What Nix Didn't Know Part 5

1.2K 31 14
                                        

SHE

She's so idealistic. Naniniwala siya na kapag binigay na niya ang commitment niya sa isang tao, yun na yun. Hindi niya na yon kayang bawiin. Hindi niya kayang magbigay ng dahilan. Ayaw niya lang makasakit.

Pero nang mas tumagal, lalo lang napatanuyan ng mga pagkakataon na mali ang decision niya.

It was that same day on ASAP. She got her SMS.

The next song is for you. Nothing's changed on my end. - Coach

She had to go to the restroom after watching him perform. Kinailangan niyang magdahilan na masakit ang tiyan niya para makapagtagal siya sa loob. Hindi niya mapigilang umiyak. Alam niya na dahil sa decision niya, nasaktan niya din si Bamboo. Pero between him and Mateo, obvious naman kung kanino siya committed. Kahit saan anggulo tingnan, may masasaktan. Sa anggulo lang nga na napili niya, pati siya nasasaktan.

Gustong gusto niyang magreply sa text pero hindi niya alam ang sasabihin. Thank you ba? Nice performance? You made me cry? Hindi niya alam paano sumagot nang hindi mababasa ni Bamboo between the lines kung ano ang talagang gusto niyang sabihin. Masyado siyang kilala nito.

Mahirap ipaliwanag kung bakit. Hindi niya din maintindihan. Siguro, talagang may mga bagay na hindi kayang ipaliwanag sa salita, pero kayang kayang maramdaman.

Lumabas lang siya pagkatapos ng madaming minuto. 2 spots na lang at turn na niyang magperform. He got a call from Mateo. Nasa labas daw ito ng dressing room niya. Lumabas agad siya para makita ito. Pinilit niyang ngumiti.

"Umiyak ka ba?" Tanong nito sa kanya.

"Hindi. Nangati yung mata ko kaya kinamot ko."

"Really? Kala ko umiyak ka eh."

Pinalo niya ito sa braso. "Hindi nga." Natatawa kunwaring sagot niya dito. Pero nawala din ang ngiti sa mga labi niya nang makita niyang nakatingin sa kanila si Bamboo. Hindi gaanong nagtapo ang mga mata nila dahil bigla itong yumuko at naglakad na parang walang pakialam sa harapan nila. Hindi niya mapigilang sundan ito ng tingin. Naharang pa ito nila Garlic at ng ibang staff.

"Are you ok?" Tanong ng boyfriend sa kanya.

"Ok na ok." Pero halatang pilit na ang mga ngiti niya. Gusto niyang iwanan si Mateo at tumakbo para habulin si Bamboo.

"Are you sure?"

Tumango lang siya habang sumimple nang tingin sa papalabas ng hallway na si Bamboo.

Lingon. Lingon. Lingon. Pero hindi ito lumingon sa kanya.

HE

"Intindihin mo na lang, brad! Did you really expect it would easy for her? Siya pa. Eh adik yun sa TAMA. Of course, ayaw niya makasakit." Pancho's advice to Bamboo after telling everything to him.

"So it's a lesser evil to hurt me. I got it. Totally!" He said while drinking his scotch in between.

"Two things. Una, Let her go. Because you love her at ayaw mo siyang maipit. Pangalawa. Because you love her, hindi mo kayang makita na masaya siya sa iba, kaya hindi ka bibitiw. It's up to you. Do what you think is best for both of you."

"It's hard to tell what's good for her."

"That's true. It is. But if you believe na kayo talaga ang dapat, what other good are you looking for? Make her believe what you believe."

Bamboo refilled his cup with scotch.

"This..." Pancho took the cup from his hand. "This is not good for you. It's been a while since you got drunk. Huwag ganito, Pare. Madami pang paraan."

A Fangirl in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon