My Own Feels

998 12 0
                                        

Past 7pm. Done with my fan duties. Nakapagpost na ko ng kwento sa PEX. Sinilip ko na din ang mga videos na napost ni Meg sa fanpage sa facebook. Ang saya. Syempre, nakakakilig naman talaga ang AshBoo. Hindi ko din maintindihan kung bakit.

12 years ang age gap. Married si Bamboo. May boyfriend si Sarah. Pero bakit bas a utak at puso namin eh dapat na sila ang magkatuluyan?

They are so meant to be……for us.

Tama nga ba si Bamboo sa mga sagot niya sa interviews na maybe, we are just confused fans, that we try to associate the chemistry we see on stage to their personal lives?

Maybe, but who cares?? Sige na, confused fans na kami. But there’s really magic whenever I see them together. And, naniniwala talaga ko na magkakatuluyan pa din sila despite and in spite of everything.

HAHAHA

Nababaliw na naman ako, nagiimagine na naman ako na magkasama sila ngayon. Na naguusap sila,

Sarah: I’m sorry Bamboo. Pero pabayaan mo na ko. I can’t be the reason of your divorce. Let me go.

Bamboo: But I love you. Don’t leave. I will fix everything for you. Just please don’t leave me. Please.

Tumulo na naman ang luha ko. Just the thought na nahihirapan sila sa situation nila………..oo na, sa puede nilang maging situation pag nagkataon.

Habang iniisip ko kung paano sila aamin sa public na sila na, may nagdoor bell.

Sila Berna na siguro. Hindi ko na natext si Berna kung nasan na sila. I was so engrossed with AshBoo.

“Hi” Bungad ni Mica pagbukas ko ng pinto.

“Hello. San si Berna?”

“She didn’t come with me. Nagpahatid lang ako sa taxi. Madali naman makita ang place mo.”

Of course, madali lang. Nasa Makati Avenue lang ang building na tinutuluyan ko. Sa kanto namin ay Buendia na.

“Pasok.”

“Thank you. I brought you Starbucks coffee, pasta and cake.”

“You didn’t have to.” Nahihiya kong sagot.

“But thank you, sit down…sit down. I will just get your phone.”

Bigla akong kinabahan, yung kaba na excited. Hindi ko maexplain. Parang natuwa ako na siya lang magisa ang dumating. Parang ang saya ko na may dala siyang pasalubong.

He is just being nice. Don’t imagine things. Pilit kong sabi sa sarili ko.

“Mica, here’s your phone. Dead batt na”

“Salamat.”

Silence.

“Kanina pala, may tumatawag. I think that was the 18th call from that number. But I didn’t answer. Sorry”

“Okay lang.”

Silence.

“Kain tayo? Wait. Ilipat ko sa plates ang dala mong food.”

“tulungan na kita”

“Sure.”

Hindi ko talaga maintindihan. Pero parang mas lalo akong kinabahan. I can’t help but glance at him once in a while habang nagpprepare kami ng food. And tama ba ako? He’s also checking me out?

A Fangirl in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon