SHE
Natanggal sa trabaho ang PA ni Sarah. Ganon din si Bang Pineda na nagbibihis sa kanila ni Bamboo. Pinalitan na din. Kaya daw pala napapansin ni MD na laging terno ang suot ng dalawa. Malamang may alam din daw si Bang.
Ayaw sana ni MD na umabot sa ganon, kaya lang nawalan siya ng tiwala sa mga taong nakapalibot kay Sarah. Hindi niya pa din matanggap na may namamagitan sa dalawa.
Nang araw na yun, Huwebes, ay kinailangan nang lumabas ng bahay ni Sarah dahil hindi nila puwede i-cancel ang shoot na yun para sa new endorsement na Kakaotalk. Nakaschedule din siyang lumipad sa Korea para ituloy ang shoot doon.
Inabutan siya sa dressing room ni Teacher G na siyang choreographer nila sa shoot. Hindi sila makapag-usap dahil nasa room din si MD at ang bagong PA ni Sarah. Dumating din si DD pero para tawagin lang ang bagong PA. Nang silang tatlo na lang ang natira sa kuwarto.
"G, baka naman may alam ka din." Tanong ni MD.
"Ako po? Saan po? Sa kanila? Wala po mommy. Madami po akong ginagawa kaya di ko nabalitaan. Sa TV Patrol ko na lang nga napanuod. So, hindi naman po pala totoo?"
Napatalikod si Teacher G at napakagat sa labi. Ang dami niyang sinabi. Hindi niya kasi alam kung dapat ba alam niya na totoo ang balita. Kaya napakagulo na ng sagot niya. Mabuti na lang at di nahalata ni MD.
"Tanungin mo si Sarah." Sagot ni MD. Ibig niyang sabihin ay si Sarah ang tanungin kung totoo o hindi na may relasyon sila ni Bamboo.
"Sars......" Ang sabi ni Teacher G. Nag-aalala din siya para sa kaibigan. Nang naka-off ang phone ni Sarah nung tawagan niya ito noong isang araw, alam na niyang wala na itong cellphone.
"Pagsabihan mo yang kaibigan mo. Napakatigas ng ulo. Hindi kami kinakausap sa bahay. Akala naman niya kapag ginawa niya yun ay kukunsintihin na namin siya sa kalokohan niya."
"Huwag kang umiyak. Papangit tingnan ng mata mo niyan sa camera." Ang sabi na lang ni Teacher G kay Sarah na nagpupunas ng luha.
"Sa dinami dami ng lalake, sa may-asawa't anak pa. Napakalaking kasalanan sa Diyos ng gusto niyang mangyari." Pagpapatuloy ni MD.
"Sige po, mommy." Sagot ni Teacher G.
"Sars...totoo ba?" Kunwari hindi niya alam. Tinitingnan niya si Sarah sa salamin. Nagdadasal na sana hindi makahalata si MD.
Tumango naman si Sarah.
"Kailan pa?" Tanong niya ulit. Yumuko si Sarah at umiyak. Hindi siya sumagot.
"Shh huwag kang umiyak. Lagot tayo niyan. Sige ka."
Nakita ni Teacher G na naapektuhan din si MD sa pagiyak ni Sarah. Alam niya na naaawa din ang ina sa anak niya. Alam niya na nagmamatigas lang ito para sundin siya ng anak. Pero dahil ina din si Teacher G, naiintindihan niya ang pinagdaraanan ni MD. Alam niyang gusto lang nitong ituwid ang desisyon ng anak dahil sa paniniwala ni MD ay mali ang ginagawa nito. Kaya nakakaramdam din siya ng simpatiya kay MD.
"Iwan ko muna kayo." Ang sabi ni MD kay Teacher G. Lumabas ito ng kuwarto sa paniniwalang pagsasabihan ni Georcelle si Sarah.
Pero pagkalabas niya....
"Sars...." Hinawakan ni Teacher G ang kamay ni Sarah. "Kumusta ka na?" Naiiyak na tanong niya dito.
"Magulo..." Tuluyan nang umiyak ni Sarah nang maiwan na sila ni Teacher G. "Kawawa naman si Bamboo.....Teacher G...." Halong relief na makakapagsalita na siya, at takot na baka bumalik ang ina, yan ang nararamdaman ni Sarah.
"Alam ko. Kahit saan ako pumunta, kahit anong panuorin ko, basahin ko, sa tabloids, broadsheets, lalo na sa social media, kayo ni Bamboo ang laman ng balita." Ang sagot ni Georcelle habang hawak ang dalawang kamay ni Sarah.
BINABASA MO ANG
A Fangirl in Love
FanfictionBecause Ashboo will always be my favorite What If. Thank you for all your interest and support. ^_____^ Working on the next!!
