Nagmamadali kong kinuha ang kotse sa parking para pumunta sa St. Lukes sa The Fort. Tumawag kasi sa akin si Len at sinabi na dinala nila sa emergency room si Berna dahil sa sobrang sakit ng tiyan.
“Kailangan siyang operahan agad. Appendicitis daw.” Ang sabi sa akin ni Len sa phone pagkatapos maidentify ang cause ng sakit ng tyan ni Berna.
"Ang kulit kasi, adik kase'ng babae to. Masakit na pala ang tiyan kanina pang umaga, go large pa din sa airport! At siya pa ang pasimuno ha." Naiinis na pagpapatuloy ni Len.
"Nakita niyo naman ba at least ang AshBoo?" Siyempre itatanong ko yun kahit nasa ospital si Berna. Yun naman talaga ang original na pinuntahan nila.
"Oo! Kami pa! Ang daming tao, press, fans...sama mo pa ang mga usi. Parang foreign artist ang dumating sa dami ng tao. Nagkatulakan pa nung nakalabas na sila, may kuha si Meg sa phone niya, video nga lang."
"Grabe naman pala. Kaya siguro nastress ng husto ang appendix ni Berna." Pinagtawanan na lang namin ang pangyayari. Ang appendix ni Berna pati na din ang mga nagsugurang tao sa airport.
Last minute decision kaninang 7am ang pagpunta nila sa airport dala na din ng sobrang kaadikan sa ashboo. Napabalitang darating kasi ang dalawa today mula sa LA at 11am, kaya hindi na sila napigilan. Ikaw ba naman ang mawalan ng maasahang news tungkol sa dalawa ng ilang araw, at ang sunud sunud na balitang maririnig mo ay kundi bitin, ay nakakapang-gulat naman talaga, ewan ko na lang kung makakaya mong kumalma lang sa isang sulok at di sumugod sa airport.
Naisip nga din namin minsan na siguro dapat makuntento na lang kami na at least magkasama na ang ashboo, na siguro hindi na kami dapat umasa pa sa mga mas personal pa na balita about them, kasi imposible yun pagdating kay Sir B. Alam na alam naman naming lahat kung gaano kaprotective si Sir pagdating sa personal life niya. At nagkataon naman ngayon, kasama na din si Sarah sa life niya na yun. Kaya, aasa pa ba kami?
Pero ang pangungulila namin sa updates sa dalawa ay natugunan naman ng balita kagabi sa TV Patrol. Everyone was speculating na magpapakasal na sila, not knowing na malalaman din naman kinabukasan na totoo na nga pala, at proof dito ang mga lumabas na balita tungkol sa kanila sa UKG. Paano ka ba namang di magugulat?
Madaling araw kanina, around 4am, tumawag ang naghi-hysterical na si Len dahil sa mga naglabasang pictures at videos ng ashboo sa twitter, facebook at instagram. Wala kaming kamalay malay sa nangyayari. Itaon ba namang kahimbingan ng tulog? Siguro wala sa Pinas ang naglabas ng mga yan.
Hindi kami mapakali mula ng tumawag siya. Gusto naming makagather agad agad ng balita, yung totoo at mas madaming balita. Google dito, text doon. Patuloy ang pag-search ng related items sa lahat ng social media sites.
Ginising din namin ng sunud sunud na tawag si Karen, pero hindi din siya nakatulong dahil iyak at sigaw lang din ang nagawa niya. Wala namang pagkakaiba sa amin mula ng magising kami sa balita. Iyakan sa sobrang tuwa.
Hindi na kami nakatulog dahil malapit na kaming mabaliw sa mga nangyayari. Dati lokohan lang to, pinagtatawanan. Gusto naming mangyari noon pa, pero inisip din namin na imposible. Pero ito na. Hindi na biruan. Hindi na to fanfiction. Totoo na. Kaso sa gitna ng sobrang kasiyaan, magtatanong ka pa din, mapapaisip ka ng, "Paano nangyari to? Kailan nagsimula? Kailan pa?
Kumpirmado! Bamboo at Sarah, KASAL na.
Kasalukuyang nabubulabog ngayon ang buong industriya ng showbiz sa mga short footages at mga litrato na kumakalat ngayon sa social media ng nasabing kasalan sa pagitan ng dalawang Coaches ng The Voice of the Philippines na sina Bamboo Manalac at Sarah Geronimo na naganap diumano noong Sabado ng hapon sa San Francisco (Linggo ng umaga sa Pilipinas).
BINABASA MO ANG
A Fangirl in Love
FanfictionBecause Ashboo will always be my favorite What If. Thank you for all your interest and support. ^_____^ Working on the next!!
