Chapter 18.5: Welcome…Hey, Where is She?
Philip’s POV
ANG lakas ng tawa nila Matt at Yoshiro nung pumasok sila sa dressing room naming mga lalake. Kinandado ko na nga ang pinto para hindi nila ako makita pero nagawa pa rin nilang buksan. Hindi naman makapaghintay ang dalawang ‘to, tinawanan pa ako sa itsura ko.
“Stop it.” Saway ko sa kanila. “If it isn’t for Sari, I won’t do this.”
PInilit nilang pigilan ang kanilang pagtawa at nagsimula ng magsalita. Naku, kung ako lang’yung dating Philip pinagbabatukan ko na itong mga ‘to.
“Come on, Philip. We have already proven that you are a hunk. Girl costumes do not suit you at all.” Wika ni Matt na nagpipigilpa rin sa pagtawa. Si Yoshiro naman hindi na nakayanan ang katatawanang nakikita niya kaya humagalpak muli ng tawa. Napabuntong hininga na lang ako.
Nakakatawa naman kasi talaga ang itsura ko. PInasuot ba naman nila ako ng Sailor Moon na costume. Isa kasi ito sa mga unang naging paboritong anime ni Sari kaya wala akong magawa sa sinabi nila. Ako man hindi ko makita ang point kung bakit kailangan kong suotin ‘to. May mga lalakeng anime character naman na gusto si Sari pero bakit kailangang babae pa ang i-cosplay ko? Pinag-t-tripan lang ako ng mga ‘to eh. Pero sige, pagbigyan na lang.
Nakikita ko rin naman na grabe ang effort nila sa welcome party para kay Sari. Hindi ko makita ang difference namin sa lahi, lahat tulung-tulong para lang mapasaya siya. Natatawa na lang ako kasi siya pa na Pilipino ang i-w-welcome sa sarili niyang bansa. Masaya talaga ang lahat dahil kumpleto na ang line up namin.
Maya-maya pa ay nasanay na rin ang dalawa sa itsura ko. Napigilan na nila ang pagtawa nila. Masakit na siguro ang mga sikmura. Sa wakas, makakausap na rin sila ng matino.
“I wonder where they are.” Biglang seryosong banat ni Yoshiro na napatingin sa relos niya. “It is about time for them to return.”
“Don’t you think they got lost?”
Bigla na lang kaming nakarinig ng ingay sa may labas. Agad namang pumasok ang ingay na ‘yun sa lugar kung nasaan kami. Hala, lahat sila naka-panic mode. Pinasok na rin ako ng kaba nang makita ko si Li Mei at Miki pero wala si Sari. Umiiyak na silang dalawa at humuhingal pa.
“P-Philip…” lumapit sa’kin si Miki at halos matumba na. Buti na lang at naagapayan ko siya. “He took her… He kidnapped her!”
“W-what?! I don’t understand you.”
“T-The… The drunk guy earlier… He took Sari-chan. He brought her at the cabin in the Butterfly Garden.”
=========================================
SARI’s POV
NAKAKAHILO. Grabe, asan na ba ako? Umiikot pa ang paningin ko. Ano na ba ang nangyari? Sinubukan kong gumalaw kaso manhid ang buong katawan ko. Ano ba ‘yan? Ang dilim pa ng lugar na ‘to. Liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ng mumunting tanglaw.
“Gising ka na pala.” Napatingin ako sa may gilid ko kung saan nagmula ‘yung pamilyar na boses na ‘yun. Tama ako. It was that guy--- Charles Erikson.
“A-Anong g-ginawa mo sa’kin?” Ano ba ‘yan? Pati ba naman pagsasalita nahihiripan ako.
Nakarinig lang ako ng nakakainis na tawa mula sa kaniya. Naramdaman ko ring tumayo siya mula sa lugar niya at lumapit sa’kin. Rinig na rinig ko ang tunog ng paglakad niya. Buti na lang gumagana pa ng maayos ang tenga ko.
BINABASA MO ANG
Unreal Yet Authentic
Dla nastolatkówNagawa mo na ang lahat pero wala pa rin... Hindi mo pa rin makalimutan at patuloy ka pa ring binabagabag... Alaala nga naman... A complicated story of a simple girl who will stun the whole nation.