Chapter 4: Stay Over

127 3 1
                                    

CHAPTER 4: Stay Over

=============================================

I forgot to tell you in Chapter 3 that I changed the name of one of the main guys from Prince to Harry. I just don't feel the name Prince for the character but I really like that name. To those who carry the name Prince... Please do not be offended. :) Here's Chapter 4.

=============================================

Harry's POV

MUKHANG nagulat si Sari sa pagsalubong ko sa kaniya. Paano ba naman? Hindi naman talaga planado ang pagpunta ko dito. Hindi ko rin siya nasabihan na pupunta ako. Ang gusto ko lang naman ay lumayo muna sa'min saglit. Hindi ko rin alam kung bakit dito ako napadpad sa kanila.

"What are you doing here, Harry?" Tanong niya agad sa'kin.

"Wow. Ini-english mo na ako ngayon ah." Banat ko sa kaniya para mabawasan na ang pagkabigla niya. "Gusto ko lang naman pumunta rito eh."

"Bakit ka naman pupunta rito?"

She pouted her lips. Hindi siya kumbinsido sa sagot ko. Nakita ko ang mga dala-dala niyang gamit at agad kong kinuha. Mas lalo siyang nabigla sa ginawa ko.

"Hoy, ano bang ginagawa mo?" Iritado niyang tanong sa'kin. Pinilit niya pang agawin sa'kin ang gamit niya pero sorry na lang siya dahil nailayo ko na agad sa kaniya.

Nginitian ko siya. "Tara, pasok muna tayo sa inyo. Pakainin mo ko ah. Gutom na ko eh."

Lumakad na ako pabalik sa gate ng bahay nila. Hindi ko naramdamang sinusundan niya ako kaya nilingon ko siya pabalik. Lagot na. Nakasimangot ang prinsesang mahilig sa anime.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?!" Bakas ko na sa tono niya na naiinis na siya sa'kin. Maniwala ka, Sari. Kahit ako hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko dito.

"Makikikain ako sa inyo." Biro ko. "Sakto pala ang pagpunta ko dahil may dala kang dalawang box ng pizza. Ang swerte ko naman talaga."

'Yun lang at dumiretso na ko sa bahay nila.

"Tita! Si Harry po ito!"

"Hoy! Tumigil ka nga! 'Wag kang mag-ingay dito!"

Sari's POV

NAKAKAINIS talaga. Ano bang ginagawa dito ng mokong na 'to? Aba, heto siya at masayang kumakain ng pizza na uwi-uwi ko para kay Mama at sa kapatid ko. Kasama namin siya ngayon sa hapagkainan.

"Nak." Nakangising tawag ni Mama. Napailing na lang ako. "Akala ko ba makikipagdate ka sa estudyante mo. Eh bakit si Harry ang kasama mong umuwi?"

Namula ako bigla. "Hindi Ma, si Jae-hun talaga 'yung kasama ko kanina. Si Jae-hun din ang bumili ng pizza na nilalapang nitong si Harry at si Jae-hun din ang may bili ng mga gamit na dala ko."

"N-Nakipag-date ka sa estudyante mo?" Hirit ni Harry na namumuwalan sa kinakain. "'Di ba bawal 'yun? Hala ka!"

"Tumigil ka nga diyan! Kasing edad ko lang si Jae-hun at hindi naman ako ang may gusto na mag-date kami. Si Boss kaya!"

Hmp! Tumayo na ako sa hapagkainan at pumunta sa sala. Kung makapagsalita naman ako parang ang laki ng bahay namin. Ang sala at kainan namin ay halos iisa lang. Sofa lang ang pagitan. Haha. Hindi kami mananatili sa ganitong kalagayan. Pangako.

"Kumusta ka naman, Harry?" Tanong ni Mama. Pinapapakinggan ko lang ang usapan nila habang inaayos ko ang gamit ko. "Bakit ka napadaan dito?"

"Okay naman po ako, Tita. Hindi naman po talaga ako napadaan dito. Sa totoo lang po, gusto ko po muna mag-stay sa inyo ng mga ilang araw."

Buffering...................................................................................

"WHAT?!"

Hindi ko alam kung ilang kanto ang inabot ng boses ko. Hindi lang ako nagulat sa sinabi niya. Nasindak ako! Ano bang tumatakbo sa isip ng nilalang na ito?

"Huwag ka namang masyadong mabigla, Sari. Mga tatlong araw lang naman----"

"Tatlong araw?!"

Naiiyak na yata ako. Kung pwede lang matunaw ngayon, malamang natunaw na ako. Anobanamanyan? Nagkabuhol-buhol na rin yata ang kilay ko sa sobarang simangot. Bumagsak ako sa sofa. Parang nawalan ako ng energy. Ang BILIS ng tibok ng puso ko!

"Okay lang naman po, di ba, Tita?"

"Okay lang, hijo."

"Mama!" TInignan ko si Mama at nakangiti lang siya sa akin. Hayaan mo na, anak.

"Wow! Thank you po!" Bumaling sa'kin si Harry at nginitian ako. "'Wag ka mag-alala, tutulong ako sa mga expenses. Alam rin naman sa bahay namin na hindi muna ako uuwi within three days."

White flag raised. Suko na ako. Bahala ka na sa buhay mo.

I released a sigh. "Ano ba kasing nangyari sa'yo?"

He smiled with a meaningful smile. "Secret."

- - - - - - - - - - -

Hello :)

Oh my, wanna say thank you to those who read... haha.. More surprises to come.. :)

GOD bless you, folks

-rozariichan

Unreal Yet AuthenticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon