“We can’t do this” Sarah says habang tinutulak niya si Bamboo palayo.
“But why?” tanong ni Bamboo.
“Why? It’s obvious. Ayan.” Sabay turo sa singsing ni Bamboo sa kaliwang kamay nito.
“I will find a way to fix this, just promise me you won’t give up on us.” Bamboo insists.
“Us? Meron bang ‘us’? Oo nga pala, may ‘us’, kaya lang nga kasama ang pamilya mo – your wife and your kids. Yes! That. Is. ‘us’. Perfect ‘us’.”
Yan ang eksenang napaginipan ko kagabi. Siguro dahil na rin sa sobrang excitement ko sa repeat concert ng AshBoo tonight, eh tatlong gabi ko na silang napapanaginipan.
Pero yun nga ba ang dahilan? Eh tapos na yan diba? Masaya na sila. Bakit nasa subconscious ko pa din ang ganyang mga eksena?
It's been a month since nagsimulang magulo ang buhay ko. (Well, not that my life was really neat before that. But, yeah!) I can't help but think about him. Lalo na't tatlong araw ko na ding hindi siya nakakausap.
Siguro nga hindi na sina Bamboo at Sarah ang nasa panaginip ko. Mere representation lang sila. It feels so familiar. It feels like home. And that's because I am in a similar boat now. Similar circumstance, pero ibang results. Sa kanila, masaya. Sa akin, nganga.
****
Madali akong nakalabas sa Ayala. Wala pang 5 minuto, palabas na ko ng Edsa galing Buendia flyover.
“Nice” Walang traffic sa baba.
Medyo may pagsisisikip lang ng konti sa Guadalupe pero wala ng hintuan mula Boni hanggang Megamall. Na-excite akong bigla. Finally, one whole night na makikita ko sila on one stage.
Umuwi ng maaga sina Len at Meg. Kailangan nilang magpakita sa pamilya nila, lalo na si Meg. Baka daw mag-worry ang lola niya kapag dumiretso siya sa concert. Hindi na nila ko mahihintay kasi kailangan ko pang dumaan sa office. So we decided na sa Araneta na lang kami magkita.
Nagring ang phone ko. Si Berna. 3:57pm. Siguro 4pm na sa relo nya. Pero hindi ko nasagot. Medyo masikip sa bandang Ortigas, paakyat ng flyover. Ang lalaki ng bus na nakabalandra sa Edsa. Nung nakalusot na ko, sa bandang Santolan naman ako natagalan. Mga 15 minutes mula Ortigas hanggang makalampas ng Santolan, pero sumikip na naman sa pakaliwa ng P. Tuazon.
Nagtext na ko kay Berna. “Malapit na ko”.
Deja vu! Parang nangyari na to.
Malapit na ko. Malapit na kong bumalik sa lugar kung saan ko siya unang nakita, sa araw na sana hindi na lang dumating.
***
"Huwag niyo na ko patawanin please! Nakareserve ang pagpunit ng tahi ko para sa kilig mamaya!"
Nagtatawanan kaming apat na magkakaibigan. Nagkukuwento ako kay Berna nang mga kalokohang ginawa nina Len at Meg kagabi - habang gising, lasing at tulog.
"Props to Meg! Kahit heartbroken, andito!!" Inaasar ni Berna si Meg.
"Sayang ang tears, ate.!" Nakakatawang sagot ni Meg.
"May pain reliever ka ba diyan, Berns?" Tanong ni Len habang sapo sapo pa din ang ulo. Hang-over. Bitin din sa tulog. Dapat kasi tulog siya sa oras na ginising ko. Graveyard Shifter Blues.
"Masakit no? Inom pa!" Ang sagot ko.
"Kasi si Meg ang aga nagyaya umuwi." Dugtong niya habang naghahalungkat ng gamot si Berna sa bag.
"9am na yon, Ate. Pinapauwi na ko ng lola ko. Paano kung di ako pinayagan dito?"
"Ikaw Meg? Pain reliever gusto mo?" Pangaasar ni Berna kay Meg habang inaabot ang gamot kay Len.
BINABASA MO ANG
A Fangirl in Love
FanfictionBecause Ashboo will always be my favorite What If. Thank you for all your interest and support. ^_____^ Working on the next!!
