Chapter 14: Love Is…
“SARI-CHAN, irrashai mase!”
Natuwa naman ako sa ginawang pagsalubong sa’kin nila Miki at ng iba pang girl cosplayers. They were all wearing cat ears. Halos puro South East Asians ang mga nandito. Japan, South Korea, Thailand (yep, may partner na si Matt), China, Hong Kong, Malaysia, Sinagapore and siyempre, Philippines ang mga bansang may mga representative para sa training na ‘to.
Miki made me wear a red cat ears to make me feel that I really belong. Natawa na lang ako dahil ako na Pilipino ang sinalubong ng mga dayuhan sa kaniyang sariling bansa. Sama-sama lang kami sa iisang kwarto. Feeling ko tuloy nasa bahay ako ni Kuya o kaya nasa quarters ng mga protégé.
May prepared bed na rin para sa’kin. Sa tabi ako ni Miki. Buti naman siya ang katabi ko kasi siya talaga ang unang babae na nakilala ko. Nahihiya pa talaga ako ngunit kailangan ko ‘tong gawin. Mahirap din na lumayo muna kila Mama at makulong sa lugar na ‘to. Alam ko na ang feeling ni Papa sa ibang bansa. Hindi naman ako nag-aalala dahil pumayag naman si Harry to watch over them.
Pagkatapos ng Finals namin, dumiretso agad ako sa five-star hotel na ito. Baka kasi magalit pa ang management ‘pag nagpaimportante ako. Nga pala, si Dean palang ang nakakaalam sa school ng pagiging trainee ko. He is keeping it like a land mine.
Nagtipon ang lahat ng girls dun sa may kama ko. They made some sort of an interview.
“Sari,” tawag sa’kin ni Li Mei, she is the representative of China. “Is it true that Philip likes you?”
Haay. Sabi ko na nga ba hindi mawawala ang tanong na ‘yun. Unan-una pa. Hindi ba pwedeng basic infos muna? Love life agad? Nga pala, kung nagtataka kayo kung bakit magagaling sa English ang mga ‘to ay dahil ‘yun may English class kami. Kasama ‘yun sa training.
Well, balik sa usapan.
“I think you better ask him about that.” At siguradong ang isasagot niya ay I just don’t like her, I like her a LOT!
They all giggled. Mga girls talaga. Kung makapagsalita lang ako parang hindi naman ako girl. *laughs* How I wish I was as normal as them but I still prefer to be different, you know?
Marami-rami rin kaming mga pinag-usapan. May mga nabuo na rin kasi silang friendships. Ako lang naman ang huli sa uso. Buti na lang at hindi naman sila ganun kahirap pakisamahan. Tsaka, we are sharing the same hobbies. Hindi talaga magiging mahirap ‘yun.
Dahil sa kasiyahan, hindi na namin halos namalayan ang oras hanggang sa biglang may nag-buzz. May speaker pala sa loob ng room na connected sa isang secret place. Kuya, ikaw ba ‘yan?
“Tomorrow, we will be having our team building activity and everyone is adviced to sleep early because we will also leave early tomorrow. Don’t forget to organize the things you will bring. Lights will be turned off after everyone is done preparing.”
‘Yun ang sabi ni Kuya, este nung kung sinumang nagsalita. Malamang si Robert-sensei ‘yun. Boses pa lang eh. Pagkatapos ng announcement na ‘yun ay nagsipag-ayos na kaming lahat ng gamit. Double-checked na rin lahat ng mga dadalhin. After that, the lights automatically turned off. Gusto ko pa naman sanang hanapin ang mga hidden camera at kumaway kay Kuya. Haha.
![](https://img.wattpad.com/cover/3384775-288-k395576.jpg)
BINABASA MO ANG
Unreal Yet Authentic
Teen FictionNagawa mo na ang lahat pero wala pa rin... Hindi mo pa rin makalimutan at patuloy ka pa ring binabagabag... Alaala nga naman... A complicated story of a simple girl who will stun the whole nation.