Chapter 7: Scar From The Past

115 2 0
                                    

                SARI’s POV

                “Ang galing mo talaga kanina. Kinakabahan ako kasi pambato ka ng Pilipinas pero you have proven that you deserve the spot given to you. That acting was really incredible. I hope I can work with you in the future.”

                It still echoes in my ears. Alodia Gosiengfiao said that to me after the drill and she talked with me privately. She is really an amazing person. Grabe. It was too overwhelming. Thank You, Lord. Kung ‘di dahil sa’Yo ‘di ko ‘to magagawa.

                We ranked first, Alodia talked to me and take home na ang costume. O ‘di ba? Ewan ko na lang kung hindi pa ‘ko sumaya nun. Masyado na akong demanding kapag nag-inarte pa ‘ko. Thank You, Lord!

                Niyaya pa ko nila Matt na mag-mall kaya lang hindi na ko sumama. May klase pa kasi ako. 4PM pa naman ‘yun kaya lang nasa Manila ako ngayon at sa Bulacan pa ang school ko. Kumusta naman ‘yun ‘di ba?

                “Sari!” Nagulat na lamang ako nang bigla kong narinig ang pamilyar na boses na ‘yun. Natulala na lang ako dahil si Harry pala ‘yun. Ano naman bang meron ngayon?! Agad-agad ko siyang nilapitan at binatukan.

                “Aray! Bakit mo naman ginawa ‘yun? Sinusundo na nga kita rito.” Hala nanumbat pa ang mokong.

                “Sino ba kasi ang nagsabi sa’yo na sunduin mo ko? Hindi naman kita pinapunta rito ah. At sino naman ang nagsabi sa’yo na narito ako?” Hindi ko na napigilan ang pagkainis. Nakakairita lang talaga. ‘Di ko alam kung bakit.

                He pouted his lips. Hala, papa-cute ka pa ah. “Paggising ko kasi wala ka na. Tinanong ko kay Tita kung nasaan ka na, heto naman ako at pinuntahan ka.”

                “Naghihilik ka pa kasi kaya hindi mo na ako naabutan. Teka, teka. Bakit ba kasi pumunta ka pa rito?”

                “Ei, Sari-chan!” Hala, nakalimutan kong kasama ko pala sila Yoshiro. Nakita nila ang silakbo ng galit ko dito kay mokong. Nakakahiya!!! >,< Lumapit sila sa’min ni Harry.

                “Who’s this guy, Sari-chan?” Miki asked? “Is he your koibito?”

                Koibito? Boyfriend? Itong si Harry?!

                “He’s not my boyfriend. He was my classmate in high school.” Depensa ko. Hindi maganda ang ma-link sa taong may ka-relasyon na.

                “Grabe ‘to… Hindi man sinabing kaibigan…” Bulong ni Harry sa’kin. Siniko ko nga ng matahimik.

                “Why are you so red, Sari-chan?” Pilyong tanong ni Yoshiro. Ugh! Namumula ba talaga ako. Tigilan niyo na nga ako, please? Tense na nga ang tao eh.

                “Because it’s hot outside!”

                Nagtawanan na lang sila sa sagot kong iyon. Nakitawa na lang ako sa kanila. Napansin ko nga lang si Philip. He was just wearing a faint smile. I wonder what’s up with him. Nanalo naman kami. Bakit mukha siyang natalo?

                Pinakilala ko si Harry sa kanila. Napasabak sa English si loko kaya muntik ng magdugo ang ilong. Madali naman niyang napakisamahan ang mga co-trainees ko. ‘Yun nga lang, something is quite wrong with Philip. I really wonder.

                Pagkatapos nun, nagpaalam na ako sa kanila. May mga homeworks pa kasi ako na hindi natatapos. Mahirap na. Mamaya bumagsak pa ako. Sayang ang lahat.

Unreal Yet AuthenticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon