What Nix Didn't Know Part 21

903 34 13
                                        

TWO-GETHER

Nakahiga lang sila sa kama. Iisa ang kumot. Nagtatawanan. Walang mga tulog. Suot ni Sarah ang t-shirt ng asawa, samantalang naka-boxers lang si Bamboo. Kung hindi pa tumawag ang kapatid ni Bamboo ay hindi nila mamalayan na mataas na pala ang araw. Natatakpan kasi ng mga itim at makakapal na kurtina ang mga bintana sa kuwarto nila kaya wala silang kamalay-malay sa oras. Hindi din sana sila magugutom kung hindi nila nalaman na tanghali na. Kaya naman parang automatic na sumakit ang mga tiyan nila.

Kumuha lang sila ng kung anong makakain na nasa ref - cake, ice cream na sa bandang huli ay pinaglaruan lang nilang dalawa. Naghabulan sila sa loob ng sa kuwarto; yung klase ng habulan na parang gusto namang magpahuli talaga. Tumakbo si Sarah papunta sa bathroom pero hindi niya naman sinara ang pinto. Nakasandal ang likod niya sa sink habang nagtititili at tumatawa. Sinamantala naman ni Bamboo ang pagkakataon at pinunasan ng icing ang mukha ng misis. Pagkatapos siya naman ang tatakbo, palabas ng bathroom, papunta sa kama. Hihiga at magtatakip ng kumot, habang kinikiliti ni Sarah. "Kain na ng ice cream. Masarap to." At sasagot naman siya ng "Noooo!" At pagkatapos ay tatawa. Pero kapag nagtampo na si Sarah dahil hindi siya mapunasan ng ice cream ay magpapapunas din siya sa mukha hanggang sa tiyan. Pagkatapos ay maghahabulan ulit.

Sa pagkakataon na yun, hindi 13 years ang age gap nila. Para silang sabay na nagbalik sa pagkabata. Walang mas bata. Walang mas matanda.

Nagkalat ang cake at ice cream sa bed sheet, at halos mapunit ang kumot dahil ilang beses nilang pinagagawan ito. Pero nang matapos na silang maghabulan at magpahiran, sabay silang hihiga sa napakaduming kama, buong buo ang mga tawanan; napakaaliwalas ng mga mukha kahit gaano kadungis sila tingnan.

At tatapusin din naman nila ang kanilang pagiging mga inosenteng musmos sa mahihigpit at maiinit na yakap at mga halik. Wala silang kapaguran. Walang katapusan ang lambingan. Kahit ilang oras na ang lumipas at nanglalagkit na sila pareho dahil sa cake at ice cream sa mga katawan nila ay hindi sila umaalis sa kama. Walang nagtangkang maligo. Wala ding nakaisip na maglinis ng kama. Para bang hindi na relevant kung gaano sila kadumi, o gaano kadugyot ang kama at kumot. Hindi importante ang mga yon sa ngayon. May panahon para maglinis. Pero ang panahon na yun ay para lang sa kanilang dalawa.

Parang maiihahalintulad sa kung anong dadatnan nila sa Manila. Alam nila kung anong klaseng gulo ang uuwian nila. Alam nila na maraming maibabatong hindi magagandang salita patungkol sa kanila. Pero hindi mahalaga ang mga yon sa ngayon. May oras para sagutin ang tanong. At may mga tanong din na hindi na dapat sagutin. Ang importante lang naman magkasama sila; magkasama na sila.


"Babalik na agad tayo." Sabi ni Sarah habang nakayap sa asawa.

"We can move our flight. One more day?" Sagot naman ni Bamboo.

"Gusto ko mas matagal." Ang sabi ni Sarah habang kunwari ay nakasimangot. Alam naman kasi niya na imposibleng mangyari yon sa pagkakataon na yon.

"Ok." Mabilis na sagot ni Bamboo.

"Ok?" Natatawa niyang tanong kay Bamboo. "Sana nga madali lang gawin yon."

"Right. So....." Inilapit niya pa sa kanya si Sarah at mahigpit na yakap yakap ito. "...tapusin lang natin commitments natin. And then long vacation na."

"May concert pa. May album promotions ka pa. May The Voice pa." Nakasimangot ulit na sinuksok ni Sarah ang ulo sa leeg ng asawa. "Ang tagal pa eh."

"That's okay." Sagot ni Bamboo habang inaayos ang buhok ni Sarah. "I am not going anywhere. We're going to live in one house na. Magkatabi matulog. Magkatabi gigising every morning. When I get home from work, nasa bahay ka. When you get home tired, I will be home to comfort you. I will buy you ice cream and cake and you can do whatever you want with them." Natatawa niyang sagot dito.

A Fangirl in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon