You Scare Me

946 14 0
                                    

So it turns out wala naman pala kong dapat ikatuwa sa ibinalita nila Berna sa akin. Tinawagan na lang nila ako while on the road. Wala din naman daw kasing masyadong laman ang news, puro speculations lang naman. Mostly, interpreting what Matteo said sa interview niya with Boy Abunda. Basically picking up on his choice of words. Pero walang definite answer.

Sino ba naman kasi ang magbibigay sa amin ng totoong sagot?

Come to think of it, even if this was what we always wanted....what we always waited for, hindi pa rin tama. At least, hindi pa ngayon.  

Hay! Bat kasi ganon? Bakit kung sino ang dapat para sa isa't isa, iba na ang kasama?

Bakit kailangang magkakilala pa kayo kung hindi rin naman kayo ang magkakatuluyan sa bandang huli?

Bakit hindi pa nauumpisan, natapos na agad?

Ang sakit isipin di ba, na magkaiba ang magpapasaya sayo at kung ano ang tama sa paningin ng nakakarami?

Kaya paano kung kailangan mo nang magdesisyon, ano ang pipiliin mo sa dalawa?

Tama namang maging masaya, pero sa ganitong pagkakataon, sobrang mali ba ang maging tama?

Si Sarah at Bamboo pa ba ang iniisip ko?

"Excuse me ha, I need to de-stress. Sandali lang”, paalam ko kay Mica

"Youre smoking?”

Hindi ko siya pinansin. Pumasok na ko sa room ko, derecho sa terrace at nagsindi ng yosi. Ang malas ng araw na to. Nabangga ka na, wala pang matinong chika on AshBoo.

"Can I have one?” .

"Bakit ka nandito? Di ba sabi mo may asthma ka?”

"Asthmatic or not, it doesnt matter. Give me a smoke.”

"Masama to sayo. Don ka sa living room.”

"Masama yan sa lahat. Period. Now, gimme a smoke.”

"Ok fine.” Pinatay ko ang yosi ko. “There. Gone. Done. Masaya ka na?”

"Galit?”

"No. Hindi ako galit! I am furious!! I hate being told what to do, ok?”

Nakatingin lang si Mica sa akin. I am not sure why his presence affects me this way. And what's worse is that he looks so good today.

Plain white shirt, denim pants and sneakers. Ang ganda ng built ng katawan. Ang linis tingnan yet at the same time rugged.

Could he be any more fine than this?!?

Just please....please let me smoke, ok? I will quit when I want to, but it's not gonna happen today. So please, don't act like you're my....”

What? Boyfriend?” Sabi niya na parang nanunukso.

A Fangirl in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon