SHE
She can't help but look at him with admiration. Where and how did he learn to speak sensibly? Bakit laging alam niya yung sagot sa mga tanong niya. Ni hindi niya kailangan magexplain ng sobra sobra para maintindihan siya. Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin, alam na ni Bamboo paano ito tapusin.
He looks so good today. White shirt, blue jeans, black sneakers, walang relo, walang necklace, walang mamahaling cap, but he looks so expensive. Kahit pinapawisan na siya sa noo, hindi mukhang madungis, mabango pa din tingnan, ruggedly good looking.
"So may helicopter na makeshift lang naman sa stage. Galing sa taas. Pero nasa baba lang kayo. Sa likod ng stage na to. Ikaw, Sarah ang unang kakanta pagbukas ng makeshift helicopter door......"
Ang ganda ngumiti. Lalo na pag lumalabas ang dimples. Yung parang kunwari di marunong mag-smile pero pag nag-smile na....haayyy! Isang ngiti naman diyan, Coach....
"Sarah...kapag kumanta na si Bamboo...dito ka.......Sarah!"
"Po!"
"Nadinig mo ba?" Tanong ni Direk Rowell sa kanya.
"Opo."
"Great! Tapos ikaw Bamboo hintayin mo lang ang ilaw na........"
Ano ba tong nangyayari sa akin? Kung ano ano ang iniimagine ko. Paano kaya kung kami? Hindi, Sarah! May boyfriend ka na! Tama na yan! Pero hindi ko mapigilan? Paano kaya kung kami?
Hindi niya mapigilang mapangiti mag-isa. Pagkatapos ay titingin na naman siya kay Bamboo na nakangiti din mag-isa.
Nakangiti siya. Ano kayang iniisip niya? Pareho kaya kami? Nahahalata niya ba na nakatingin ako sa kanya? Ang cute cute niya mag-smile. Lalo na pag kinakagat niya yung labi niya habang nagiisip. Guwapo tingnan. Eh guwapo naman talaga siya eh.
Nahinto ang pagiimbestiga niya ng bawat parte ng mukha at kilos ni Bamboo nang mapatingin ito sa kanya. Nagulat na lang siya nang umusog ito papunta sa tabi niya. Kinabahan siya. Nagayos bigla ng buhok. Inipit ang buhok sa kaliwang tenga, at sa kanang tenga; binasa ang labi, tiningnan kung may muta siya sa mata. Naasar siya bigla nang maalala niyang wala siyang dalang sunglasses. Gusto niyang mag-sunglasses ngayon.
"Ok ka lang?" Tanong ni Bamboo sa kanya. Nahalata na siguro na hindi siya mapakali.
"Oo. Bakit?"
"Kanina kasi tahimik ka lang. Tapos ngayon, ang likot likot mo na."
"May iniisip lang ako."
"Just don't look at me too much, ok? Baka mainlove ka. You know that's not going to be easy, right?" Nakangiti nitong sabi sa kanya. Kita ang dimples. Nanunukso ang mga mata. Naramdaman niyang uminit ang mukha niya.
So nakita niya ako? Nakakahiya.
"Eh kasi ang galing mo tapos ang guwapo mo pa. Kinikilig ka no?"
"Ohh! You bet." Natatawa nitong sagot sa kanya. Umusog ito ulit kaya nagtama ang mga legs nilang dalawa.
"Sorry" Bamboo said while slightly touching her leg.
Parang halos hindi nga tumama ang kamay nito sa leg niya, pero naramdaman niya yung kuryente. Kumabog lalo ang dibdib niya. Hindi niya mapigilang umusog ng kaunti palayo dito.
"Ok lang." Pero nararamdaman niya pa din ang epekto nang pagkakadikit nilang dalawa. Hinihintay niya kung magrereact din si Bamboo. Nakita niyang natigilan din ito ng bahagya pagkatapos siyang hawakan. Naramdaman din kaya niya yun? Ako lang ba?
BINABASA MO ANG
A Fangirl in Love
FanfictionBecause Ashboo will always be my favorite What If. Thank you for all your interest and support. ^_____^ Working on the next!!
