Chapter 10: The Awaited Chance?

116 2 0
                                    

Chapter 10: The Awaited Chance

                “KAILAN PA?”

                ‘Yun agad ang tanong ni Sari sa’kin nang mapag-isa kami. Sa itsura pa lang niya, mukha na siyang nag-aalala. Nasa may gaming center kami at pinapanood lang ang mga kasama namin na maglaro. ‘Yung iba nasa videoke. Hindi na kami sumama run.

                “Sabi ko nga kanina, ‘di ba? Mga two weeks na po.” Nakangiti kong tugon.

                Binatukan niya ako bigla. Buti na lang at nakaiwas ako at daplis lang ang tinamo ko. Sobrang lakas pa naman nito mambatok.

                “Bakit hindi mo sinabi sa’kin? Tinatarayan tuloy kita! Akala ko kasi nang-iinis ka lang at gusto lang maglayas sa bahay niyo. Hindi ko alam na may problema ka pa lang pinagdadaanan. Sana man lang nakatulong ako sa’yo kahit papaano.”

                My smile widened. Naramdaman ko ang sincerity sa mga linya nya. Hindi niya ‘yun sinabi out of hypocrisy or out of any intentions. Naramdaman ko na ‘to once from her and I don’t doubt everything that I am feeling right now.

                “Sinabi ko na ‘to sa’yo. Hindi mo lang siguro narinig kasi nakatulog ka na run sa may bus.”

                Napahinto siya bigla, mukhang may na-realize siya.

                “Akala ko kasi nananaginip lang ako nun eh.” Sabay kamot sa ulo niya. Natawa na lang ako sa sagot niya na ‘yun. She bubbled her cheeks and stood up. She smiled at me. Her vibrant smile is still really captivating.

                “Sige, simula ngayon hindi na kita tatarayan. Ayoko naman maging inconsiderate sa’yo.” She then tucked out her tongue and then ran to our classmates who were busy playing the basketball game. I just watched her as she enjoys the company of others. Natutuwa talaga ako kasi masaya siya. Ayoko ng sabihin sa kaniya ang naging dahilan ng break-up namin dahil baka magulo ko lang ang buhay niya na dati ko ng ginulo.

=====================================================

                SARI’s POV

                HINDI maganda sa pakiramdam. Hindi talaga maganda. Tumatawa nga siya, ngumingiti, pero bakas ko sa mga mata niya ang lungkot. Hindi ako natutuwa na nga-break sila. Dahil dun, nalulungkot siya ngayon ng sobra.

                “Psst!” Tawag sa’kin ni East habang minamantakan ang ice cream niya. Nasa food court kami ngayon nila Cherish at East. Tinangay nila ako rito eh.“Break na raw sila. Anong gagawin mo ngayon?”

                “Huh?” tanong ko. “May dapat ba akong gawin?”

                Bigla na lang akong inakbayan ni Cherish. She gave out a devilish snicker. “Heto na ang chance mo, Sari! Come on and grab it.”

                Napailing na lang ako sa suggestion na ‘yun. Inalis ko ang akbay ni Cherish sa’kin at hinarap silang dalawa ni East.

                “Look Cherish, first of all, I didn’t wait for this to happen and I never asked for this. Hindi maganda sa pakiramdam. Alam mo ‘yun. I was asking for the best for the two of them pero ito ang nangyari.” Paliwanag ko.

                They pouted their lips. Mukhang hindi sila satisfied sa sinabi ko. Well, I am not here to please them.

                “Stop being childish, girls. Hindi porket may nakita tayong chance ay i-g-grab na ito nang hindi man lang tinitignan ang magiging results. Though I may still like him, he doesn’t like me anymore. Tsaka, hello? Kakabreak lang nila.  Napaka-unethical naman nun kung maghahanap agad siya ng iba.”

Unreal Yet AuthenticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon