What Nix Didn't Know Part 19

2K 34 24
                                        

"You probably know the name, but learn that knowing doesn't give us the right to utter it aloud, not when it doesn't even make a sound."

ASHBOO WEDDING

SHE

Iba na ang itsura ng buong garden nang araw na yon paglabas niya. Punong puno ito ng mga bulaklak. Kahit sa lalakaran niya ay nagkalat ang white and pink tulips. Magsisimula na siyang maglakad nang marinig niya ang boses ni Bamboo.

I am borrowing this song, and make it ours, at least for one day. (laughs) This song, I think, sums up how and why we are here today. This is you and me, baby.

(Please let this play on repeat in the background as you read...and just let your imagination fly. Then, hopefully, you feel as I do.... https://www.youtube.com/watch?v=SQrrxgrqDnw&feature=youtu.be  Thank you @_itsIrene_, again, for this beautiful video.)

Kahit nang magsimula na siyang maglakad hawak ng kanyang mga magulang ay hindi niya maiwasang maging emotional habang naririnig niya ang boses ni Bamboo.

We'll do it all everything....on our own.....

Pakiramdam niya tinatawag siya nito papunta sa kanya. Naisip niya lahat nang pinagdaanan nilang dalawa. Kung paano sila humantong sa araw na yon.  Nagbalik sa utak niya ang una nilang pagkakakilala, ang unang pagkakataon na naramdaman niyang mahalaga ito sa kanya, ang araw na nagtapat si Bamboo sa kanya, ang takot na naramdaman nang akala niyang may nangyari sa kanyang masama, ang kauna-unahang beses na hinayaan niyang halikan siya nito, lahat ng maliit at malalaking bagay na natutunan niya mula kay Bamboo, hanggang sa araw na lumipad sila papuntang LA.

Nasa kaliwa niya ang ina na umiiyak habang naglalakad sila. Sobra sobra ang pasasalamat niya sa mga magulang, na kahit hindi man ganap na tanggap ang kanyang desisyon, ay sinamahan pa rin siya ng mga ito sa napaka-importanteng araw niya.

"Matitiis ba naman kita. Mahal na mahal kita, anak."

"Sana po maintindihan niyo din na ginagawa ko to dahil kapag hindi ko sinunod yung nararamdaman ko, alam kong pagsisihan ko yon habang buhay. Mommy, ang linaw linaw ng nakikita ko." Nakangiti niyang sabi sa ina. "Sana isang araw, makita niyo din ang ibig kong sabihin. Sa kanya lang ako magiging ganito kasaya."

Hinawakan siya nang mahigpit ng ina nang makarating na sila sa tapat ng green house. Hanggang doon lang siya ihahatid ng mga magulang at mag-isa na siyang lalakad. Nagpalakpakan ang mga taong kasama nila sa celebration.

"Mommy......" Hinawakan siya ng ina sa mukha at isa isang pumatak ang mga luha sa mga mata ni Sarah.

"Huwag kang umiyak. Nandito lang kami para sayo. Maaaring mawala ang lahat ng nagmamahal sayo, pero kami ng daddy at mga kapatid mo, hinding hindi mawawala sa buhay mo." Niyakap niya ng mahigpit ang ina. "Salamat, Mommy...." Pagkatapos ay ang ama naman ang niyakap niya.

"Magsumbong ka sa akin kapag nagloko yan ha." Narinig niyang sabi ng ama. Gusto man niyang kontrahin at sabihing hindi siya sasaktan ni Bamboo, ay hindi niya ginawa. Sapat nang dumating ang mga magulang niya.

Pinupunasan ng ina ang luha ng anak, "Sige na...sige na..." Ang sabi sa kanya ni MD, na para bang pinapalaya na siya, hinayaang gawin ang nararapat para sa kanya. Naguumapaw ang galak sa puso ni Sarah. Alam niya isang araw, sigurado siya, mamahalin din nila si Bamboo na parang sa kanila. Hindi importante kung gaano katagal ang kailangan nilang hintayin. Ang mahalaga,  sigurado siya, mangyayari't  mangyayari ang sandaling yon.

A Fangirl in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon