Chapter 11: You Got It Wrong, Dude
Philip’s POV
NANDITO na ako sa sinasabing mall dun sa status ni Sari. Ewan ko ba sa gwapo kong utak kung bakit ako narito ngayon. Nung nakita ko ‘yun, agad-agad akong nagbihis para makapunta sa lugar na iyon. Haay, Sari! Gusto talaga kitang makita!
Lakad-takbo na ang ginawa ko sa loob ng mall para lang mahanap ko siya. Sa sobrang laki ng mall at sa sobrang baba ng probability na magkita kami, hindi ko alam kung bakit wala akong pagod na naghahanap ngayon. Ang dami kong hindi alam no? Hindi naman sa mahina ang utak ko. Hindi ko lang talaga maintindihan ang nararamdaman ko.
Buti na lang malinaw ang mga mata ko at nakita ko siya sa may food court… kaya lang…
“Papa-load-an naman kita eh. ‘Wag ka na mag-alala. BIgay mo na sa’kin number mo.”
Nakita ko siyang hawak-hawak sa braso nung lalakeng mukhang goons at napapaligiran ng iba pang mga lalake. Sa itsura pa lang ni Sari mukhang hindi na maganda ang nangyayari.
Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan nila at…
“Hoy! Bitiwan mo siya.”
O ‘di ba? Pang-action star lang ang linya ko. Haha. Napatingin sila sa’king lahat.
“P-Philip?” Bakas sa mukha ni Sari ang pagkagulat ngunit nasilayan ko rin ang isang magandang ngiti mula sa kaniya. Ngiti na animo’y nagsasabi ng, buti na lang dumating ka!
Ngumiti ako sa kaniya at kumaway. “Hello, Sari.” Pagkatapos nun, tinitigan ko lang ang mga lalakeng pasaway at agad din silang nag-alisan. Astig yata ang mga mata ko. Parang may Geass lang. HAHA!
Nagkaroon pa kami ng konting pag-uusap nila Sari at ng kaniyang mga kaibigan nang biglang dumating ang lalaking may dalawang itim na higad sa ibabaw ng mga mata. Agad-agad niyang tinanong si Sari kung ayos lang siya. Tumango lang si Sari. Nagkatinginan kami ni—teka, ano nga uli pangalan nito?—ahh! Harry nga pala.
Hindi lang basta titig. Matatalim at nakakasugat.
“Bakit mo ko inunahan?” Tila pagtatanong ng mga mata niya.
Akala mo papatalo ako ah. “Ano naman kung nauna ako? Ninja ako kaya mabilis ako kumilos.”
Aba, nag-reply pa si loko. “Walang panama ang NINJA MOVES mo!”
Hinahamon talaga ako nito. “Tignan na lang natin, ‘tol!”
Bigla siyang ngumiti. “Salamat sa pagtaboy dun sa mga lalake.” Kanina lang mukha na siyang nakawalang convicted killer ah. Kung makapagsalita naman ako parang hindi ako ganun kanina.
“Walang anuman. Basta para kay Sari.”
“SARI!!! HARRY!!!”
Nagulat na lamang ako sa mga sigaw na ‘yun. Isang grupo ang papalapit sa’min . Sila siguro ‘yung mga ka-reunion nila Sari. Kasama nila ‘yung dalawang babaeng kausap ko kanina. Mukhang tinawag nila ang buong barangay ah. Teka, Sari… Harry… Magka-rhyme pala ang pangalan nila.
“Siya! Siya ‘yung nagtaboy dun sa mga lalakeng pasaway na makapal ang mukha na ang angas magsalita!” Pasigaw na kwento nung babaeng medyo chubby habang nakaduro pa sa’kin.
“Tama! Tama!” Segunda nung isa na medyo petite. “Siya nga ‘yun! Siya ‘yung Cloud Strife na nagligtas sa ating prinsesa!”
Sa totoo lang, wala akong maintindihan. Basta, masaya na ako ngayon na nakita ko si Sari. Thank You, Lord at hinayaan mo kaming magkatagpo. HAHA!
=========================================================
HARRY’s POV
NAIINIS ako nang malaman ko na naunahan ako. Hinahanap ko kasi si Sari. Bigla na lang kasi sila nawala nila Cherish at East. Nalingat lang ako ng kaunti ay nawala na siya. Nang makita ko naman siya ay binabastos siya. Papunta na sana ako nang biglang may sumulpot na asungot.
