Feels Killer

1.2K 20 1
                                    

“Eh ano ngang nangyari?” tanong ni Berna sa akin.

“Antipatiko yang pinsan mo Berna. Itanong mo sa kanya.” Sagot ko.

“Eh tinanong ko na nga. Nothing lang ang sagot sa akin.”

“O di kalimutan na natin. Pero don’t expect me to be nice sa kanya.”

“Hay naku, bahala nga kayong dalawa.”

“Anong bahala na? At anong kaming dalawa? Hindi na kami magkikita no?”

“Oo na. Sige na. Mauuna na ko ha.”

“Bakit? Magkukwentuhan pa tayo di ba?”

“Eh may kasama nga ako, alangan namang ipakita ko pa sa pinsan ko kung paano tayo magreview ng mga nakakakilig na moments ng ashboo? Eh nahihiya naman ako kahit paano.”

“Di lang pala antipatiko ang pinsan mo. MH pa. Malaking Hadlang.”

“Mamaya ka na umuwi Berns, kape muna tayo,” pilit ni Len kay Berna.

Syempre, gusto namin kumpleto kami. Maiihahalintulad na sa ritual ang paguusap naming magkakaibigan after ng isang event.  Hindi ko nga din maintindihan minsan ang importance non kasi Inuulit lang naman naming ang mga napanuod. Titingnan din namin ang cam ng bawat isa. Paguusapan lang naman namin ang mga nakakakilig na moments ng ashboo, sabi nga ni Berna.

“Oo nga, sasama daw sa atin si Ate Karen,” second the motion naman ni Meg.

“Eh pano nga eh may pinsan na kasama?” inis kong sagot.

“Eh di isama. Okay lang naman sa amin. Sabihan mo na lang na wag nang ikuwento sa pamilya mo ang mga maririnig niya,” sagot ni Len na natatawa.

“Okay lang sa inyo pero sa akin hindi,” diniinan ko talaga ang HINDI. Excuse me ang bigat ng loob ko sa Mica na yun ha.

“Ano ka ba? Tiisin mo na lang ate.” Natatawang sagot ni Meg.

"Ano Berns? Sama ka na ha?" tanong ni Len na may pamimilit kay Berna.  

Di pa ko nakakasagot ay kasama na naming si Karen.

“Saan tayo?” Tanong niya.

“Kape!!!”

Walang magawa si Berna. Sumama pa din siya sa amin. At of couse, kasama din ang pinsan niyang di yata marunong magtagalog.

“Gusto niyo ng cake?”, biglang singit ni Mica

“Aba! At marunong ka palang magtagalog,” di ko napigilang magreact.

“Syempre naman. Pinoy ako. Dito ko pinanganak at lumaki,”

As if naman interesado ako sa buhay niya. Wala kong pakielam no? Sa isip isip ko na lang.

“Okay ka lang?” tanong ni Len sa akin.

“Oo naman, bakit?”

“Eh kasi ang haba ng nguso mo. Chill!”

“So ano, ang cute nila kanina sa JGMAR. Waaaaaaaaaaaaahhhh,” pagsisimula ni Karen.

“Oo, tapos sabi pa ni Bamboo, ‘let’s do it like this, parang couple na naguusap’, waaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh,” kilig na kilig na pagrereenact ni Meg.

Bigla naman akong napatingin kay Mica na nasa counter. Napatingin din siya sa amin dahil sa sobrang ingay kiligin ng mga kasama ko. Nakakahiya.

Nakakahiya? Nahihiya ako dito sa mokong na to? Mas grabe pa nga akong kiligin eh. Usually, masakit ang katawan ng katabi ko pag gising niya sa umaga. Nananampal kasi ko kapag kinikilig. Wala akong pinipiling lugar.

 Pero bakit ngayon parang nahihiya ako? Yuck!!! Ano ba to?

“Cake,” sabi ni Mica habang inaabot niya ang 6 na plates ng iba’t ibang klaseng cake sa table namin.

Mukhang masasarap, pero di ako kakain. Yabang!!!

“Thank you, hello I’m Karen.”

“Hi”, sagot ni Mica sa kanya.

At parang nakalimutan ni Karen ang susunud sa kinikuwento niya. Napatitig na lang kay Mica.

Eh di ko naman siya masisi. May itsura naman kasi si Mica.

Matangkad, moreno, magaling magdala ng damit. Ang ganda pa ng mata, nagiging light brown ang eyes niya kapag naiilawan. Ang ganda din ngumiti.

Actually, maamo ang mukha niya kapag ngumingiti siya. Bagay ang buhok niya sa kanya. Actually, parang kay Bamboo na hairstyle.

Napailing ako sa inisip ko. Naguguwapuhan ba ko sa epal na to? Yuck!!! Nooooo!!!

“Ako ang gusto ko eh yung nagitinginan sabay ngitian silang dalawa sa Englishman in New York.” Yan ang statement ni Len na nagpabalik sa akin sa present time.

“Ikaw Nix, anong nagustuhan mo?” tanong ni Berna

“huh? Gusto ko yung stage, yung mga ilaw. Di ba parang ganon ang naimagine natin. Sayang di nila kinanta ang Bakit Ngayon Ka Lang,”

At parang nakita ko sa peripheral view ko na tumatawa si Mica sa sinabi ko.

“Anong nakakatawa?” Tanong ko sa kanya. 

“Wala.”

“Eh bat ka tumatawa?”

“Why’d you want them to sing that?”

Natigilan ako. Actually, natigilan kaming lahat. Outsider nga pala to. Pano niya maiintidihan na gusto naming na magkatuluyan sina Bamboo at Sarah? Kung sabihin ko ba ang dahilan maiintindihan niya?

“Basta. Yun na yun.” Sagot ko.

“huh?” at lalo siyang natawa.

“bakit na naman?”

“Wala, may naalala lang ako.”

Gusto ko sanang tanungin kung ano ang naalala ng kups na to kaya lang baka isipin niya gusto ko siyang kausap.

Buti na lang at natauhan na si Karen mula sa pagtitig kay Mica. Nagsimula na siyang magbigay sa akim ng inside info.

“Alam niyo ba?  Napadala daw ng flowers si Sir kay Serah”. Simula ni Karen.

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh sabay sabay kaming tumili. 

“Bakit daw?" Tanong ni Berna

“naku, alam ba yan ni wifey?” Tanong ni Meg.

“Anong color ng roses?” Tanong ni Len.

“Kailan?” Tanong ko naman.

Naguunahan kami sa pagtatanong. At bahagyang nakalimutan ko ang bwisit na pinsan ni Berna.

“Parang goodluck lang naman siguro. Puedeng atutuwa din si Sir kasi natuloy na ang concert nila, di ba?” Sagot ni Karen.

“Goodluck lang yun syempre, alangan naman I love you. Hahaha Pero nakakakilig. Waaaaaaaaaaahhh” sabi ni Meg.

At natawa na naman si Mica. Natawa din naman ang mga kasama ko dahil nakakatawa nga naman na may lalakeng nakikinig sa usapan namin, at nakikipagtawanan pa sa amin. Nakikipagtawanan nga ba or pinagtatawanan niya kami?

“Wait, married na si Bamboo, right? Bakit gusto niyo pa din sila magendup together?” Pagsingit ni Mica.

Eh napipikon na ko sa taong to.

Bat ba ayaw na lang niyang manahimik?

Eh pero bakit ba ako naiinis? Lagi naman natatanong to sa amin.

Bakit nga ba?

“Dahil for us, bagay sila. I mean they have this certain chemistry na di naman maiwasan manotice. But this, what we’re doing right now, don’t take this seriously, we know naman na married na si Bamboo, but we just can’t help it.”, sagot ni Len.

“I just don’t get it. Don’t you think that’s kinda awkward?”, patuloy na tanong ni Mica.

“No.” pambabara ko sa kanya.

“Then, anong nangyari Karen?” pagtatapos ko sa queries ng pakielamerong lalakeng to.  Ayoko nang marinig ang boses niya. 

A Fangirl in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon