Chapter 17: The Past, The Confession and The Drunkard

105 4 6
                                    

Chapter 17: The Past, The Confession and The Drunkard

"OOH... Look what we have in here..."

'Yun ang sabi nung babaeng kasama ni Harry sa may elevator. Hindi ko siya agad nakilala pero nang pagmasdan ko siya, sparkles of recognition welled from my eyes.

"A-Ate Charmaine!" I interjected. Gusto ko siyang yakapin kaya lang napansin kong yakap-yakap pa rin ako ni Philip! Aba, loko 'to ah! Pinakawalan ko na ang labing limang porsiyento ng aking lakas para kumawala sa mahigpit na yakap ni Philip. (Taguro lang ang drama ko. HAHA.) Agad naman akong nakawala at agad siyang binatukan.

"ARAY!" Iyak niya habang sapu-sapo ang ulo. Hindi ko na siya pinansin, pinuntahan ko na agad si Ate Charmaine. Niyakap ko siya agad. Matagal ko na rin siyang hindi nakikita. She is just as gorgeous as she was before. Teka, parang mali. Lalo pa siyang gumanda!

"Kumusta ka naman, Ate? What brought you here?" agad kong tanong sa kaniya.

Nginitian niya ako at tinignan ang lalakeng katabi niya. "I was looking for him."

Napatingin ako kay Harry. Nakatungo lang siya at nakatingin sa kawalan. What's wrong with him? He should be happy that Ate Charmaine came all the way here to look for him.

Binalikan ako ng tingin ni Ate Charmaine and she gave me a faint smile. "But, it seems that he's not happy seeing me."

"No way!!!" maang ko at agad siniko si Harry. "Ano ka ba? Pakita mo naman ang tunay mong nararamdaman!"

Hindi man lang ako pinansin ni gorilya. Ano bang problema nito? Hindi ngayon ang panahon para mag-inarte siya. Siya na nga ang pinuntahan eh.

"Hayaan mo muna siya Sari. Hindi niya ako pinapansin kanina pa. Sinusundan ko lang siya hanggang sa magsawa siya at kausapin niya na ako."

"Sari-chan? Philip-kun?" Naku, naabutan na kami ni Miki. Hala! Baka, ma-late na kami! Hinatak ko silang dalawa ni Philip papasok sa elevator.

"We should hurry." Wika ko sa kanilang dalawa. Right after that, the elevator door closed. I pressed the LG button. Nakailaw ang 2nd floor button. Malamang dun bababa sila Ate Charmaine at Harry.

Doon nga sila bumaba. Wala pa ring imik si Harry. Para lang siyang ewan na ayaw magsalita. Sigurado naman ako na deep inside ay masaya siya. Pakipot mode pa siya.

"Sari..." tawag sa'kin ni Harry nung makababa na siya ng elevator. Kasunod niya lang si Ate Charmaine. "Ang sabi mo ipakita ko ang tunay na nararamdaman ko 'di ba?"

My curiosity rose. Anong ibig niyang sabihin? Tumunog na ang bell ng elevator which means magsasara na ito. Ayun na nga, the door started to close pero hindi pa rin binibitiwan ni Harry ang litanya niya. Even Ate Charmaine was waiting for him to speak.

I saw his mouth moved. Meron siyang sinabi pero parang bigla na lang akong nabingi. Narinig ko naman pero parang ayaw tanggapin ng utak ko. Ayaw ko. Bakit niya pa kailangang sabihin 'yun? Sa harap pa ni Ate Charmaine. Ano ba ang gusto niyang mangyari? I felt my heart stopped beating. I almost can't breathe.

"Sari-chan..." tawag sa'kin ni Miki. "That guy said 'I love you' to you, am I right?"

===================================================

PHILIP's POV

MATATAPOS na ang orientation pero parang hindi pa rin nakakabalik sa mundo si Sari. Hindi pa rin siya maka-move-on dun sa sinabi ni Harry.

Sari, I love you.

'Yun ang sabi sa kaniya bago pa man magsara ang pinto ng elevator. He confessed at her right in front of his ex-girlfriend that is now chasing after him. What the perk is that?! What kind of guy is he?

