Chapter 16: The Elevator Chase x)
SARI’s POV
“SARI NO KOIBITO?!!” Nagulat na lamang ako sa sigaw na ‘yun ni Miki. Agad na pinagkaguluhan ‘yung attendant na sinasabi niyang boyfriend ko. Kumaripas ako ng takbo papunta sa kinaroroonan nila.
“Excuse me, guys. Excuse me.” Ang hirap nilang hawiin ah. Wala akong super powers ngayon na magagamit sa inyo. Naiwan ko sa bus! Pwede ba magsitabi muna kayo!!!
Haay… When I finally found my way out to see who that guy is, I was immediately kicked into the area of being dumbfounded. What the rabbit is he doing here?!!
“HARRY!!!” ‘Di ko na napigilan ang mapasigaw. Ang totoo, automatically na ‘yung naganap. “Anong ginagawa mo rito?!”
Kahit si Harry ay mukhang nagulat. Halatang hindi niya alam kung paano ako sasagutin.
“O-OJT ako rito, Sari.” Nauutal niyang sagot. Oo nga pala. Nakwento niya rin sa’kin na OJT na this summer. Hindi ko lang alam kung saan dahil naghahanap pa siya nung mga panahong nakwento niya ‘yun sa’kin. Two-year HRM course kasi ang kinukuha niya. Bigla namang nagsigawan ang mga kasama ko na animo’y nantutukso pa.
“Sari, is he really your boyfriend?” Tanong ni Jang-mi, siya ‘yung Korean representative na girl.
“I thought it was Philip but look there is another guy!” Pang-aasar ni Sang-hyun kay Philip na sinegundahan naman ng iba. Tinapik pa nila si Philip sa likod na animo’y nakikiramay sa namatayan. I saw how worry was drawn into Philip’s face. What’s wrong with him?
I looked at Harry then back at Philip then back at Harry. Naguguluhan na ako ah! Teka, bakit nga ba ako naguguluhan? Wala naman nagsasabing pumili ako sa kanila. Pero… bakit ganito ang nararamdaman ko?
ARGH! Kailangan ko ng sagutin ang tanong nila.
“E-Everyone, this guy is Harry Samaniego. He is my classmate when I was in high school. We are only friends. He is not my koibito.”
‘Yun lang ang sinabi ko pero parang guguho ang mundo ko sa kaba. Teka, bakit nga ba may kaba?
“Yes.” Segunda naman ni Harry. “I am only Sari’s friend.”
Napansin ko na talagang diniinan niya pa ‘yung word na only. ‘Di ba? Kaya nga naka-bold eh. Parang satisfied naman ang mga kasama ko sa sinagot ko. Bigla namang lumapit si Robert-sensei upang tignan kung anong klaseng komosyon ang nangyayari. Sinita niya kami at agad pinapunta sa mga kwarto namin para masimulan na raw ang unang activity.
The crowd immediately dispersed. Naiwan na lang kami nila Harry at Philip. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na si Harry. Nag-sorry naman sa’kin si Miki. Nagulat lang daw siya… Haay…
“Sari, bawal kaming makipa-buddy-buddy sa mga guest dito eh. Pagpasensyahan mo na kung medyo magiging mataray ako rito ah.” Bulong niya sa’kin sabay alis. Kumaway pa siya sa’kin and he mouthed “Ganbatte”. That is a Japanese word that means do your best. Teka, kailan pa siya natuto nun?
Naiwan na lamang kami ni Philip sa eksena. Feeling ko ang haba ng buhok ko. Ano ba naman? Natututo na ang kumembot ah… Ang sarap lang sabunutan ng sarili ko.
BINABASA MO ANG
Unreal Yet Authentic
JugendliteraturNagawa mo na ang lahat pero wala pa rin... Hindi mo pa rin makalimutan at patuloy ka pa ring binabagabag... Alaala nga naman... A complicated story of a simple girl who will stun the whole nation.