Kept Vows

1.1K 19 3
                                        

Don't call me delussional when this clearly is a fanfiction, yet you still read and react like it's a true story. If you had not, at one point in your precious life, hoped AshBoo to be real, spare yourself from being crazy mad. Don't read the next chapters. I will not be responsible for your mental breakdown. Thanks. 

___________________

 

 

Akalain mo yun? May sarili na kong lovelife.

Ay! Di nga pala akin to. Nakikishare lang ako. Yun ang tamang description. 

Iilang araw na lang ang natitira. Alam ko aalis din si Mica. Ayoko nang pahirapan ang sarili ko. Ayoko nang itanong kung san lahat to papunta? Wala na ding masyadong time para lagyan ng label ang relationship namin, kung meron man kami non.

Ayokong magplano para sa bagay na alam ko namang mawawala. Let alone, probelamahin ang hindi pa nangyayari. I will have enough time to worry about it when it comes. I will have enough time to hurt. 

For now, masaya ako na kasama siya, at masaya din siya na kasama ako. We just want to make the most out of this, building our own memories together. Kasi that's all we can take from this. Knowing eventually all this will end as everything falls back into its own places, I have become hopeful, that at least some perfect day in the future, I will know what this means. Bakit kailangang mangyari to? Para saan?

Ganito na din kaya si Sarah ngayon?

Or baka naman hindi na siya nakiki-share? Baka siya na ang may-ari. Pero paano mangyayari yon e married nga si Sir B.  

Nakakalito naman kasi ang mga balita. Sa isang site, ang sabi nagkabalikan na daw si Sarah at Matteo. Sa isa namang news site, ang sabi, nagfile na daw ng divorce si Bamboo. Sa isa pang site ang sabi, wala daw katotohanan ang Bamboo x Sarah affair, magkaibigan lang daw ang dalawa. At wala nang ihihigit pa yon. 

Eh ano nga ba ang papaniwalaan namin? Siguro mas madali at hindi nakakasakit kung ang "magkaibigan lang sila" ang paniwalaan namin. Kasi naman yung news about Sir B's divorce eh masyadong abrupt - abruptly short. 10 sentences lang tapos na. Wala man lang picture. Sinabi lang sa Nevada daw nagfile ng divorce, at 3 months ago pa daw. 

"Ay hindi naman po. Wag po tayong magbigay ng malisya sa amin ni Coach Bamboo." Sarah. 

"No. Saan galing yan. Sarah is a fellow Coach. We're good friends." Bamboo.

"Nakakahiya naman po kay Mrs. Manalac. Wag na po natin palakihin." Sarah. 

"People just confuse our chemistry on stage with real life. Yun lang yon." Bamboo. 

"Lennnnnnnnnnnnnn! Meeeeeeeeeeeeeeeeeegggggggg!!!!" Pagtawag ko sa kanila. Magstart na ang show. Nasa kitchen lang naman sila devouring the pizza I took home early this morning. Pero ang excitement sa boses ko, akala mo na sa Guadalupe sila. 

6am sila nagkita sa Ortigas, and nagtaxi na sila papunta dito. Gising na ako pagdating nila. Wait? Natulog ba ko? Pikit pikit lang ang tawag don. Hindi ko kasi alam kung san ako naeexcite, kay Mica or kay Sir B. 

Pinapakita na ngayon ang mga previous comments and statements nila about their relationship. 

"Friends. Nothing more. But why do talks about an affair continue to surface despite their vehement denials?" Karen. 

"Siguro Tito Boy, I just want to give Sarah the space she deserves; to sort things out; to......she needs to..."

"Matteo, maraming nagsasabi sa atin, mga malalapit na kaibigan, I'm not going to name them because I know how sensitive my question is. Is it true that Bamboo is involved in all these quote - sorting things out - unquote?" Boy Abunda. 

A Fangirl in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon