say that the team building activity is a success!”
The whole area was filled with uproar after that statement of Robert-sensei. Grabe, sa tindi ba naman ng pressure na pinagdaanan nila kanina, ewan na lang kung hindi pa sila maging isang matatag na grupo. Robert-sensei invited someone to come up on the stage. It was that beautiful guy who acted as Sari’s kidnapper—Charles Erikson.
Everyone fell silent after seeing him. Agad naman niya itong napansin kaya binasag agad ang katahimikan.
“Come on, guys! I’m not a real kidnapper for hire.” Nakangiti niyang wika. “I hope you would not take it seriously.”
“Yes.” Segunda ng professor nila sa English. “This guy is also a talent of the Agency. But, their appearance is very limited but special. Just for example, today’s activity. So I hope you won’t go after him later and kill him.”
Nagtawanan naman sila dahil sa joke na rin ng professor nila. After that, they gave Charles a round of applause for his great acting. Nagpasalamat na rin sila sa kaniya dahil sa pagpapagamit ng napakagandang lugar na ‘yon sa kanila.
“Wala ba talaga siyang ginawang masama sa’yo, huh, Sari?” Tanong ni Philip na nakabihis normal na. Ngumangata na naman siya ng icepop.
“Wala nga siyang ginawang masama sa’kin.” Nakangiting sagot ng dalaga. “Kanina mo pa ‘yan tinatanong eh. Ano ba talaga ang gusto mong mangyari? Kabaliktaran?”
Philip’s eyes suddenly widened. “S-Syempre hindi! Kaya ka nga niligtas ng gwapong tulad ko eh.”
“Yabang mo.” Sari pouted but she soon smiled. “Pero… maraming salamat.”
Mahina lang ‘yun pero sapat na ‘yun para marinig ni Philip. His heart started to run wild once again. Biglang umurong ang yabang niya at wala na siyang ibang masabi kundi “W-Wala ‘yun.”
“Today was really an awesome day, right? So, why don’t we make it more awesome?” Pagkatapos na pagkatapos nung statement na ‘yun ni Robert-sensei, bigla na lang nagtayuan ang lahat. Nagtaka naman ang dalawa dahil hindi nila alam kung ano ang nangyayari.
Sinugod ng mga lalaki si Philip at sapilitang kinaladkad kung saanman. Ganun din ang ginawa ng mga babae kay Sari. Hindi na sila makapalag. Ano na naman ba ang nangyayari sa mundo?
======================================
SARI’s POV
NAKAKAGULAT. Bigla na lang akong dinala ng mga kasamahan ko sa dressing room namin. Nung dumating kami kanina ni Philip, naweirdohan talaga ako sa kanila dahil nakacostume sila. Wala naman akong oras para magtanong… Siguro dulot na rin ng emosyon ko kanina. Haay…
BINABASA MO ANG
Unreal Yet Authentic
Novela JuvenilNagawa mo na ang lahat pero wala pa rin... Hindi mo pa rin makalimutan at patuloy ka pa ring binabagabag... Alaala nga naman... A complicated story of a simple girl who will stun the whole nation.