"Sari..." tawag ko sa kaniya pero hindi siya rumeresponde. Parang de javu lang ah. Sayang talaga at naubos ko na ang icepop ko. Ididikit ko sana uli sa pisngi niya eh.

"Sari..." sinubukan ko uli kaso wala talagang epekto. I held her hand without asking for her permission. 'Dun lang siya bumalik sa earth. She threw me a surprised look.

I smiled to cheer her. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Basta hinawakan ko lang ang kamay niya ng mahigpit at bumaling na ako sa speaker. Nagtaka na lang ako nang hindi niya kunin ang kamay niya tulad ng ginawa niya kanina. Malamang naguguluhan pa rin siya.

"MASTER! Please! 'Wag po kayong manggulo rito. Mapapahiya po tayo sa mga bisita!"

"I don't care! Bakit niyo ginawang resort ang private villa ko?!!"

Napatingin kaming lahat sa entrance ng Conference Hall kung saan nagwawala ang isang lalakeng halos kaedad lang namin. Mukhang anak mayaman. Hindi naman siya tatawaging master kung wala siyang relasyon sa may-ari ng glamorosong resort na ito. Mukha siyang laseng at wala sa matinong pag-iisip.

"Tignan mo nga naman! Mukhang mga pang-international pa ang mga bisita natin ngayon ah!"

Halos matumba na siya sa kintatatyuan niya. Alam mo 'yun? Parang konting tulak lang sa kaniya ay makakatulog na siya sa sobrang kalasingan niya. Laughing trip na nga siya eh. Sinusubukan siyang pigilan nung matandang lalake kaya lang ayaw niyang magpapigil. Hindi ba siya nahihiya sa ginagawa niya?

Nagulat na lamang kami nang bigla siyang huminto. Parang bigla siyang naging yelo. He was looking at something or should I say someone. Tinignan ko kung saan nakatutok ang mga mata niya. He was looking at Sari.

"Ayos ah! Mukhang may isda akong mabibingwit!"

Parang sirang robot siyang lakad-takbo papunta sa lugar namin ni Sari. Nasa huling row kasi kami eh. Nagsigawan na ang ibang girls at napansin ko ring naging alerto na ang ibang mga guys. What is he up to?!

Nakangisi siyang parang mga bastos na lalake sa anime. Parang hindi naman natitinag na bato si Sari na nakatingin lang sa lalake. Mukhang hanggang ngayon magulo pa rin ang isip niya. Parang hindi na siya aware sa magyayari sa kaniya.

Binitawan ko ang kamay niya at hinarangan ko siya bago pa man siya abutin ni lasenggo. It felt like everyone is on a halt.

"Get out of my sight! I want that girl!"

Sabi ko na nga ba! Si Sari talaga ang pakay niya. Pwes! Hindi ko siya papayagan.

"I don't know who you are but get out of here!" Matatag kong pagkakasabi. I heard everyone gasped. Nakita ko rin kung gano gumuhit ang galit sa mukha nung lalake.

"Y-YOU!!!" Babanatan niya na sana ako nang biglang dumating ang mga gwardya at sapilitan siyang binitbit palabas. Sumisigaw pa rin siya. Nagbabanta pa si loko. "Humanda ka sa'kin unggoy ka! Hindi ko palalagpasin 'to."

Unggoy pala ang gwapong tulad ko. Kung may gawin man siyang masama kay Sari, siya mismo ang mananagot sa'kin. Hindi niya ako kilala at hindi niya alam kung saan ako nagmula. Kung bakbakan lang ang gusto niya, hindi ko siya aatrasan.

=======================================

PREVIEW of Chapter 18

"What?! Sari is missing?"

"I still love you!"

"I'm not inlove with you anymore."

"Would you mind being my cosplay servant?"

================

WHAT DO YOU THINK HAPPENED? Mind helping me? Hmm... I'm kinda confused of who the main guy would be... Who do you think is best for Sari? Philip or Harry? I need the suggestion of the readers. I think I won't update until I'm not hearing something from you guys... :)

-rozariichan

Unreal Yet AuthenticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon