Unreal Yet Authentic--- Author's Opening Notes

868 10 13
                                    

                Naranasan mo na ba ang umibig? Ilang tao na ba ang nagpatibok ng puso mo? Ilang tao na rin ba ang pinatubok mo ang puso?

                Nakakapagod.

                Nakakapagod rin pala na paulit-ulit na maniwala sa paulit-ulit na pangako na binibitawan ng mga lalakeng walang isang salita. Nakakasawa na rin. Ilang tao na rin ba ang nagsabi sa’kin nun? Maaaring ngayong linggo na ‘to ay mahal ka niya… Maaaring tumagal ng buwan… Pero, ang katotohan ay hindi rin magtatagal ‘yun. Makikita mo na lang one day na may kasama na siyang iba at totally erased ka na sa memory niya.

                Makapaghihintay? Walang lalakeng makakagawa nun!

                Kahit wala ni isa man akong sinagot sa kanila ay kahit papano ay ipinagkaloob ko ang tiwala ko sa kanila. Isang bagay ‘yun na kahit kailan hindi na nila maibabalik. Mahirap… kahit gaano mo man siya patawarin, ang tiwala ay hindi na maibabalik.

                Marami pa akong pangarap at marami pa akong gustong makamtan. Gusto ko munang makapagtapos ng pag-aaral bago buksan ang puso ko para umibig. Bakit ba hindi nila maintindihan ‘yun? Magtatapat ng kay aga-aga tapos hindi rin pala mapapangatawanan. Akala ba nila sila lang ang umaasa? Nakakadismaya lang!!! ARGH!

                Ang bitter lang, ‘di ba? Akala mo naman maganda!

----------------------------------

Wala akong ma-say! Haha! Ang mga sumusunod na tagpo ay resulta ng aking boredom. Ayoko naman na bigla na lang may lumabas na closed space at mamroblema ang mundo sa kagagawan ko. Echoss! Nais ko lang na maibahagi ang aking mga gawa sa madla. Nais ko rin maibahagi ang pinakaimportanteng bagay sa lahat. Kung ano man ‘yun, basahin mo na lang ang istorya para malaman mo. :)

Walang anuman ang nangyari rito sa tunay na buhay sa ilalim ng pangalan ng mga karakter. Kung meron mang kahawig na pangyayari sa buhay mo ay nagkakamali ka lang. Haha. Kung may mga pangyayari man na naganap sa tunay na buhay, pangyayari lang ‘yun sa buhay ko! HAHA.

AKO NA ANG WEIRD. Click Prologue and welcome to the world of a simple girl with a complicated story to tell. A story so unreal yet so authentic…

Unreal Yet AuthenticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon