Masisisi niyo ba ko kung bawat sindi ko ng yosi ngayon eh si Mica ang naaalala ko? Ito kasi yung ayaw na ayaw niyang ginagawa ko. Voluntary man o involuntary, patuloy ko pa din siyang naiisip. Lahat ng tungkol sa kanya, sa amin....parang isang lumang pelikula na naka-unlimited replay sa utak ko. Kung paano kami unang nagkakilala. Kung ano ang una naming napagusapan. Kung anong galit at inis ang naramdaman ko nung una ko siyang nakita, at kung anong hindi ko maipaliwanag na attraction ang nagsimula ng lahat.
Pero kahit ilang beses siyang showing sa utak ko, hindi ko pa din alam kung paano, kailan at bakit ako nahulog sa kanya.
Sabi nila, at sa sarili ko na ring karanasan, ang lahat ng nakakasakit at nagpapahirap sa atin ngayon eh pagtatawanan lang natin pagdating ng araw. Pero bakit ang tagal dumating ng araw na yon sa akin? Pagkagising ko, siya ang una kong naiisip. Sa gabi bago matulog, siya pa din. May unli access siya sa utak ko.
Kailan ba darating ang araw na matatawa na ako? Gusto ko nang matawa. Gusto ko nang pagtawanan ang sarili ko at si Mica.
"Narealize ko na wala naman akong magagawa kung ano ang gustong gawin ni Mica sa buhay niya. Kung si Alexa, eh di siya. Kung ikaw, eh di ikaw." Sagot ni Berna sa akin nang sabihin ko sa kanya na nag-email sa akin si Mica.
Hi Nix,
Just got here in Florence. How are you? I miss you.
Love,
Mica
Dahil ang kailangan lang naman ni Berna ay ang mautot para mairelease sa hospital, ay nakalabas naman siya kaagad. Pero nakaalis na sila Mica at wala pa si Tita Pearl nung Thursday nang nakalabas siya.
Wala siyang makakasama sa bahay kaya sabi ko sa akin na lang siya muna tumuloy. Si Len, sa condo ko umuuwi tuwing umaga hanggang kaya nang maglakad ni Berna.
"Gusto mo ba?" Tanong ni Berna nang tanungin ko siya kung ok lang ba sa kanya na magreply ako kay Mica.
“Nagawa mo na no?” Ang sabi niya sa akin nang hindi ako kaagad nakasagot. Ang totoo, naunahan lang naman niya ako. Sasabihin ko na talaga na nagawa ko na nga.
“Oo. ‘Nice to know you’re finally home’ lang naman ang sinabi ko.”
“Sumagot?”
“Oo. Pero hindi na ko nagreply ulit. Hahaba pa.”
“Anong sinabi niya?”
“Sabi niya lang niya balak niya na bumalik sa work kahit may 2 weeks pa siya. Yun lang.”
“Wala na?”
“Sabi niya he misses me. Pero hindi ako sumagot…..”
“Na you miss him too? Obvious naman, Nix.”
Hindi ako sumagot.
“Alam niyo naman pareho na gusto niyo isa’t isa. Siyempre alam niya yun. Kailan ka pa naging slow?”
“Ewan ko ba. Tumawag ba siya sayo?”
“Oo. Sa akin nga niya nakuha email add mo, ano ba?”
“May sinabi ba siya sayo kung anong plano niya?”
"Kung may plano man siya ako ang huling sasabihan non. Bakit anong gusto mong maging plano niya?"
"Curious lang ako."
BINABASA MO ANG
A Fangirl in Love
FanfictionBecause Ashboo will always be my favorite What If. Thank you for all your interest and support. ^_____^ Working on the next!!