Hindi ko nagustuhan ang naramdaman ko. Nagpapakatotoo lang.
Nako, magtigil ka na sa pagiging PBB teens mo, Harry. Hindi ka na nakakatuwa.
Sa sobrang tuwa ng mga kaklase namin sa—hmm---ah! Philip is the name---ay sinama pa siya sa mga gawain namin. Dumako kami sa may park ng mall at doon bumuo ng isang malaking circle para sa isang patok na laro nung highschool. Ano ‘yun? Kailangan mo lang ng boteng walang laman. Siguradong alam mo na ang ibig kong sabihin.
“Ang tagal naman nila Sari pati nung cute na si Philip!” Angal ng mga kaklase kong babae. Tinangay kasi bigla ni Sari si Philip kung saan. Malamang pagbabawalan niya ito na sabihin ang isa sa mga top secret niya.
Maya-maya rin ay dumating na sila. Ngayon ko lang napansin na maganda pala silang tignan na magkasama. And they looked like having a good time. Nagtatawanan kasi sila habang papalapit sa’min.
Sumipol bigla si Denver na katabi ko lang nang mga oras na iyon. “They look perfect.”
Nakita kong nagtanguan ang mga kaklase ko. Sang-ayon silang lahat sa komentong iyon ni Pareng Denver. Pare-pareho lang naman kami ng opinion. Umupo na sila doon sa allotted space for them.
Sinali na nila si Philip para hindi raw ma-out-of-place. Eh, mukhang mas ma-a-out-of-place pa siya lalo dahil tiyak na hindi naman siya makaka-relate sa mga pag-uusapan namin.
Nagsimula ng umikot ang bote. Kung sino-sino na ang naituro ng bote pero hindi ko na nasundan at hindi na ako naki-intriga sa mga tinatanong nila. Nakatingin lang kasi ako kila Sari at Philip. Mukha rin namang wala silang pakielam sa ginagawa namin. Nag-k-kwentuhan lang sila. Malamang anime ang topic.
Bigla na lang nagsigawan ang lahat. Nagulat na lang ako pati na rin ‘yung dalawa. Itinuro kasi si Philip ng bote.
“Nice! Kanina ko pa hinihintay ‘to!” Sigaw ni East. “Ako na magtatanong! Ako na!”
Sumang-ayon naman ang lahat kay East. Huminga siya ng malalim at ibinuga na ang tanong.
“May gusto ka ba kay, Sari?”
Natigilan ako sa tanong na iyon ni East. Bakit ba kailangan na itanong nila ang bagay na ‘yun? Nakangiti lang naman si kumag. Mukhang hindi pa siya nagtaka na itatanong nila sa kaniya ‘yun. Si Sari ang mukhang nagulat. Napatingin pa siya kay East ng matalim ‘tila sinasaway ito.
Tumahimik ang lahat nang magsasalita na si Philip.
“Hindi ko siya gusto.” Lalong tumindi ang katahimikan. Pati na yata ang ingay sa paligid ay nawala. Parang meron lamang nag-mute ng tv at wala kang kahit na anong marinig kundi ang tunog ng mga kulisap.
Aaminin ko, sa mga oras na ‘yun na tila tumigil ang mundo, nagtatatalon ang puso ko sa tuwa. Nagustuhan ko ang sagot ni Philip at inakala ko na magkakasundo kami nang bigla na lang…
“Hindi ko siya gusto.” Inulit niya pa ang sagot niya. Nawala ang ngiti sa mukha niya at naging seryoso ang dating niya. Tinitigan niya si Sari na noon ay nakatingin rin sa kaniya. Nagulat pa si Sari nang balingan siya nito ng tingin.
“Hindi ko siya gusto.” Teka, pangatlo na ‘yan ah. Tumigil ka na---
“Gustong-gusto ko siya.”
BINABASA MO ANG
Unreal Yet Authentic
Teen FictionNagawa mo na ang lahat pero wala pa rin... Hindi mo pa rin makalimutan at patuloy ka pa ring binabagabag... Alaala nga naman... A complicated story of a simple girl who will stun the whole nation.