2pm na????
Pero antok na antok pa din ako. Eh sino ba namang hindi aantukin eh 6am na ko nakauwi kaninang umaga.
Pero kung tutuusin maaga pa nga yun. Dahil last time nga, 11am na ko nakarating sa bahay. Hindi ako lasing, wala kong problema. Nakipagkwentuhan lang ako kina Len, Meg at Berna tungkol sa AshBoo.
Ang saya saya ko. May repeat ang concert nina Sarah and Bamboo in two weeks. At siyempre, may tickets na kami. Adik eh. Excited na ko. Sana iupload na ni Meg ang mga kuha niyang videos sa concert. At sana iupdate na ni Karen ang Facebook page.
Ay shocks! Ako nga pala ang maglilipat ng pictures sa PEX. Pero inaantok pa ko.
Hinahanap ko ang laptop ko ng biglang nagring ang cellphone ko. Si Berna.
“Hello?”
“Hello.” Boses ng lalake. Familiar.
“Hi, Nix. Si Mica to.”
Hindi ako nakasagot. Bakit siya ang nasa kabilang linya? Asan si Berna?
“Why? May nangyari ba kay Berna?”
Natawa siya.
“Wala. She’s okay.”
“bakit ka na naman tumatawa?”
“Sorry. Ang morbid kasi ng imagination mo.”
“At pano mo naman nalaman na morbid ang naimagine ko just now?”
“by the tone of your voice.”, at natawa na naman siya.
“anyway, bakit?” Pagiba ko ng usapan.
“I think I left my phone sa car mo last night.”
“Paano….?”
Ay oo nga pala, nung lumipat kami sa 24/7 resto sa may Tomas Morato kagabi eh sumakay silang lahat sa kotse ko. Well, si Len ay nauna na dahil 24 hours na siyang gising at nahihilo na siya sa antok. Si Karen naman ay sa Bulacan pa nakatira, at mahirap pang sumakay ng ganong time kaya sinamahan na lang naming siyang maghintay. Kami na lang nila Meg, Karen, Berna at pinsan niya ang nagpunta sa resto.
“You remember now. Di ka naman uminom di ba?”
“Yes, I remember. Di ko naman nakalimutan.” Pagtatanggol ko sa sarili ko.
“I’m not really sure kung sa car mo naiwan, sa starbucks or somewhere else. But Im pretty sure I was texting pa nong sumakay kami sa car mo.”
“Okay. I will check. Text ko na lang si Berns later.”
“Thank you. By the way, I hope hindi ka na asar sa akin.”
At ako naman ang natawa. Ano bang pakielam nito kung maasar ako sa kanya habang buhay.
Pero bakit parang hindi na ko naasar?
“Forget about it. Text na lang ako later.”
After the call, bumaba kagad ako sa basement. Sinilip ko ang kotse. May cellphone ba?
I opened the car and searched further.
Ayun, nasa ilalim ng front seat.
Baka nasipa sipa na nila paharap dahil si Meg naman ang katabi ko habang nagddrive last night.
Iphone 5. Hmm may taste. I pressed the main button.
14 missed calls from the same number. Parang overseas ang number ha.
Picture ng baby ang screensaver niya.
“may asawa na siya?” ang tanong na unang pumasok sa isip ko.
Eh ano naman kung may asawa na? Bakit parang disappointed ako.
Bumalik na ko sa condo na parang naiinis na naman. Pero bakit yung inis ko parang may kurot sa dibdib?
NOOOOOOOOOOOOO!!!!
“Pakisabi kay Mica na sa kotse ko nga naiwan ang phone niya.”, text ko kay Berna.
Dali-dali na kong nagpunta sa CR para maligo. Kailangan kong mahimasmasan.
Attracted ba ko sa kanya?
Gwapo naman, matangkad at mukhang matalino.
Pero may sabit na.
NOOOOOOOOOO!!!!
Hindi ko gusto ko gusto yun no. Grabe. Nagulat lang ako. Hindi ko lang ineexpect na may asawa na.
May asawa na nga ba? Di naman sigurado yun. May baby lang na screensaver, married na?
Baka batang ama?
Waaaaaaaaaaaaaaaaahhh
Ano ba tong mga naiisip ko. Eh ano naman kung may asawa na siya. Kahit tatlumpu na ang napangasawa niya, wala kong pakielam.
Pabalik ako sa room ko nang narinig ko ang,
“The words come alive, in a story of our time. Forget perfect endings….”
Phone ko yun. May tumatawag sa akin.
Nagmamadali akong tumakbo papasok ng kwarto.
Huminto ang ring.
6 missed calls???
Number ni Berna ang nakaregister.
Ang OA naman ng babaeng to. Ano naman kaya ang nangyari?
Tatawagan ko n asana siya nang bigla ulit nagring ang phone.
“Hello?”
“Hello!! What happened?” si Mica ang nasa kabilang line.
“Anong what happened?”
“I’ve been calling you since you texted. I thought….”
“Ah so sino ngayon sa atin ang morbid ang imagination?”
“Ikaw?” natatawa niyang sagot.
“Ah ako talaga?” at natawa na din ako.
“So, when can I get my phone?” tanong niya bigla. Hindi ko alam pero parang may narinig akong excitement at landi sa boses niya.
“Ikaw. Puwede ko kayo imeet ni Berna tomo…..”
“Can I get it tonight?” pagtatapos niya sa sinasabi ko.
“Tonight?” Nagmamadaling makuha ang phone? Kunsabagay mukhang may nagwoworry na sa mokong na to. Ang daming missed calls eh.
“Yeah, may plans ka na ba? Ok lang kahit tomorrow.”
“No. I don’t have plans but I have fan duties tonight.”
“Fan duties?”
“Yeah, alam mo na. Magpopost pa ko ng pictures at kwento sa……eh bakit ko ba yun kinukwento sayo?”
“Sorry, istorbo na naman ako. In as much as I want to just go there and get my phone. Di na ko sanay dito sa Manila.” Ang sabi niya habang alam kong nagpipigil siya ng tawa niya.
Inisip kong mabuti ang sagot ko. 4pm na. Tinatamad din akong lumabas. Gusto kong manuod ng concert videos kagabi.
“Punta ka na lang dito. Tag Berna along. She’s gone here several times, she knows how to get here.”
“Ah, okay. Sige, I will tell her.”
“Okay, see you. Tell Berna to bring food.” Sabi ko na pinagtawanan naming dalawa.
“Okay. See you later, at around 7 or 8? Is that okay?” He asked.
Eh bakit parang kinilig ako don? Bakit parang may date kami?
“Okay.” I said while controlling myself from giggling over the phone.
BINABASA MO ANG
A Fangirl in Love
FanfictionBecause Ashboo will always be my favorite What If. Thank you for all your interest and support. ^_____^ Working on the next!!
